"A friend is someone who knows the song in your heart and can sing it back to you when you have forgotten the words."
- Anonymous.
Wala na akong sinayang na oras. Nag-ayos agad ako ng sarili ko para naman magmukha akong fresh kahit kakatapos lang ng nakakapagod na araw. Kinuha ko ang pressed powder na nakatago sa side drawer ng table ko. Nag-apply na rin ako ng manipis na lipstick. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Emma was right. I've changed, a lot.
Ilang minuto pa ang lumipas, may kumatok na sa pintuan ng opisina ko. No wonder. That is Emma. Sa tunog pa lang ng katok, siyang siya na. Tumayo ako at inayos ang konting gusot sa damit ko. Papunta pa lang ako sa pinto para buksan ito ngunit naunahan na ako ng taong nasa likod nito.
"Karla! I miss you so much!" Bungad niya sa'kin, biglang yumakap at kulang na lang buhatin ko siya dahil nakapalupot pa ang isa niyang binti sa bandang beywang ko. Muntik pa kaming matumba dahil sa ginawa niya.
"Clingy as ever! Now you can let me go Emma." Hinagkan ko rin siya ng mahigpit at bumitaw sa yakapan namin.
"Not so quick. Na-miss kita eh! Ang tagal nating hindi nagkita." Nakapalupot pa rin ang mga braso niya sa batok ko at isang binti sa beywang ko.
"Fine." At yumakap ulit ako sa kanya. I missed her so much.
Siya ang kasa-kasama ko sa lahat mula noong highschool pa lang kami. Siya ang naging kaibigan, kaaway, kakampi, hater at fan ko sa loob ng maraming taon. Siya ang nasa tabi ko at tumulong sa'kin nang mamatay si Mommy. Kaya malaki ang utang naa loob ko sa babaeng ito.
Mayaman, maganda at matalino. Sa kanya mo makikita ang isang perpektong imahe ng isang babae. Ginamit niya lahat ng biyayang mayroon siya, nagpasyang mag-aral sa ibang bansa at ngayon isang tanyag na arkitekto sa Dubai.
"Balita ko magpo-promote ka ulit? How nice! Alam ko naman na mas matalino ka sa'kin way back then. Pero ewan ko ba naman sa'yo at mas pinili mong dito magtrabaho. Sinayang mo lang 'yung offer ko sa'yo." Tinitignan niya ang bawat sulok ng opisina ko. Sinusuri ang mga disenyo ng mga displays at hinahawakan ang mga kanto ng muwebles.
"Good choice. Iba talaga ang mga tastes mo. Tell me, do you have a boyfriend already? Based on my art opinion, your in love." Medyo sarkastikong sabi niya.
"Tigilan mo nga ako. Hindi ako dapat ang topic sa unang pagkikita natin. Ano bang ginawa mo sa Dubai at hindi mo man lang ako kinamusta mula nung tumapak ka doon?" May pagtatampong boses kong sabi.
"Nagpaka-yaman. Ano pa ba ang ginagawa ng mga taong nagta-trabaho dun? Kaya nga gusto ko doon ka rin para may kasama ako." Nakadungaw siya sa labas at parang may gustong sabihin.
BINABASA MO ANG
The Other Woman
RomanceWe all know what a wife would be felt, said and experienced. Now, it's her turn to unveil the true story and let anyone know her not only for being THE OTHER WOMAN.