"You want to believe that there's one relationship in life that's beyond betrayal. A relationship that's beyond that kind of hurt. And there isn't."
- Caleb Carr
"One daiquiri, please." Sabi ko sa kaharap kong bartender. Tumango ito at naglakad palayo sa akin. I glanced at the dance floor and saw people dancing and enjoying the night. Mabilis namang bumalik ang bartender at inilapag ang isang baso na puno ng alak. I'm on the moment to reach it when someone grab my hand.
"Hey!" Sigaw ko sa taong nasa likod ko.
"That's enough, Karla. Pang-ilan mo na 'yan." Nilingon ko siya at napakunot na lang ang noo ko sa nakita ko.
"Don't say what I should do. Leave me alone, Paco." Umirap ako sa hangin at humarap muli sa counter. Ano naman ang ginagawa ng lalaking ito dito? I thought he already had a family?
"Nagmamalasakit lang naman 'yung tao. If you're okay to be alone, I guess I really have to go then." Naramdaman ko ang paglayo niya sa likuran ko. I don't care about him. Actually, I don't care to anyone right now. I want to be alone!
Ininom ko ang natitirang daiquiri sa baso ko at padabog itong ipinatong sa counter. Sinubukan kong tumayo pero tila inuugoy ang buo kong katawan. Napahawak ako sa inuupuan kong high chair kanina at tumayong muli ng diretso. I tried to walk properly going to the dance floor but my feet are not listening to what I want. Nararamdaman kong pagewang-gewang ang paglalakad ko pero wala akong pakialam kung ano ang itsura ko ngayon. I want to get on that dance floor and shake all my pain away.
Dama ko ang dagundong ng mga speakers na sumasabay sa pag-indayog ng katawan ko sa masayang musika. I lift my hands up and shake my hips as I go to the center of the crowd. I felt bodies touched my skin then I open my eyes. I see boys and girls partying and dancing with me. Ngumiti ako pabalik sa kanila at sumigaw-sigaw habang tumatalon.
"Oy! Oy! Oy!" Paulit-ulit naming sigaw habang nakataas ang mga kamay at tumatalon. I feel good somehow. Parang nawala 'yung hilo na nararamdaman ko kanina. Ilang kanta pa ang natapos at naramdaman kong sumasakit na ang paa ko sa tagal ng pagsasayaw ko. I decided to sit back at the counter. Mabilis kong nilakad ang distansya mula sa dance floor pabalik sa counter at dahan-dahang umupo sa high chair.
"Daiquiri, Ma'am?" Alok nung bartender na nag-served sa'kin kanina. Umiling ako bilang sagot at ngumiti lang siya, umalis at inalok ang iba pang customer. Inikot ko ang high chair para mapaharap sa maiingay na crowd. Sumasakit na naman ang ulo ko dahil sa magkahalong kalasingan at pagod pero kahit lasing na ako ay alam kong nasa katinuan pa ako. Umiinit ang pakiramdam ko kahit na may aircon na nakatutok sa akin. Panay ang pahid ko sa aking dibdib na para bang nauubusan ako ng hininga.
BINABASA MO ANG
The Other Woman
RomanceWe all know what a wife would be felt, said and experienced. Now, it's her turn to unveil the true story and let anyone know her not only for being THE OTHER WOMAN.