Chapter Thirteen

92 2 0
                                    

“We keep moving forward, opening new doors, and doing new things, because we’re curious and curiosity keeps leading us down new paths.”

Walt Disney

Hinahatid-sundo ako ni Karson araw-araw, minsan ay hindi kapag talagang busy siya sa trabaho. Sabay kaming kumain ng hapunan, kung hindi sa bahay ay sa labas. Natuto na nga akong magluto dahil madalas siyang mag-request na sa bahay na lang kumain. Mabuti na lang at nandito si Emma para turuan at tulungan ako. Nagpapadala pa rin siya ng bulaklak tuwing biyernes na may kalakip na maiksing tula o kaya naman ay tsokolate.

Paminsan-minsan kaming namamasyal at nag-a-out of town na kaming dalawa lang. Kahit na ganun ay malaki pa rin ang respeto niya sa akin bilang babae. Hanggang halik at yakap lang ang ginagawa namin. Nakakatuwa na hindi siya ganoong klase ng lalaki sa modernong panahon ngayon.

Sa ngayon ay ine-enjoy namin ang pagiging lovers. Bawat hawak niya sa kamay ko, halik sa pisngi at labi ko at ang mga binibitawan niyang mga salita ay nakakapagpataba sa puso ko. Before, this relationship is on a trial-and-error basis but now, I think this one is successful.

"Manager Perez, here's you're Friday flowers!" Sabi ni Ana pagkatapos kumatok at pumasok dala-dala ang isang basket ng bulaklak.

"Bakit ang dami naman masyado nito? Saan ko naman 'yan ilalagay ngayon?" Nakakunot ang noo ko sa nakita kong bulaklak. Ang sabi ko kasi kay Karson, ayos na sa akin kung isa o tatlong tangkay lang para hindi ako mamroblema sa kung saan ko ilalagay ang bulaklak.

"Aba malay ko. Doon oh. Pwede pang ilagay 'to." Tinuro niya ang isang sulok ng opisina ko at doon inilapag ang basket. Tinignan ko naman at naghanap kung may sulatba itong kasama. "Here's the note. Don't worry, I didn't open it." Inabot niya sa akin ang isang pink envelope na kasing laki ng palad ko.

Binuksan ko iyon at binasa ang sulat niya.

Roses are red,
Violets are blue.
If you forgot when we started,
Let my hugs and kisses remind it to you.

Napangiti ako sa simula ng sulat niya at inintindi kong mabuti kung ano ang gusto niyang iparating sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig ko. Today is our half year! Agad kong kinuha ang phone ko at hinanap ang number niya pero sumagi sa isip ko na tulog siya sa mga oras na ito at ayokong maistorbo pagpapahinga niya.

Kaya naman nag-text na lang ako sa kanya na may dinner date kami mamaya pagkatapos ng trabaho ko. Tinawagan ko si Ana para magpa-reserve ng table for two sa isang restaurant na malapit dito sa Mall. Medyo nagka-problema pa dahil puno na raw ang resevation nila pero mabuti na lang ay may nagpa-cancel.

"Ah... Manager Perez, we will have a meeting later at 6 PM with Sir Harris." Sabi ni Ana habang inilalapag ang mga papel sa gilid ng lamesa ko.

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon