Chapter Twenty Three

76 2 0
                                    

"Anybody can become angry - that is easy. But to be angry with the right person and to the right degree and at the right time and for the right purpose, and in the right way - that is not within everybody's power and is not easy."


-Aristotle




"Put these all in trash. I don't want to receive any flowers from anyone starting today." Utos ko sa isang janitor habang tinuturo ang mga vase na may bulaklak.



"Sayang naman ang mga ito. Ni hindi pa nga natutuyo ang mga petals oh." Tiningnan ko ng matalim si Ana habang dinampot ang isang vase.



"Put it down or else you're next to them." Mabilis niyang ibinaba ang vase at inutusan ang janitor na bilisan ang pag-alis ng mga iyon sa opisina ko.



"Bakit? Ano ba ang nangyari sa inyo? What happened to your surprise?" Usisa niya pagkalabas ng janitor.



"Don't ask. Ayaw kong maalala kung ano ang mga nangyari lalo na ang lalaking 'yon. 'Wag na 'wag mong mabanggit ang pangalan niya kundi, may paglalagyan 'yang bibig mo." Napatutop naman siya sa kanyang bibig dahil sa sinabi ko.



"Yes AVP Perez. Anything else?" Pilit siyang ngumiti habang hinihintay na may sabihin ako.



"Mag-inquire ka ng postpaid plan. I want to change my mobile number, ASAP." Diretso akong nakatingin sa kanya habang siya ay naglilista ng mga sasabihin ko. "Gusto ko ring kumuha ng 2 bedroom unit malapit dito sa Sunkiss Tower. But don't put it on my name. It's for my Dad."



"Is that all?" Tanong niya pagkatapos magsulat. Tumango ako at naglakad na siya papalabas.



"Wait." Huminto siya at isinara ang pinto. "Please lang, Ana. Don't let him in inside my office. Tumawag ka muna kung may gustong kumausap sa'kin at lagi mong i-lock ang pintuan ko." Tumango siya at lumabas na.



I am starting to clear my office, getting rid of all the mess he brought to my life. From all the flowers to every paper notes he gave to me. Aanhin ko ang mga bagay na alam kong peke naman. Bakit ko pahahalagahan ang mga gamit na walang ibig sabihin kundi ang kataksilan niya. He has no room in this heart of mine. I let him filled up the empty space in here and now I'm full of his lies, of his treachery.



Ito ba ang kabayaran sa ibinigay kong pagmamahal? Pagkatapos kong magtiwala, ganito ang igaganti niya sa'kin? Walang hiya siya. Walang puso. Sakim. Pinaglaruan niya lang ang puso kong uhaw sa pagmamahal.



"Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo, Karla!" Sigaw ko habang sinasabunot ang sariling buhok. Yamot na yamot ako sa sarili ko. Hindi ko matanggap!

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon