“What lies behind us and what lies before us are tiny matters compared to what lies within us."
– Ralph Waldo Emerson
Bumaba na kami matapos ang yakapan at kaonting tuksuhan namin ni Karson. Ngiting ngiti si Emma sa aming dalawa at tinutukso ako dahil ayaw ko pa noon kay Karson.
Kumain kami na inihanda raw ni Karson bago ako umuwi. Kaya pala hindi siya nagtetext o tumatawag dahil abala siya para sa sopresa niya sa'kin. Since may contact ang dalawa dahil sa pinapatayong bahay nila Karson, hindi siya nahirapan at tinuloy ang balak na dito sa bahay ako sopresahin.
Pagkatapos naming kumain, umakyat na si Emma para magpahinga. Kami naman ni Karson ay nasa sala at nakaupo habang nakabukas ang TV.
"Thank you, Karson." Sabi ko sa kanya na nakatingin sa TV. Tinabingi niya ang ulo niya na parang tinatanong kung para saan. "For making me happy tonight. Ngayon lang ulit ako naging masaya ng ganito." Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ang maliliit kong daliri.
"I'll do anything just to make you happy. Hindi ko hahayaang mawala ang mga ngiting 'yan." Then he traces my smile on my lips. Habang ginagawa niya 'yon ay unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Napatitig ako sa mata niya pababa sa labi niya. Konti na lang ang pagitan ng aming mga mukha kaya napapikit ako.
Ganito 'yon di ba? Kapag malapit ang mukha niyo sa isa't isa, halik na ang susunod? Ganito kasi ang mga napapanood ko sa mga pelikula.
Maya-maya pa ay naramdaman kong lumapat ang mainit at malambot na labi ni Karson. It was a swift gentle kiss that make my heart jumped and beat faster. Ngumiti siya pagkatapos ng halik na 'yon at napangiti na rin ako. Walang gustong kumurap sa titigan namin at sa isang iglap, naramdaman kong muli ang matatamis niyang labi.
"Thank you so much, Karla. You made me the most happiest man today." Sabi niya habang yakap-yakap ako.
"Thank you too." Kumalas ako sa yakapan namin at tinignan siya sa mata. "You should go now. Baka kailangan ka na sa bar."
"Ah- Oo. Sige. Bye, my dear." At binigyan niya ako ng isang mabilis pero madiin na halik sa labi. "I love you." At naglakad na siya papalayo sa gate papunta sa Blue Ranger niya na naka-park sa kabilang kanto.
"I love you too, Karson." Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang papalayong si Karson.
"Kung yelo lang si Mr. Gomez, kanina pa siya natunaw sa titig mo." Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Emma sabay talikod paharap sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Other Woman
RomanceWe all know what a wife would be felt, said and experienced. Now, it's her turn to unveil the true story and let anyone know her not only for being THE OTHER WOMAN.