Chapter Nineteen

62 1 0
                                    

"A kiss is a secret told to the mouth instead of the ear; kisses are the messengers of love and tenderness."

- Ingrid Bergman

Pumasok ako sa opisina at tahimik ang lahat bukod sa mga guards na bumabati sa akin. Pagkarating ko sa department namin, lahat sila ay nakatingin sa akin pero makalipas ang ilang segundo ay nagsiiwas na sila ng tingin sa akin. Sinalubong ako ni Ana na may pag-aalala sa mukha. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumunod siya sa akin sa loob ng opisina ko at saka isinarado ang pinto.

"G-good morning AVP Perez." Tiningnan ko siya sa mata.

"What's the problem, Ana? You're uneasy." Bati ko dahil sa pagkabalisa niya.

"May problema kasi ngayon ang One Pacific Corporation against sa mga tenants sa Aspire Plaza. Nagbabalak na magsampa sila ng kaso regarding sa breach of contract dahil sa pagtaas bigla ng lease rate doon. Kasi naman 'yung Manager Santiago na 'yun eh! It was all her fault!" Pilit kong inuulit sa utak ko ang sinabi ni Ana.

"What?! Paanong nagkaroon tayo ng breach of contract? Sa tinagal ko sa OPC, ngayon lang ako nakarinig ng ganyang klase na problema." Naitukod ko ang siko ko sa mesa at napahimas sa noo ko.

"I already e-mailed to you the details. Basahin mo na lang para mas maintindihan mo ng mabuti." Tumayo siya at lumapit sa may pintuan. "Hindi pa pinapabalik si Manager Santiago. Bagay nga sa kanya! Akala mo kung sinong magaling, hindi niya nga nahawakan ng maayos ang AP. Kaya mabuting si Manager Ferro na lang ulit ang mamahala d'un." Nakapamaywang siya at bakas sa mukha ang pagkainis kay Elai.

"What's her plan to OPC? Kung ikaw sa position niya, magagawa mo bang sirain ang magandang pangalan ng company? Come to think of it, Ana. I should tell this to Mr. President." Napatulala ako sa kawalan habang nag-iisip ng dahilan bakit niya nagawang ilagay sa ganitong sitwasyon ang Aspire Plaza.

"You can send an e-mail right away AVP Perez. I have to go. Marami akong ipapapirmang documents sa'yo." Then she swiftly exited from my office.

I composean e-mail regarding to the problem we are facing now to Big Boss. I hit the send button and closes my laptop. How I wish that Boss Harris is here with us. I am sure he will solve this immediately.

I am handling what's Boss Harris left. Pero hindi ko kayang pagdesisyunan ang gusot na ginawa ni Elai Santiago. Gusto kong ipamukha sa kanya kung ano'ng klaseng kahihiyan ang ginawa niya at si Big Boss lang ang dapat magpalayas dito sa OPC. She deserves that.

Lumipas ang maghapon at tambak pa rin ng mga papeles ang lamesa ko na ipinatong ni Ana kanina bago mag-lunch. Isang linggo lang naman ako nawala at halos matabunan na ko ng mga papel.

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon