Chapter Twenty Four

78 1 0
                                    

"I must learn to be content with being happier than I deserve."


― Jane Austen, Pride and Prejudice




Labag man sa kalooban ko ay pinapasok ko siya sa bahay ko. Pinipilit ako ng aking konsensya na h'wag nang patuluyin ang babaeng ngayon ay nasa main door na.



"Ako na. Bahay ko 'to." Inunahan ko siya sa pagpihit ng door knob atsaka pumasok sa bahay. Tinignan ko siyang pinagmamasdan ang bawat sulok ng sala.



"Ang lambot naman ng sofa mo. Minsan na ba kayong... Alam mo na." Matalim ko siyang tiningnan para itigil kung anuman ang gusto niya pang sabihin.



"Shut your big mouth or else I will drag you out of my house." Nanlaki ang mga mata niya at ngumiti na lang. Dahil sa sinabi niya, naalala ko kung ano ang huling nangyari sa amin sa sofa na 'yan. Dito nagsimula ang lahat. Bukas na bukas din ay papapalitan ko ang sofa na 'yan.



"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Patuloy siya sa pagmamasid hanggang sa kusina.



"Gusto lang kitang makilala ng lubusan. Para malaman ko kung ano ang meron sa'yo at pinatulan ka ng asawa ko." Sumingkit muli ang mga mata ko at siya naman ay napangiti lang na para bang humihingi ng patawad sa nabitawan niyang salita. Kanina pa 'to ah. Kapag hindi ako nakapagtimpi mabebengga na siya sa'kin.



"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ni Ka- ng asawa mo sa'kin. I don't care about that now." Sagot ko sa kanya. Naglakad kami ulit pabalik sa sala.



"Dahil kung ganda lang naman ang pag-uusapan, siguro nga lamang ka ng kaunti. Pero kaunting kaunti lang." Tinitigan niya ang mukha ko pababa sa katawan ko. "Pwede ring dahil sa sexy ka. Masyado kasi akong skinny kaya siguro naghanap siya ng medyo may mapipisil na laman." Hindi ko na talaga gusto ang mga sinasabi niya at baka ano pa ang magawa kong hindi maganda sa kanya.



"I really don't care. Hindi na kami nagkikita o kahit magka-usap man lang."



"Really? Sinasabi mo lang 'yan para baguhin ko ang tingin ko sa'yo." Umupo siya sa sofa at sumandal pa.



"I'm not your husband's mistress. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo 'yan?!" Iritado kong sabi sa kanya. Nauubos na ang pasensya ko sa kanya.



"Fine! 'Wag mo akong sigawan, ako ang asawa." Napa-irap na lang ako. Wala akong pakialam kung siya ang asawa. Tapos na kami! Para sa akin, tapos na lahat ng kung mayroon sa amin ni Karson. Kung mayroon nga ba talaga.

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon