Chapter Five

149 2 0
                                    

“Pure, intense emotions. It’s not about design. It’s about feelings.”

— Alber Elbaz

Sinuyod ko ang kahabaan ng Ortigas Avenue papunta sa bayan ng Antipolo. Iyon kasi ang address na nakasulat sa notepad. Naisip ko tuloy, baka doon nagpatayo ng bahay ang mga Gomez.

Umorder muna ako sa isang drive-thru para maibsan ng kaunti ang kagutumang nararamdaman ng tiyan ko at uhaw ng lalamunan ko. Then I continued my long and boring driving.

Binilisan ko na ang takbo ni Lightning tutal sabado naman ngayon at konti lang ang traffic enforcer. Masunurin naman ako, in my own rules.

Wala pang isa't kalahating oras ay nakarating na ako sa isang subdivision sa Antipolo. Tinanong muna ako ng guwardiya bago ako pinapasok. Tahimik ang lugar at kakaunti pa lang ang mga nakatayong bahay, 'yung ilan parang wala pang nakatira. Sinundan ko ang direksyon na sinabi ng guard kanina kung saan ako pupunta.

"Seriously? A vacant lot?" Tanong ko sa sarili ko. Akala ko naman nakatayo na ang bahay, 'yon pala ay wala pang nagagawa ni isang hukay man lang.

I parked Lightning right after the signage of the lot then peaked out of my car. Ramdam ko ang sariwang hangin na dumadampi sa aking mukha. This is a good choice for a home but for a workaholic person like me who's working in Manila, this is a bad idea. Bukod sa magastos sa gasolina, ubos ang oras ko dahil sa traffic.

Inilapag ko ang envelope sa hood at sumandal sa sasakyan ko. From here, I can view the busy place of Manila and it's neighboring towns. Ang sarap din pala sa pakiramdam na malayo ka sa napakasikip na lugar na iyon.

Nahinto ang pagmumuni-muni ko nang makita ko ang isa ring Ford Ranger na asul ang pumarada katapat ng Lightning ko. Tinitignan ko kung sino ang nagmamaneho pero makapal masyado ang tint ng bintana niya kahit ang windshield ng sasakyan niya. Hindi ba bawal 'yon?

Lumabas mula sa drive seat nito ang isang naka-polong puti at naka-shades na lalaki. Maybe he was the driver. Inaabangan ko ang pagbukas niya ng back seat door pero nagkamali ako, dumiretso siya ng lakad patungo sa akin at laking gulat ko nang tanggalin niya ang aviator sunglasses niya.

"Hi! It's good to see you first in the morning. I'm Mr. Gomez, the owner of this lot." Bati niya sa akin at nag-alok na makipag-kamayan. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, pabalik sa mukha niyang napakaaliwalas tignan. Sh*t. He is a hunk indeed. I'm now agreeing to what Ana said.

"Good morning. Nice to meet you, again." Bati ko naman sa kanya sabay tanggap ng kamay niya. Hindi pa niya binitawan ang kamay ko kung hindi ko lang ito agad binawi sa pagkakahawak niya.

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon