"None of us wanted to be the bass player. In our minds, he was the fat guy who always played at the back."
- Paul McCartney
I'm busy reviewing all the reports that were submitted to me yesterday. My forehead wrinkled as I read the details of company's financial statement. I closed my eyes while putting down the folder on my table. I inhaled a deep breathe and open my eyes.
"Tell Manager Ferro, we will conduct a meeting later at 6 PM regarding to the FS together with the Accounting Senior Manager." Sabi ko kay Ana na nakatayo sa tapat ko habang tinitignan ang bawat reaksyon ko.
"Yes, AVP Perez. Anything else?" Nagsulat siya sa kanyang notepad at muling tumingin sa akin.
"None." At lumabas na siya ng opisina ko.
Tinignan kong muli ang folder kung saan nakalagay ang report galing sa Accounting Department. Nagsasabi itong Net Loss ang pagmamay-ari naming corporate office building sa Quezon City, ang Aspire Plaza. Bilang isang leasing company, mahirap paniwalaan na lugi ang kumpanya. Binasa kong mabuti ang iba pang detalye at napangiti na lang ako sa butas nito.
Sabay kaming kumain ni Ana sa Mall malapit sa Sunkiss Tower. Gusto kong lumabas sa stressful na building na 'yon. Ilang buwan pa lang akong AVP at ito pa lang naman ang isa sa mahirap kong kinaharap. Noon kasi ay sa Sunkiss Tower lang nakatuon ang buo kong atensyon at dedikasyon para mapaganda ang pamamalakad ng kumpanya rito. Ngunit simula nang ma-promote ako ay pati ang iba pang hawak ng One Pacific Corporation ay kasama na sa mga kailangan kong bigyang pansin.
"Sa tingin ko, may mali sa Manager ng Aspire Plaza. Ikaw nga, maganda ang stability ng Sunkiss Tower. Mas di hamak naman na mas malaki ang ST kumpara sa AP. Kung ikaw kaya muna ang humawak doon?" Sinisimot ko ang cup ng ice cream habang pinapakinggan ko ang sinasabi ni Ana.
"Hindi pupwede ang sinasabi mo, Ana. Sino ba ang Manager d'un? It was his responsibility to think solutions to the problems. Kahit hindi pa problema, dapat may plan B at plan C na siyang nakahanda." Pilit kong kinukutsara yung natunaw na ice cream sa pinakailalim ng cup. Pati tuloy ice cream nadadamay sa init ng ulo ko.
"Mamayaa pagbalik natin itatanong ko kung sino na ang Manager doon. Ang alam ko kasi, si Mr. Miguel Ferro ang manager ng Aspire Plaza noon bago siya ilipat dito."
"Sa tagal kong nagtatrabaho sa OPC, ngayon lang ako nakakita ng FS Report na Net Loss. Kahit na sabihin pa nilang hundred thousand lang 'yun. That amount still matter." Halos masira na ang plastic spoon na gamit ko habang kinakagat ang dulo nito. "Pati 'yang si Accounting, dapat may set of plans din sila." Dagdag ko. Si Ana ay sinisimulan pa lang kainin ang nagtutubig na niyang ice cream.
BINABASA MO ANG
The Other Woman
RomanceWe all know what a wife would be felt, said and experienced. Now, it's her turn to unveil the true story and let anyone know her not only for being THE OTHER WOMAN.