“A bruise is a lesson... and each lesson makes us better.”
― George R.R. Martin
He drived me home before the sun sets. Ang bilis ng oras para sa araw na 'to. Mahirap mang aminin, gusto kong i-extend pa ang oras na kasama ko siya. I really enjoyed his company although he's pissing me off all the time. Though, I find it sweet.
Teka? Ano nga ulit ang sinabi ko?
Nagpahatid na lang ako sa Sunkiss Tower. Dinahilan kong kukunin ko pa si Lightning at wala akong gagamitin bukas para pumasok.
"Nice. Even the car has its name. Sana ako rin, may endearment ka." Sabi niya pagkababa ko ng sasakyan niya.
"I only give names to things."
"Then what thing I should be to have a unique name?"
"Asa ka naman. Alis nga d'yan." At tinulak ko siya papalayo sa dadaanan ko.
"Nagsusungit na naman. Kanina lang naka-yakap pa sa'kin 'yan." Pang-aasar niya sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumiti naman siya ng nakakaloko. Hanggang kailan ba ako bubuwisitin ng lalaking 'to?
"Bye. Thanks for the day." Malamig kong sabi sa kanya at tinalikuran na siya.
Narinig ko ang pagsarado ng pinto ng Ranger niya at ang pag-gasgas ng gulong nito sa flooring. Umalis na siya. Wala man lang good-bye? Good-bye hug o good-bye kiss man lang? At ano na naman ba ang naiisip ko? Good-bye lang dapat!
Mabilis akong pumanik at pumunta sa opisina ko. Hindi pa man ako nakakarating sa tapat ng pinto ng sarili kong opisina ay nakita ko na ang mapanuring mata ni Ana habang naka-crossed arms pa.
I don't have to explain myself to her kung bakit ako nawala na lang bigla. Sa katunayan nga, siya itong may atraso sa'kin.
Humakbang siya pa-atras to give some way for me to get inside my office. Ayan, ganyan dapat. She should know how to respect me in this building.
Pumasok ako habang nakasunod si Ana. Tinaasan ko siya ng kilay at naghihintay ng sasabihin niya. Bakit nandito siya ngayon?
"At saan ka naman nanggaling, Manager Perez? Hindi niyo po ba alam na marami kayong appointment kanina and all I can do is to cancel it all? Ni wala akong concrete reason na maibigay dahil hindi ka man lang nagbilin ng kahit na ano. Basta-basta na lang kayo umalis ng walang paalam, I mean walang habilin kung saan kayo pupunta at kung ano ang gagawin ko sa mga appointments niyo. How could you do this to me?" Mahaba niyang paglilitanya. Napahimas na lang ako sa noo ko dahil sa pagkarindi sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Other Woman
RomanceWe all know what a wife would be felt, said and experienced. Now, it's her turn to unveil the true story and let anyone know her not only for being THE OTHER WOMAN.