“Love, like everything else in life, should be a discovery, an adventure, and like most adventures. You don’t know you’re having one until you’re right in the middle of it.”
― E.A. Bucchianeri
Dali-dali akong hinatak ni Emma papunta sa kama ko at sabay kaming sumalampak doon. Kita sa mga mata niya ang panunukso sa paghatid sa akin ni Karson kanina.
"Tapatin mo nga ako, Karla. Are you inlove with my client? Mr. Karson Gomez?" Nakataas ang kilay niya pero nakapaskil pa rin ang ngiti sa kanyang labi.
"Client mo man o hindi, does it matter, Emma? Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. 'Yung masaya ako lalo na kapag kasama ko siya." Sabi ko na parang isang teenager na kinikilig.
"There's no wrong being in love. But I just want to remind you not to give up all. Alam ko hayok na hayok ka sa pag-ibig na 'yan, kaya 'wag kang bibigay agad." Paalala niya.
"Ano ka ba, Emma. Masyado namang fast-forward 'yang iniisip mo. Nasa dating stage pa nga lang kami."
"You'll never know. Matatanda na tayo, ibang level na ang kaya nating gawin kumpara noong mga highschool pa lang tayo. Magkaibang magkaiba 'yun, Karla." Sabi niya habang hawak ang magkabilang balikat ko.
"Yah, I get your point. I just have one favor to you." Tinaasan lang niya ako ng kilay kaya pinagpatuloy ko ang sasabihin ko. "Put me down when I got so high, when you see something's wrong between us." Makahulugan kong sabi sa kanya.
"I will, my bestfriend." At sabay kaming nagyakapan.
"Ang drama ah. Tama na nga. Magpahinga na tayo." Una akong kumalas sa yakapan namin at hinatid ko siya sa may pintuan ko. Hinintay ko siyang makapasok ng kwarto niya bago ako bumalik sa kama.
Ibinalot ko ang katawan ko sa makapal kong kumot at tumagilid sa may side table kung saan nakapatong ang phone ko. Kinuha ko ito at binuksan ang facebook app. Hinanap ko ang friend request ni Karson at pinindot ang accept button. Agad namang nagpop-out na may nag-chat sa akin, and it was Karson telling me to sleep. Sinagot ko siya at itinabi na ang phone ko.
Kailangan kong pag-isipang mabuti kung dapat nga ba akong sumugal. Ang takot ay sa una lang pero kapag tumagal, mawawala rin ito. Siguro ngayon ay nangangamba ako na baka mauwi lang sa wala ang pagsugal ko. Ngunit matalo man o manalo, lagi itong may kalakip na aral sa buhay.
Araw-araw akong hinahatid-sundo ni Karson sa opisina o kahit saan ko pa gusto magpunta maliban na lang kung busy siya sa trabaho o kaya naman ay kapag nagmatigas ako na ako na lang mag-isa.
BINABASA MO ANG
The Other Woman
RomanceWe all know what a wife would be felt, said and experienced. Now, it's her turn to unveil the true story and let anyone know her not only for being THE OTHER WOMAN.