Chapter Nine

73 2 0
                                    

Even if happiness forgets you a little bit, never completely forget about it.

- Jacques Prévert

Maganda ang gising ko ngayon sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Isa na siguro ang panaginip ko na hindi ko na maalala. Ang sarap nga ng tulog ko eh, ni hindi ako naalimpungatan kaninang madaling araw.

Pupungay-pungay pa ang mata ko nang lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa kitchen para maghanda ng breakfast. Pagdating ko ay nandito na rin si Emma na kumakain ng almusal.

"Penge." Sabay kuha ng isang sandwich sa plato niya. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Ano ka? Hindi mo ako kasambahay para ipag-gawa ka ng almusal mo. Gumawa ka ng sarili mo." At binitawan na niya ang kamay ko pagkatapos kong mabitawan ang sandwich niya.

"Damot." Kinuha ko ulit 'yung sandwich niya at dali-daling kinagatan ito.

"Parang ewan 'to. Sige! Igawa mo ako ng bago." Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinagpatuloy ang pag-nguya.

"Hindi mo ako kasambahay para utusan mo lang. Akin itong bahay na tinutuluyan mo." Sabi ko sa kanya at kumagat pa ulit.

"Aba... Ang taas na ng tingin mo sa sarili mo ah. I want to remind you that I'm still richer than you." Tumaas ang kanang kilay niya pero binaliwala ko lang ang mga sinabi niya.

"Ang sarap nito ah. Bukas ulit." At tumayo na ko para maligo.

"Karla!" Sigaw niya at bigla na lang pumasan sa likod ko. Dahil sa pagkabigla, hindi ko nakayanan ang bigat niya kaya pareho kaming natumba sa sahig.

Tawa kami ng tawa dahil sa kalokohan naming dalawa. Nakaka-miss ang ganitong eksena namin, sayang lang at wala akong katulong o ibang kasama sa bahay. Wala tuloy nakakita at nakarinig ng sagutan namin.

"I miss this. You know, making scenes like this. Next time we'll do it on public." Inabot niya ang kamay niya at tinulungan akong makatayo.

"Di bale na. Ang bigat mo kaya."

"What?! Look at me. I'm sexier than you. Mas may bilbil ka pa nga kaysa sa'kin tapos sasabihin mong mabigat ako." Sabi niya habang minumwestra ang flat belly niya.

"Bakit? Wala naman akong sinabi na mas magaan ako sa'yo ah?" Tapos ay inilabas ko ang dila ko para asarin siya at tumakbo paakyat.

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon