"It happens to everyone as they grow up. You find out who you are and what you want, and then you realize that people you've known forever don't see things the way you do. So you keep the wonderful memories, but find yourself moving on."
Nicholas Sparks
Bumaba ako ng Ranger ko habang pinagmamasdan ang madilim na kapaligiran at tanging mga ilaw na nagmumula sa isang gusali ang nagbibigay liwanag sa daan. Dinig ko mula sa kinatatayuan ko ang ingay mula sa loob ng gusali. Tinignan ko ang mga taong naglalabas pasok sa kahoy na pintuan ng gusali. Nag-aalangan man na tumuloy ay nagsimula akong humakbang papalapit sa pintuan.
I'm full of hesitations about this thing. Sa totoo lang ay wala na akong balak na makipagkita pa sa kanya pero para maging maayos ang lahat, kailangan kong gawin ito.
Tinawagan niya ako kagabi. Noong una ay nagdadalawang-isip pa akong sagutin ang telepono pero matapos ang unang tawag ay tumawag muli siya. Gusto niyang pumunta sa bahay para magkita at magkausap kami pero tumanggi ako sa gusto niya. Hindi ako makakapayag na makatapak pa siyang muli sa pamamahay ko. Kaya nandito ako ngayon sa lugar na nakasanayan ko. Nasa public place man kami, at least we still have a little privacy.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang taga-bantay ng gusali at binati ako. Karamihan sa mga empleyado rito ay kilala na ako dahil na rin sa palagian kong pagpunta dito noon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa pina-reserve kong kwarto para sa'min. Isang lalaki ang nagbukas ng pinto para sa'kin at dumiretso na ako sa loob ng silid. Ganoon pa rin ito, isang lamesa at apat na upuan.
"Oh. You're here." Nagulat niyang sabi. Tumayo siya at hinalikan ang aking pisngi. Hindi ko mapigilang ngumiti ng mapakla sa ginawa niya.
"Sorry if I'm late." Umupo ako sa may tapat niya at inilagay ang bag sa kabilang upuan.
"Nah. It's okay. Bakit mo nga palang dito pa tayo magkita? This place is a little bit creepy. Talaga bang nagpupunta ka dito?" Nakita ko naman ang mga mata niyang pinasadahan ang kabuoan ng silid.
"We're done." Mahina kong sabi pero sigurado akong narinig niya ang sinabi ko.
"W-what?" Puno ng pagtataka ang bumalot sa mukha niya.
"I said we're done, Karson. Let's stop this stupid thing." Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko sa kaba.
"What are you talking about? What stupid thing?" Kumunot ang noo niya sa pagkalito.
"Kaya mo ba akong pakasalan?" Diresto kong tanong sa kanya na lalong nagpalito sa kanya.
"K-Karla, our relationship was just started and you're thinking future stuff so fast. Can we just enjoy what we have? Time will come for that." Halos pasigaw niyang sagot sa akin.
"I'm just asking you, if you can marry me. Hindi ko naman sinabing pakasalan mo na ako ngayon." Tumingin ako sa mga mata niya, naghahanap ng katotohanan sa kasinungalingan.
"You know... Bakit ba 'yan ang pinag-uusapan natin? Bakit kasal agad. Karla, just enjoy the moment." Sabi niya habang napapahimas sa kanyang noo. I know what he will say. I know he can't because he's already married!
"Stop. Just stop there." Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "If you can't marry me, then let's end this thing. I don't want to waste any of my time on man who don't deserve it. Kung laro-laro lang ito para sa'yo, pwes sa akin hindi." And by that, I left him and walked away.
Malalaking hakbang ang ginawa ko para makasakay agad ng sasakyan ko. Mabilis kong binuhay ang makina at nagmaneho papalayo sa lugar na 'yon.
Tama na, Karson! Hindi mo ako madadala ng mga salita mo. You can fool my heart but not my mind! Hindi pa ako baliw para baliwalain at hayaan ang sarili kong maging kabit mo. You're a total jerk! Ano naman ang akala mo sa'kin? Basta-basta mo na lang ako paiikutin sa mga kamay mo?
"No way! Hindi pa ako ganoon katanga para magpakatanga sa'yo!" I screamed inside my car while driving. Ang kapal talaga ng mukha niya!
Pagkauwi ay kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan si Shiela. She have to know that me and her husband are totally through. Naka-ilang ring pa bago niya ito sinagot.
"Hello?" Mahinhin niyang sagot.
"We're totally done, Shiela. Now, don't ever disturb me because I hate seeing you, I hate hearing your whinning voice and I hate being near you. So stop bothering me because me and your fvcking husband are done! Did you get that?" Hindi ko na siya hinayaang sumagot pa at binaba na ang tawag.
Sinubsob ko ang sarili ko sa kama at nagsimulang lumabas ang mga luhang gusto ko nang iluha. I want to be free like my tears. Gusto ko nang lumaya sa sakit na pinaparamdam nila sa'kin. Gusto ko nang magpakalayo-layo para hindi ko na sila makita pa. Gusto ko nang maging payapa ang lahat. Gusto ko nang mawala ang sakit sa dibdib ko.
Sabi ko pa naman, siya na ang lalaking bubuo sa wasak kong puso pero hindi pala. Mas winasak niya ang puso ko ngayon. At wala akong nagawa para pigilan siya. Hinayaan ko ang sarili kong magpatianod sa agos papunta sa kamatayan ng damdamin ko. Kung kailan nasa bingit na ako ng kamatayan ngayon ko pa lang maisasalba ang puso kong malapit nang mamatay.
Hating gabi na nang nakatulog ako kaya masakit na masakit ang ulo ko pagkagising ko. I'm back to my old routine. Maliligo, mag-aayos ng sarili, iinom ng kape at aalis na papuntang opisina. Just an ordinary plain day. I'm used to this, right? I don't have to adjust myself. But today is a different day.
Pagdating ko sa opisina habang bitbit ang dalawang malalaking kahon sa magkabilang kamay, ganun pa rin ito. Wala pa rin itong pinagbago, tambak ng papel ang lamesa ko. Imbes na asikasuhin at basahin ang mga papel, isinantabi ko ang mga ito at binuksan ang laptop. Nagsimula akong magtipa at nag-isip ng mga sasabihin para sa'king resignation letter.
Desedido na ako. Pupunta na ako sa Dubai at sasama kay Emma. Doon, alam kong makakalimot ako. Doon, mas magiging malakas ako.
Pagkatapos ko itong mai-print, agad kong tinawagan si Big Boss para alamin kung pwede ko ba siyang maka-usap. Hindi naman ako nabigo sa pakay ko at pinapunta niya ako sa kanyang opisina.
Kinakabahan pa akong pumasok. Pagkasara ko ng pinto ay nakita ko siyang abala sa harap ng kanyang computer.
"Good morning, President." Bati ko sa kanya. Pinaupo niya ako at nagtanong kung ano ang sadya ko.
"Here, Sir. My reason was stated there. And if you have questions, just ask me." Sabay abot ng sobre na naglalaman ng resignation letter ko.
"You're quiting? But why?" Dama ko sa boses niya ang pagkadismaya. "Is this about the salary?" Umiling ako sa tanong niya. "You'll quit because you found another company? What specifically your personal reason?" Usisa pa niya.
"It's too personal, Sir. I just..." I'm finding a reasonable answer for his satisfaction. "I want a job diversion." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata ni Big Boss. Tumaas lamang ang dalawa niyang kilay pagkatapos kong sabihin 'yon at nilapag ang sulat ko sa may keyboard niya.
"You find you're position boring? I promoted you to explore more about this company. You don't need to rush learning things. Enjoy while gaining skills, AVP Perez. You know, we can talk about-"
"No. I mean, thank you for all, Sir. Thank you for this opportunity. Thank you for trusting me." Hinintay ko pa siyang magsalita pa pero napailing lang siya. "And, Sir. About the case at Aspire Plaza, just ask everything to Manager Santiago. She talked to me last time that she knows we didn't." Tumango-tango pa ito at tinignan pang muli ang sulat ko. "That's all, Sir. I'll pack my stuffs today. Thank you again." Mapakla akong ngumiti sa kanya at umalis na sa kanyang opisina.
Napahawak ako sa aking dibdib habang naglalakad pabalik sa opisina ko. Leaving this company is so hard for me. Kung gaano kahirap kalimutan ang pagmamahal ko kay Karson, parang mas masakit ang pag-alis sa lugar na humubog sa'kin sa lumipas na mga taon. Pero kung magtatagal pa ko sa lugar na ito, baka mawasak ang buong pagkatao ko na matagal kong binuo.
"Good morning, AVP Perez. Are you alright?" Tanong ni Ana na kakalabas lang sa department area namin.
"Yeah." Tumalikod ako sa kanya para magpatuloy sa paglalakad pero lumingon ulit ako sa kanya. "Magpadala ka ng janitress sa opisina ko mamaya at tulungan mo na rin akong mag-ayos ng mga gamit ko." Bumuka pa ang bibig niya para magsalita sana pero tinalikuran ko na siya.
I started to remove my personal things in mobile cabinets and drawers. As I put them inside the box, I become emotional. Hindi naman masasayang lahat ng mga 'to, di ba? Magpapatuloy pa rin ako sa career life na nasimulan ko.
Mabilis kong pinahid ang mga tumakas na luha sa aking pisngi nang marinig kong may kumatok sa pinto. Kasama ni Ana ang isang janitress na laging naglilinis sa opisina ko.
"W-what are you doing, AVP Perez? Bakit kayo nag-aalsa balutan? What's the meaning of this?" Puno ng pagtataka niyang tanong na binaliwala ko lang. "Aalis ka na? Bakit hindi ko alam? Secretary mo ko pero hindi ko alam?" Pinanlisikan ko siya ng mata dahil sa kadaldalan niya.
"Lumabas ka muna. Ipapatawag na lang kita ulit pag kailangan nang linisin dito." Utos ko sa janitress na agad naman nitong sinunod. "Kaka-resign ko lang, Ana." Sabi ko sa kanya.
"B-but why?! Ano naman ang mabigat mong rason para umalis ng basta-basta?" Tanong niya.
"We broke up." Tipid kong sagot.
"And then? Dahil d'un lang aalis ka? Ang babaw ng rason mo." Kita ko sa mga mata niya ng maganda dahilan para umalis ako.
"Yup. I'm leaving the country."
"Are you nuts? Bakit ka aa-"
"Shut your big mouth, Ana! 'Wag mong ipagsasabi sa iba na aalis ako. I don't want anyone know about my plans." Pinagpatuloy ko ang pagtatanggal ng mga gamit sa drawers.
"Hindi kita maintindihan. Paano na lang ang posisyon mo? Paano na lang ang mga trabahong 'to? Paano na naman ako? Mawawalan na ba ko ng trabaho?" Napairap ako sa kawalan sa dami ng tanong niya.
"Don't over think, Ana. Just help me to clean this office, okay?" Medyo napalakas ang boses ko kaya naman sinunod niya agad ako at hindi na muling nagtanong pa.
Nang matapos kami ay tinulungan ako ni Ana sa pagbitbit ng kahon papunta sa carpark. Halos lahat ng mga empleyado sa hallway ay napapatingin sa amin at nagbubulungan pero nagpatay malisya akong kunwari ay hindi ko sila nakikita.
"Desidido ka na ba talaga, Karly?" Halos mainis na ko sa paulit-ulit na tanong ni Ana.
"Ana, you asked that question many times. You know my answer, right? 'Wag ka nang makulit." Sinarado ko ang pinto sa likod ng sasakyan at binuksan naman ang sa harap para sumakay.
"Ganito lang kadali ang lahat sa'yo?" She broke her voice.
"If you only feel what I'm feelin' right now, Ana. But this is for the better." Sagot ko sa kanya at isinara na ang pinto.
I start the car and saw her standing at the side. My god. This is really hard. I open the door and stepped out of my car. I hugged her and tapped her shoulders.
"I know you can, I believe in you." And her words, my tears fell. She untangled her arms and push me inside my car. She closed the door and ran away going back the office.
I drove swiftly to home with a blank mind. Sa mga nangyari, parang napagod ang utak ko sa pag-iisip. Pinarada ko ang sasakyan ko sa tapat ng gate. Bumaba ako at kinuha ang kahon sa back seat.
"Karla!" Nagulat ako sa sigaw ng isang babae. Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumawag sa'kin.
"Shie- What the?!"
BINABASA MO ANG
The Other Woman
RomanceWe all know what a wife would be felt, said and experienced. Now, it's her turn to unveil the true story and let anyone know her not only for being THE OTHER WOMAN.