Chapter Four

160 2 0
                                    

"Everyone needs reminders that the fact of their being on this earth is important and that each life changes everything."

- Marge Kennedy

Palinga-linga ako habang naka-upo sa VIP wing ng Raven Manila. Kanina ko pa inaabangan kung magagawi ba dito ang kaibigan ni boss Harris. Panay din ang lagok ko ng alak pero di ako tinatamaan ng kalasingan.

"I didn't know that you have high tolerance in beer. Iba ka talaga." Sabi sa'kin ni boss Harris. Ngumiti lang ako at lumingon sa kanan at kaliwa.

"Hay naku Harris. Lasinggera kaya 'yang si Karly! Hindi lang halata." Tiningnan ko ng masama si Ana. At kailan niya pa alam na umiinom ako lagi? 

"Tumahimik ka d'yan Ana. Baka hindi ako makapagtimpi." Banta ko sa kanya pero inilabas niya lang ang dila niya para lalo akong asarin. Inirapan ko lang siya at tumayo papunta sa overlooking ng VIP wing.

My life was not boring back then. Marami akong naging ka-close, babae o lalaki. Naging badminton player ako noong Grade 4 pa lang ako at member ng pep squade pagdating ng Grade 9. Kaya naman kung saan-saan ako nakakapunta. My highschool life was full of adventure. Naranasan ko ring tumakas para lang sumama sa gimik ng mga kaklase ko at kasama ko si Emma sa lahat ng kalokohang ginawa ko noon.

Nag-seryoso lang ako sa buhay nang malaman kong may kidney failure si Mama. Nagawa kong magpart-time job habang nag-aaral dahil sa mahal ng maintainance sa pagpapagamot niya. Hanggang sa nadagdagan ang sakit niya at tuluyang bawian ng buhay. Simula noon ay natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Ni hindi ako humingi ng tulong sa ibang tao, kahit kila Emma. Kung hindi pa nagpumilit ang Mommy niya, hindi ko hinayaang sila ang magbayad ng hospital bills ni Mama.

Akala ko magiging mag-isa na lang ako sa buhay noon lalo na't nagdesisyong mag-aral abroad si Emma. And there was my Dad came along. Bigla na lang siyang sumulpot sa buhay ko. Sa una ay binabaliwala ko lang siya pero habang tumatagal ay napalapit ang loob ko at napagtanto kong siya na lang ang masasandalan ko bukod kay Emma.

Ngayon ay nasa ibang bansa si Daddy. He has his own family there but I'm not bitter to them. Masaya na ako sa oras na ibinibigay niya sa'kin. Alam ko namang mas kailangan ng mga kapatid ko doon si Daddy kaysa sa'kin na independent na sa buhay.

"Ang lalim naman ng iniisip mo. Kahit gaano pa kaingay dito parang confession room 'yang utak mo sa sobrang katahimikan." Napapikit ako sa pagka-gulat at unti-unting dumilat para makita kung sino ang nagsalita.

"If you don't mind, please stop following me? Naaalibadbaran ako sa mukha mo." Mataray kong sabi sa kanya.

"Whoah! Whoah! Ganoon na ba kasama ang mukha ko? Ang alam ko hindi naman." Feeling gwapo na nga, mahangin pa.

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon