Chapter Twenty

72 1 0
                                    

"Saying goodbye doesn't mean anything. It's the time we spent together that matters, not how we left it."

- Trey Parker

"What will I do, Dad?"

"You know what? Maybe you should try to be a little naughty. There's no wrong about it. Let him know that you're not ready to have a sexual intercourse with him but some mushy will do. He will understand you, I know." Ngumiti siya pagkatapos niyang magsalita.

Magtatatlong linggo na simula noong huli kaming nagkita ni Karson, mula noong gabi na 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit niya kailangang umiwas sa akin dahil lang sa nangyari. Dahil sa hindi siya napagbigyan ay gaganituhin niya ako?

"Nahihiya 'yon sa'yo dahil tinanggihan mo siya. It is his ego that you stepped on." Dugtong pa ni Dad.

"But not like this. Pwede naman naming pag-usapan ng maayos. His not taking my phone calls or even replying to my messages. Gan'on na ba kalaki ang kasalanang ginawa ko?" I hold back my tears. I don't wanna let them run down my cheeks.

"No, it's not your fault. Hindi lang kayo nagkaintindihan. Trust me, nahihiya lang 'yon sa'yo dahil ikaw, kaya mong pigilan ang sarili mo." He caressed my back that caused me to be more sad. Hindi ko kaya ang ganito. I don't want to be left hanging again.

"Ayaw ko ng ganito, Dad. Ayaw kong ganito ang nararamdaman ko." Nanginginig ang boses ko habang pinipigilang pumatak ang mga luhang nagkukubli sa aking mga mata. He let me go and hold my shoulders.

"Take my advise. You're hot and sexy. Why don't you use it to have his attention this time? You have his heart, now don't let his eyes off of you." Tumango lang ako at yumakap muli sa kanya. Ang hirap mag-isip kung paano ko siya makaka-usap ng maayos at hindi 'yung ganito na parang pinagtataguan niya ako.

"Thanks, Dad. I will think about your idea." Humalik ako sa pisngi niya at tumayo. Tumango lang siya at sinabayan ang titig ko sa kanya habang papalabas ng resto.

Bakit ba palagi na lang nakakaramdam ng lumbay ang puso kong uhaw sa pagmamahal? At ang mga taong nang-iiwan sa'kin ay masaya na sa kani-kanilang buhay? Si Paco ay may asawa at anak na, si Mama na kapiling na ang Maykapal, si Dad kahit nandito ay aalis din para balikan ang binuo niyang pamilya, si Emma na balang araw ay tatahakin ang daang para sa kanya. Ngayon, pati ba si Karson ay isa rin sa mang-iiwan sa'kin?

Alam kong nag-o-overthinking lang ako pero paano kung ganoon nga ang kahinatnan nito? Will I be forever alone? Kailangan ko na bang bumili ng aso para may kasama ako kahit papaano?

Malungkot pala ang buhay ko. I mean, malungkot talaga ang buhay ko, matagal ko nang tanggap ang katotohanang 'yon. Pero wala bang babago ng buhay kong mapanglaw? Wala bang babanaag na bituin sa aking gabi? At kailan pa ako nagtagalog na sobrang lalim?

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon