Chapter Twenty Five

128 1 0
                                    

"The trust of the innocent is the liar's most useful tool."

- Stephen King



"Aahhh!" Naalimpungatan ako sa malakas na paghikab ni Shiela kasabay ang pag-uunat ng katawan niya. Magkatabi kaming natulog sa kama ko. Kahit na bakante ang kabilang kwarto, hindi ko siya pinatulog doon. Bukod sa mag-isa lang siyang matutulog doon, hindi ako papayag na may ibang makapasok sa kwarto na inilaan ko para kay Emma.

"Good morning!" Bati niya sa akin habang nakangiti. Ngumiti ako bilang tugon sa kanya at bumangon na.

"I'll prepare breakfast. Dito ka na rin ba kakain ng pananghalian?" Inayos ko ang damit ko pagkatayo at naglakad paplabas ng kwarto. Lumingon ako sa kanya para hintayin ang sagot niya.

"Uuwi na ko pagkatapos nating mag-almusal." Sabi niya habang kinakapa ang gilid ng mata na tila nag-aalis ng muta.

"Okay. I'll call you once I'm done." Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina para maghanda ng makakain.

Hindi ko na masyadong pinabongga ang almusal namin. Simpleng bacon sandwich lang at hot chocolate. Bukod sa tinatamad akong magluto, kulang-kulang na rin ang laman ng refrigerator ko. Pagkatapos kong ihain sa dining table ang pagkain namin ay umakyat na ulit ako sa kwarto para tawagin siya.

"Kapag ba nandito ang asawa ko, do you prepare food for him?" Biglang tanong ni Shiela sa kalagitnaan ng pag-kain namin. Tumango ako bilang sagot.

"Not often. We always eat at resto." Sabi ko.

"Oh, I see. Everyday ba kayong magkasama?" Napatiningin ako sa kanya.

"No. Minsan sinusundo niya lang ako from office then uuwi na siya pagkahatid niya sa'kin dito." Pinagpatuloy ko ang pag-inom ng inumin ko.

"Is he using his car when he fetch you?" Tumaas ang isang kilay ko sa pagtatanong niya.

"Ang dami mo namang tanong. Bakit hindi siya ang tanungin mo?" May pagkairita kong sabi.

"Because I trust you that you'll say the truth. And him? I doubt him. Hindi niya sasabihin kahit anuman ang namagitan sa inyo." Sagot niya pagkatapos ay humigop ng iniinom niya.

"Bakit hindi siya ang usigin mo? Ako ng ako ang pinupuntahan mo. Siya dapat ang ginagamitan mo ng mga tanong mo sa'kin." Malamig kong sabi sa kanya.

"I can't. Masyado kong mahal ang asawa ko para pagalitan at awayin pa siya." Ikinabigla ko ang sagot niya.

"What?! Pagkatapos ka niyang pagtaksilan, mahal mo pa rin siya?" Napataas ang tono ko.

"Dahil ganun ko siya kamahal, Karla. Hindi matutumbasan ng galit ko ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ako manhid, ramdam na ramdam ko ang pag-uumapaw ng pagmamahal ko. Nararamdaman ko rin ang pagmamahal niya kaya siguro hindi manaig ang pagkamuhi ko sa kanya ngayon." I can't believe this woman. Hindi ko kaya ang ginagawa niya! Natutop na lang akobsa aking noo sa mga narinig ko. Parang hindi ko kayang magmahal ng katulad sa kanya.

"I'm done. Can I go now?" Tanong niya pagkatapos ay pinulot ang bag niyang nasa counter.

"Ihahatid na kita sa labas." Sinundan ko siya at inunahang buksan ang main door.

"Nice meeting you, Karla Perez." Ngiti niya sabay abot ng kamay. Sinalubong ko ang kamay niya para tanggapin 'yon.

"Diretso na ba ang uwi mo?" Tumango siya at naglakad na papalabas ng gate. Tinignan ko pa muna siya hanggang sa makalayo bago ako pumasok sa bahay.

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon