"One day you will wake up and there won't be any more time to do things you've always wanted. Do it now."
- Paulo Coelho
"Ma'am! Taxi po?" Tanong ng isang barker na nakatawag ng aking pansin. Hindi man sigurado kung ako nga ba ang tinanong niya, tumango ako bilang sagot. Umalis ito at wala pang isang minuto nahanapan niya na ako ng cab samantalang ako, kanina pa naghihintay ng masasakyan. Mabuti na lang at may taong ganito ang ginagawa bilang hanap-buhay.
"Ito oh." Sabay abot ng bente pesos sa kanya bago ako sumakay. "Sa Global tayo manong, Sunkiss Tower." Sabi ko sa driver. I have fifty minutes left bago ako ma-late sa meeting namin. And now, I'm busy reviewing my reports that I already submitted to my boss.
"Pakibilisan naman ho at ayokong ma-late."
"Opo Ma'am." Tumingin ito sa rearview mirror at tiningnan ang mukha ko habang nakakunot-noo nakatingin rin sa kanya.
Bumalik ako sa pagbabasa ng mga detalye na sasabihin ko mamaya. We have to close this deal at nakasalalay sa akin ang lahat para sa project na ito.
Huminto kami kaya napatingin ako sa harap. Traffic.
Naiinis ako sa mga araw na kung kailan ka nagmamadali, doon pa nagkakabuhol ang trapiko at ayaw magbigayan ng mga driver. Lahat ng tao nagmamadali. May araw naman na hindi ganito. Bakit ba nataon pa ngayon?
Biglang tumunog ang phone ko. Ana, my buddy, was calling. I'm sure magtatanong ito kung nasaan na ako.
"I'm coming, Ana. Na-traffic lang. I know this is the most stupid alibi but it's true. Nasa C-5 na ako, okay?" Inunahan ko na siya.
"You're funny, Karly! Sige na. Basta bilisan mo. You only have thirty minutes to prepare. Nandito na kami sa board room at ikaw na lang ang hinihintay."
"Whatever. And please, don't call me Karly. I'll hang up." At ipinasok ko na sa bag ang phone ko.
Ilang minuto pa ay nakarating din ako sa tapat ng opisina namin. Wala na akong sinayang na panahon. Tinungo ko agad ang elevator at pinindot ang floor kung saan gaganapin ang meeting.
I'm starting to get nervous. Hindi mapakali ang mga daliri ko sa pagkutkot sa bakal ng bag ko. Pati paa ko walang tigil sa pag-tap. Pinaghandaan ko naman ang araw na ito pero iba pa rin kapag nandito ka na. Ito na eh. Mangyayari na siya. You'll do your best and there is no turning back.
BINABASA MO ANG
The Other Woman
RomanceWe all know what a wife would be felt, said and experienced. Now, it's her turn to unveil the true story and let anyone know her not only for being THE OTHER WOMAN.