"Once, I knew only darkness and stillness... My life was without past or future. But a little word from the fingers of another fell into my hand that clutched at emptiness and my heart leaped to the rapture of living."
- Helen Keller
Naglakad-lakad pa kami sa loob ng mall para palipasin ang oras kaysa umupo lang kami habang hinihintay ang pelikula.
Sa paglalakad namin, may mga bagay-bagay tungkol sa kanya ang nalaman ko. Mahilig daw siya sa running shoes at mayroon naman siyang collection ng iba't ibang disenyo ng shades sa bahay. Kaya niyang tumugtog gamit ang gitara pati na rin ng piano. Nag-sample pa siya ng isang piece habang nagtitingin kami ng mga music instruments na pinasukan namin sa mall na 'yon.
Namangha ako sa talentong taglay niya. Marunong din akong mag-piano pero mas magaling siya sa pagtipa nito. Nakatingin lang ako sa mga daliri niya na tila kamay ng babae sa ganda at lambot no'n. Inialis ko na ang titig ko sa kanya bago pa siya makatingin sa akin
"Oh? Nakatulala ka na r'yan?" Sabi niya pagkatapos niyang tumugtog.
"Let's go?" Pag-aya ko sa kanya habang nakatingin ako sa labas ng shop. "Ilang minuto na lang magsisimula na 'yung movie." Sabi ko at naglakad na papalabas. Ayokong mahalata niya na gustong gusto ko ang pagtugtog niya. Not now.
"Hey! Wait for me." Halos pasigaw niyang sabi nang makalabas siya at ako naman ay nakalayo na sa kanya. "Is there any problem?" Tanong niya nang maabutan ako.
Umiling ako bilang sagot ko. Naging tahimik kaming dalawa habang naglalakad paakyat sa cinema ng mall.
"Son!" Sigaw ng isang lalaki sa may gilid ni Karson. Nilingon niya ang lalaki kaya napatingin na rin ako. Sa gulat ko, hindi ko alam kung ano ba ang iaasta ko. Halos dumistansya ako kay Karson ng hindi niya namamalayan.
"Karla. You're together?" Baling sa akin ni Boss Harris.
"Yes, dude. Oo nga pala..."
"Yes, boss. Client siya ng firend ko. Emma, you remember?" Putol ko sa pagsasalita ni Karson. Tumango lang si boss Harris at bumaling naman kay Karson.
"How's your house? Is it finish?"
"S-soon. Paano? Mauna na kami ni Karla. May hinahabol pa kami eh." At tinapik niya sa balikat si boss Harris at naunang naglakad.
"Bye, boss." Paalam ko sa kanya at sinundan si Karson.
BINABASA MO ANG
The Other Woman
RomanceWe all know what a wife would be felt, said and experienced. Now, it's her turn to unveil the true story and let anyone know her not only for being THE OTHER WOMAN.