Chapter Six

154 2 0
                                    

"Desire is the starting point of all achievement, not a hope, not a wish, but a keen pulsating desire which transcends everything."

- Napoleon Hill

Tanghali na nang makauwi ako ng bahay. Sumabay ang ulo ko sa init ng araw kaya pagdating ko ay gumawa ako ng shake para naman lumamig ito kahit papaano. Hindi na rin ako nakakain ng pananghalian dahil sa pagkabadtrip ko sa Karson na 'yon. Kaya ang ginawa ko ay nanood na lang ako ng paborito kong cooking show.

Then I realized how boring my life is. Actually matagal ko nang alam, pero parang mas naramdaman ko ngayon. Nasaan na ba ang Karla Perez na happy-go-lucky noon?

I opened my laptop and logged in to my facebook account. When was the last time I opened this? Since... Ugh. I dunno.

Bumungad sa news feed ko ang post ni Ana noong celebration party namin sa Raven Manila. Maraming nag-like at nag-comment. I was about to scroll it down then something, I mean someone, caught my attention.

"Karson Gomez." Basa ko sa pangalan ng nag-comment. And because of my curiosity, binasa ko na rin pati ang comment niya. He was asking to the name of a girl wearing a black jumpsuit. Tinignan ko naman ang photo and I saw who he was referring to. It was me! Wala na kasing ibang babae na ganon ang suot bukod sa'kin. Agad kong binasa ang mga kasunod pang comments after him at si Ana ang nag-comment back and mentioned my fb account to her comment. What the?!

Pinagkaguluhan ng mga friends ni Ana ang picture ko na nakataas ang kamay kasabay ang pag-ikot ng buhok ko. Maybe it was taken while I'm dancing on the dance floor. 

Kaya pala ang dami ng notifs ko at may friend requests pa. I ignored especially his friend request. Hindi kami friends in real life, kaya walang dahilan para i-accept ko siya as friend sa fb ko. No way!

"Oh? Bakit ang sama ng mukha mo d'yan? Kahit ako na architect di ko maguguhit eh." Napatingin ako kay Emma na kakadating lang at sinamaan ko agad siya ng tingin.

"You! Hindi ka na makakaulit sa'kin. As in never from now on!" Medyo nagulat pa siya dahil sa pag-sigaw ko.

"What? What''s your problem? May kulang ba sa isinulat ko? Ano nangyari?" Sabay lapag ng gamit niya sa center table. Then I realized na hindi niya pala alam kung ano ang nangyari sa pagitan namin ni Karson sa Raven Manila.

"N-nothing. Just... Forget what I said." At ibinalik ko ang tingin ko sa laptop at nag-sign out na.

"Why? What's with Mr. Gomez? Hmm?" Tumabi siya sa'kin sa sofa at binunggo pa ang balikat ko.

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon