"Family is not an important thing. It's everything."
- Michael J. Fox
Tinakbo ko ang maliit na distansya namin mula sa gate ng bahay papunta sa kanya at hinagkan siya ng mahigppit. Narinig ko ang malalim niyang pagtawa at naramdaman ang pag-galaw ng balikat niya.
"What a warm welcome from my beautiful daughter." Malaki ang boses niya at tumawa ulit habang kinakalas ang mga bisig kong nakayakap sa kanya. "Hindi niyo ba ako papapasukin?" Tuluyan na akong bumitaw at hinila ang kamay niya papasok ng bahay. Ginaya ni Emma ang ginawa ko kaya walang nagawa si Dad kundi ang maglakad ng mabilis.
"Such a big surprise Dad! Kailan pa kayo dumating? You didn't inform me para naman nasundo ko kayo sa airport." Wala siyang ibang dalang gamit bukod sa isang itim na body bag. Marahil ay doon siya sa bahay niya tumutuloy.
"Wala man lang pasalubong, Tito? Is this how you treat us?" Biro ni Emma habang sinusubukang buksan ang body bag ni Dad.
"On the way na, Emma. You're always excited, nothing's change." Ginulo ni Dad ang buhok nito at sabay kaming tumawa.
"Hay... Akala ko hindi na kayo babalik dito. I thought you forgot me right away." Sabi ko at hinatak si Dad para umupo sa sofa.
"Why would I forget my most beautiful daughter? Ikaw yata ang pinakapaborito ko kaya hindi mangyayari ang iniisip mo." Umakbay siya sa akin at hinalikan ang buhok ko. He is sweet indeed.
Marami man siyang pagkukulang bilang ama ko for the past years, napunuan niya ito nang mawala si Mama. Siya ang naging sandigan ko simula nang tumuntong ako sa kolehiyo. Siya ang nakasama ko habang nag-aaral si Emma sa ibang bansa. Umalis lang siya dahil kailangan din siya ng mga kapatid ko.
Malayo man kami sa isa't isa, nagagawa pa rin naming magkamustahan. We're both busy on our career and I understand why sometimes we didn't talk. At first, I had a hard time to accept him as my father but as the time goes by, I only said to myself that I should be thankful because I still have my him.
"What keeping you busy? Are you still working with One Pacific Corporation?" Tanong ni Dad habang kumakain kami ng pananghalian.
"Yes Dad." Matipid kong sagot.
"Wednesday ngayon, you should be in your office. Right?"
"I should. Pero binigyan ako ng OPC ng one week vacation. Maybe they saw me how I'm toxicated at their office."
BINABASA MO ANG
The Other Woman
RomanceWe all know what a wife would be felt, said and experienced. Now, it's her turn to unveil the true story and let anyone know her not only for being THE OTHER WOMAN.