Chapter Three

185 3 0
                                    

“So was I once myself a swinger of birches. And so I dream of going back to be."

- Robert Frost

Mabilis kong nilakad ang harapan ng bahay papasok at inaasahan kong wala dito si Emma. Sigurado akong pumunta pa kung saan-saan ang babaeng 'yon. Pagpasok ko ng spare key ko sa door knob, hindi ito naka-lock kaya dali-dali akong pumasok at inusisa kung may nagulo ba sa loob.

Maaayos ang sala ko. Sunod kong pinuntahan ay ang kwarto ko sa taas. Nakakandado ito kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

"Hi Karla!" Sa sobra kong gulat ay nalaglag ko ang kumpol ng mga susi na hawak ko at muntik pang matamaan ang paa ko.

"Ano ka ba Emma. Ginulat mo naman ako." Pinulot ko ang mga susi atsaka siya hinarap habang nakasapo ako sa aking dibdib.

"Why? Because you didn't expect that I'm here? I've changed for you info. Few months ago pa." Nakapameywang ito at tinitignan ang pag-unlock ko sa pinto ko.

"No comment. Masyado ka namang deffensive." Pumasok ako sa kwarto ko at hinayaang nakabukas ang pinto kung sakaling gustong pumasok ni Emma.

"I'll take a half bath and go to our victory party. You wanna join? I bet you like club partying." May halong panunukso kong sabi sa kanya. Sa aming dalawa, mas wild siya, party-out-going at friendly sa mga gwapo slash macho slash mayayamang lalaki.

"Nah! Sabi ko nga sa'yo, nagbago na ako. Ikaw na lang. You should enjoy the party 'coz you succeed. I need to rest at may appointment pa ko bukas sa isang kong kliyente." Nakataas ang kaliwa kong kilay habang nakikinig ako sa mga sinasabi niya. "What? You're not believing in me, don't you? Mag-ayos ka na nga!" At tinulak niya na ko papasok ng banyo habang tatawa-tawa dahil hindi ako kumbinsado na nagbago na siya.

Wala na siya sa kwarto pagkalabas ko ng banyo kaya naman nag-ayos na ko at makapunta na agad sa Raven Manila. Malapit lang 'yon sa Sunkiss Tower kaya kahit matagalan ako ay okay lang.

Nagsuot ako ng itim na one-shoulder jumpsiut dress at tinernuhan ng nude pumps. Hinayaan kong nakabagsak ang wavy kong buhok at nag-apply ng make-up. Smokey eyes and matte red lips. Tiningnan ko ulit sa salamin ang buo kong katawan sukbit ang maliit kong sling bag. Kinandado ko ulit ang kwarto ko at pababa na sana ng hagdan nang magsalita sa likod si Emma.

"What a surprise! Di ko akalain na ganyan pala ang mangyayari sa'yo habang wala ako dito. Excange personalities yata tayo ngayon? Nevertheless, you look awesome and fabulous." Abot tenga ang ngiti niya habang pinupuri ako.

"Thank you. So pano? Alis na muna ako. Get some rest. Alam kong may jet lag ka pa." Tuluyan na akong umalis at nag-drive papuntang Raven Manila kahit may sinasabi pa siya na gusto niyang makipag-selfie sa'kin dahil sa bagong kong itsura.

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon