"We must accept finite disappointment, but never lose infinite hope."
- Martin Luther King, Jr.
"Karla... Karla, wake up." May naramdaman akong yumuyugyog sa balikat ko. "Karla..." Narinig ko naman ang mahinang pagtawag sa pangalan ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa aking harapan si Emma na nakaupo sa tabi ko.
"My god, Karla! Pinag-alala mo naman ako. Akala ko hindi ka na magigising." Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto ko. Parang natutulog pa rin ang diwa ko. "Wake up, biatch." Hinampas niya ang braso ko sabay alis sa tabi ko.
Umupo ako at sumandal sa head board. Tiningnan ko ang wall clock na nasa itaas lang ng pintuan ng kwarto na nagsasabing alas tres na ng hapon. The epinephrine hormones rushed out from my adrenal glands to my body. Kinusot ko ng kamay ko ang mukha ko at napalikwas ng bangon sa kama ko. Lumabas ako ng kwarto at agad na hinanap si Emma sa kusina.
"Had a good sleep?" Tanong niya habang abala sa pag-gawa ng kung anong pagkain sa counter.
"I think so. I took sleeping pills last night." Sagot ko at umupo sa high chair na katapat niya.
"Kaya naman pala ang hirap mong gisingin! Muntik ko nang tawagan si Tito James dahil kahit anong pag-sigaw at pagyugyog ang gawin ko sa'yo, ang himbing pa rin ng tulog mo at malalim ang paghinga. Don't dare to do that again, Karla. Or at least inform me next time." Diretso ang tingin niya sa akin na may bahid ng galit at pag-aalala. I understand why she acts like that.
"I'm sorry, Emma. Don't worry, I'll never do it again."
"Good. Now eat. Alam ko nagugutom ka na. What time we will leave?" Iniabot niya sa akin ang kakatapos niya lang na gawing ham sandwich na may letuce at tomatoes.
"Maybe 5 o'clock. Naihanda mo na ba ang mga gamit mo?" Kinagatan ko agad ang sandwich at kumalat agad sa bibig ko ang lasa nito. Pagkalunok ko ay parang nadagdagan pa yata lalo ang gutom ko.
"Yup. I'll call Tito James. Sunduin na lang natin siya sa hotel niya. Tutal on the way naman 'yon." Then she left me in the kitchen and let me finish the sandwich.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa kwarto ko at hinanap ang cellphone ko. Walang text o tawag galing sa kahit na sino. I go to my contacts and dialed his number. Nag-ring agad ito na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya ng good afternoon o magtataray dahil hindi niya ako kino-contact mula pa noong isang araw.
Naka-ilang dial pa ako sa number niya pero nagri-ring lamang 'yon. Malungkot kong inilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng side table ko at sumalampak ng upo sa kama.
BINABASA MO ANG
The Other Woman
RomanceWe all know what a wife would be felt, said and experienced. Now, it's her turn to unveil the true story and let anyone know her not only for being THE OTHER WOMAN.