Strange
I feel sorry to my other dolls lalo na nang si Uriel lang ang napagtuunan ko ng pansin mula nang gumising ako. Siya lang kasi ang pinunasan ko ng buong katawan at dinamitan ng bagong damit. Siya rin ang isinabay ko sa pagkain dito sa hapagkainan.
On the first night that I sleep with Uriel, I didn't feel anything that's weird or creepy. Wala rin akong napanaginipan o naririnig na mga yapak kung saan sa aking kwarto. And when I woke up, he was just beside me, unmoving, kaya naman gusto kong sabihin sa mga magulang nang naunang bumili na guni-guni lang nila 'yon.
"I have to leave today, Uriel. You must stay here with the others." Ang sabi ko bilang pamama alam sa kanya. Kanina ay ipinakilala ko rin siya sa mga lumang dolls na meron ako. Ang pagbuhat ko sa kanya ay hindi lang gamit ang kamay. Binubuhat ko si Uriel na parang bata habang ang ulo nito ay laging nasa balikat ko.
"Hanggang 6:30 PM lang naman ako doon. I will be back and we'll play when I get back home." I smiled and place him in on the bed. Wala pa kasi akong nagagawa na bagong space nito na para sa kanya lang. My room is filled with dolls and I don’t think I will create one etiehr. Siguro ay dito nalang siya sa aking kama. I stare at him there, nakaupo, nakasandal ang likod at diretsong nakatingin sa harapan.
"Goodbye."
Uriel is costly. Natatakot ako na baka manakaw siya kaya kinando ko nang maayos ang bahay at ang gate ko. I am planning to have a small celebration when I get home for Uriel. For being part of the family now.
"Uy nakita ko yung bago mong doll!"
Nagulat ako nang pagkaguluhan ako ng mga katrabaho ko pagdating sa rest bar. Tuwang tuwa sa ipinost kong picture namin ni Uriel kaninang umaga.
"Saan mo binili?"
"Magkano?"
I was happy that they want to have one. Mabuti at hindi lang ako ang nakakarelate pero sa tuwing papasok sa isip ko ang katotohanang gusto lang nila magkaroon ng ganon ay dahil sa itsura nito ay nalulungkot ako.
"Wala ng stock na parang kay Uriel." Sambit ng katrabaho kong medyo chubby. Nakanguso ito at kanina pa scroll ng scroll sa kanyang phone, pumipili sa kung anong itsura ng manika ang gusto niya.
They all went near her to check on it. Nalaman ko nga na nag iisa lang si Uriel at wala na itong ginawang kamuka. His history is giving the company a bad image dahil sa mga nagsauli at sa history of owners nito na may iba't ibang masasamang karanasan nang binili si Uriel. Kaya naman simula noon, hindi na sila gumawa ng kamukha nito dahil mahihirapan lang silang ibenta. Kay Uriel nga ay nahirapan sila.
"At ang mahal pala, grabe!"
Uriel cost me $782 and that's almost ₱40,000 here in the Philippines. Ilang buwan ko rin iyong pinag ipunan. Ang iba ay nasa $582 nalang dahil binabaan ang presyo nito lang. Hindi na kasi bumebenta. Mostly gadgets or other devices na ang top sales items ngayon. Kahit nga ang mga bata ngayon ay mas prefer na ang ganong gamit.
Iniwan ko silang nagkakagulo doon habang nakangisi. Nauna na akong nag time in. I feel proud of myself for being the new owner of Uriel. Nang magpicture nga kami kanina at pinost ito sa aking social media, umingay ang account ko na iyon where in fact, mga pictures ko with the other dolls ang naroon. They're not saying things about it pero nang si Uriel na ang kasama ko si picture, dumami ang tanong at followers ko.
Others were asking kung anong feeling maging owner ni Uriel dahil mukha talaga siyang tao.
Sa buong magdamag, hindi ako tinantanan ng mga katrabaho ko. Kahit nagseserve ay marahan nila akong sasagiin at magtatanong. Gusto nilang bumisita sa bahay para daw mas makita at mahawakan ang manika na si Uriel.
"I'll try to set a date. Hindi naman pwedeng lahat tayo ay magd-day off para kay Uriel." Ang sabi ko sa mga kasama kong mago-out na habang tinatanggal ang apron ko na nakatali lang ang lace sa aking baywang.
"Oo nga, noh. Dalhin mo na lang kaya siya."
Natawa na ako. Uriel is made out of raisins. Medyo mabigat siya. Sa raisins siya gawa pero hindi rin ang loob nito. Meaning, there's a huge space inside of him, not a doll that doesn't have spaces in every part. Sobrang bigat na siya kapag ganon. He is a ball jointed doll kaya naman laging may space ang pagitan at loob ng kanyang mga body parts kung saan nakakabit ang mga hooks para ipag connect sa other joints. It helps for the owner to carry him nang hindi nabibigatan. And it also helps me to change his clothes easily.
"Hindi siya pwedeng dalhin dito, laging chinecheck ng guards ang gamit natin."
"Kapag sa locker ilalagay, hindi talaga pwede. Pero sa baggage area for extra things lalo na sa may nagpapadeliver dito sa work place, pwede."
Tumango ako at ngumiti. They really want to see him bad. "Sige, bukas dadalhin ko siya."
"We're so excited."
"I have to go. Pupunta pa akong super market."
Tinakbo ko na ang daan sa labas. Hindi ako mapakali at hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi. Gusto ko nang mahawakan ang mga manika ko lalo na si Uriel. Uriel is new, and when a doll of mine is new, lagi akong nababaliw na mahawakan ang mga ito. Ang pakiramdam ay parang noong bata ako. Excited kapag malapit na ang birthday. Ganon din kapag bago ang mga school supplies sa tuwing malapit na ang pasukan. That’s how I feel.
I bought a small cake and other fruits narin. Iyon lang at umuwi ako agad. Pagdating sa bahay, agad kong binuksan ang mga kandado ng gate at ng bahay.
"I'm home!" I shouted while taking off of my shoes. Kung makasigaw ako'y parang may mga kasama ako sa bahay. Nah. I'm just really use to it.
Naghugas ako ng kamay at tinakbo ko ang aking kwarto. Pagbukas ko ng ilaw ay nakaharap sa pintuan ang mukha ni Uriel sa akin. Kumunot ang noo ko.
Nilapitan ko agad iyon at tinitigan. "Do you miss me, Uriel?" Hinimas ko pa ang ulo nito.
Lumiliko talaga ang ulo nito kaya hindi na ako nagisip masyado patungkol sa pagkakaliko ng kanyang ulo sa direction ng pinto. Ibinalik ko nalang ang pagkakaliko nito paharap.
I've changed my clothes in front of my dolls. Nasa paanan ko ang cabinet ko at pag bubuksan mo ito, may salamin ang pareho nitong pinto sa loob, kaya naman nakikita ko ang repleksyon ni Uriel na nakatingin sa direction ko.
"Let's go, Uriel. Binilhan kita ng cake." I said as I carry him. Dinala ko siya sa hapag at pinaupo sa pinakadulong bahagi ng mesa. Syempre ay dinala ko rin ang iba kong manika.
Nakaupo ang iba kong dolls sa kani-kanilang mga upuan, ang mga shelves nila ang nilabas ko para hindi parin sila natutumba. I even bought a paper birthday hat for Uriel na siyang pinasuot ko nito.
"Welcome to the family, Uriel." I said softly matapos sindihan ang kandila.
I was about to blow the candle out pero namatay ito ng kusa dahil sa biglaang paglakas ng hangin. Tinignan ko si Uriel na diretso lang ang tingin sa harap. Bahagyang bumuka ang bibig ko para magpakawala ng hininga. Sinindahan ko nalang ulit ang kandila. Ako rin ang nagblow nito matapos maglaan ng wish para sa kanya.
My wish for him is to never gets damage.
Ipinagsandok ko rin siya ng cake sa hiwalay na plate at inilagay sa kanyang harap pagkatapos.
"You're 26 years old now. Brina said you’re 25 but I want you 26. Ang date ngayon ang susunduin nating birthday mo, okay?"
December 11, year of 2019.
Tinitigan ko si Uriel. Ipinatong ko pa ang aking baba sa aking kamao habang nakatukod ang siko sa mesa, nakaharap sa kanya.
I was just staring him when his head turned into my direction na ikinagulat ko. Para akong hindi nakahinga sa biglaang gulat at takot. Napaupo din ako ng tuwid at hindi makapaniwalang nakatitig lang sa kanya.
Did I just saw him move his doll? At hindi lang ito basta basta umikot lang na parang dumulas. It turned slowly.
Hingal na hingal akong nagising sa pagkakahimbing dahil sa panaginip na iyon. Andito parin pala ako sa hapag at nakatulugan ang ginagawang celebration para kay Uriel. Nang tignan ko siya ay normal ito at hindi naman gumalaw ang ulo.
Bumuntong hininga ako at tumayo para ligpitin ang cake na hindi niya naman nagalaw. It’s still dark outside of the windows.
"I'm keeping this, Uriel." I said while putting the cake inside the fridge.
Sa sobrang pagod ko siguro kaya ako nakatulog kanina. Kumain lang ako saglit ng kanin at pancit saka ko ibinalik ang mga dolls sa kwarto at inayos. Huli kong kinuha si Uriel.
Habang inaayos ang iba ko pang manika ay kinausap ko ang mga ito. Apologizing that I'm always taking care of Uriel the first day he comes here.
After everything, saka pa lang ako nahiga but this time, hindi ko itinabi si Uriel sa akin. I took Miranda, the very first doll I had before anything else. Ito iyong gift ng parents ko sa akin noong nag 7th birthday ako. Si Uriel ay pinaupo ko sa upuan doon sa aking study table.
When I woke up the next day, I feel better. I was smiling but when I saw the window, it fades. The window is open. Hindi ko ba naisara kagabi? Pero ang alam ko ay hindi ko rin naman yan binuksan.
Tumayo ako at nilapitan ang bintana. You can see the backyard of this house. Naroon din ang lumang pool na hindi nalilinisan. This house is my great grandparents home pa kaya medyo antique ang ilang bagay at parte ng bahay.
"Uriel, sasama ka sa akin ngayon." I'm excited to take him with me. Muli ko siyang pinunasan dahil madali rin siyang madikitan ng alikabok. Pinalitan ko rin ito ng damit na mas lalo nitong ikinagwapo.
A white long sleeve polo at open ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib kung saan naka exposed ang silver necklace nito doon. Saka ko ito pinaresan ng black jeans at black shoes.
Ako naman ang naligo at nagbihis. Sabay kaming nagbreakfast at kumain narin ng cake na siyang hindi nagalaw kagabi.
"Let's go."
Sa taxi palang, hindi na mapakali iyong driver. I can feel na tingin siya ng tingin sa rear view mirror niya habang nasa kandungan ko si Uriel. Hindi tulad sa nakagisnan kong sumakay ng mini bus, taxi nalang. Ayokong pagbulungan ako ng tao.
"Take the change, po." I said as I move out of the taxi pagkarating sa paroroonan. Gulat ang mga guards ng resto bar na andoon nang icheck nila ang bag ko habang nakatitig sa buhat kong manika.
The restobar has an entrace area for the employees. Pwedeng dalhin si Uriel sa locker area pero bawal siyang iligay doon. Maliit lang kasi ang espasyo at sa kadahilanang, gamit lang ng employee ang pwede doon.
"Gwapo ng boyfriend, ah?" Natatawang sambit ng lady guard sa akin doon sa pila ng mga upuan sa harap ng malaking TV kung saan madalas magpahinga ang mga guards.
"Sus!" Natatawang sambit ko.
"Seryoso! Saan mo nabili yan?"
"Online."
"Which one. Shoppe?" Natawang tanong nito.
"Hindi."
"Lazada?"
I laughed. "Hindi po." Sinabi ko ang website na agad niyang binisita gamit ang kanyang phone. Ang ibang employees na napapadaan sa harap namin ay napapatigil para tignan si Uriel. Ang iba ay nagbubulungan, pero alam kong positibo ang sinasabi tungkol sa kanya.
"He's hot, you know!" My other co workers said na kapareho ko ng time in.
"I know." I said back as I remember my dream last night. Ipinilig ko ang ulo ko at hindi na ito inisip pa.
"That looks real!" Others complimented hanggang sa pagkaguluhan na nila. Hinahawakan ang ulo nito at ang iba ay nakikipag shake hands pa animo totoong tao.
"Hi, Uriel!" Isa sa maldita kong katrabaho ko ang nagbuhat sa kanya. "Why so gwapo, huh? In fairness, di siya nayuyupi tulad ng ibang dolls." Dagdag pa nito habang sinusubukan pisilin ang mga bahagi ng katawan.
"He's made out of raisin."
"That's why."
Nang malapit na ang time in ko ay pinaiwan ko siya sa baggage counter. Hindi na ako binigyan pa ng number dahil ako lang naman daw ang may dala ng doll. Ipinaupo lang siya sa isa sa mga upuan na andoon at sinabing babantayan ito. Nagbilin narin ako na huwag nang ipabuhat sa iba dahil baka mabasag pa kapag sakaling nabitawan.
Mahal yan!
"Hindi ko alam na may ganong klase ng manika, Cresia." Sambit ng katrabaho ko na siyang pinakamalapit sa akin dito. Si Judy.
"Hindi ko rin alam. Nakita ko lang din siya online dahil sa pagtitingin ko ng mga manika. Dinala ako sa website ng company na nagtitinda ng mga tulad niya."
"Kailan mo siya nakita?"
Walang masyadong tao kaya heto at may kwentohan kami.
"Nakita ko na siya noon pa. Noong 13, years old ako. Pinabibili ko siya sa parents ko pero ayaw nila kaya nito ko lang siya nabili gamit ang sarili kong pera."
Napangiti si Judy. "Wow, parang meant to be."
Natawa narin ako. "He's a doll, Judy."
"Yup. But the fact na nag iisa siya at walang bumibili tulad ng sinabi mo sa caption sa pinost mo, he's really for you. Paano kaya kung buhay siya?"
"Hoy!" Biglang singit ni Kim, iyong may pagkamaldita na humawak kay Uriel kanina. "Hwag kang ganyan. Kahit na gwapo iyong manika, nakakatakot parin, noh."
This time, hindi ako sumalungat sa sinabing iyon ni Kim. Hindi tulad noon na sasabihin kong normal ang pagkakaroon ng manika. Normal na matakot dahil sa mga napapanood pero hindi iyon tototo. But now, hindi ko masabi iyon.
"Sabay sabay tayong mag lunch mamaya, ah? Gusto namin makita si Uriel."
"Sure."
At ganon nga ang nangyari nang sumapit ang time para sa pagkain namin ng aming lunch. Tulad nang ginagawa ko ay may sarili itong upuan sa canteen at nasa tabi ko siya. Madalas ay sa kanya nakatingin ang mga katrabaho ko.
Finally, they're not that afraid to one of my doll and that's him. They likes him. Well, because he looks really fine.
Sa gabing umalis kami pauwi matapos ng trabaho ay pinagkakatinginan muli ako ng tao. Ganon din ang taxi driver.
"Kailangan kong labhan itong mga damit mo, Uriel, para may maisuot ka bukas." Nalulungkot na sabi ko. "Lahat ng extra money ko, ubos, e. Kaya hindi kita mabilhan ng bago." I said while changing him into his silk clothes na pantulog. Free iyon pag binili mo siya. It's a color blue silk long sleeve with button at pajama.
Iniwan ko siya sa kwarto nang nakaupo katabi si Miranda na naiwan ko din pala doon kaninang umaga. Nilabhan ko ang damit niya gamit ang ordinary laundry powder soap na gamit ko sa aking damit. Pagkatapos ay nagluto narin ako for dinner.
Nakakapagod gawin ang lahat ng iyon lalo pa't galing ako sa trabaho. Kaya naghain na ako para makakain. Muli kong binalikan ang kwarto para kunin si Uriel only to find out what happened.
Napa atras ako nang makita ang sira sira kong manika na si Miranda. He's a soft doll. Gawa sa yarn ang kanyang buhok na ngayon ay putol putol na. Ang laman ni Miranda na puro cotton ay nakalabas narin.
"W-what..."
Napatingin ako kay Uriel na hindi naman gumalaw sa kanyang pwesto. Tumawa pa ako tila hindi makapaniwala sa nakita. Nilapitan ko si Miranda at dinampot ang nasira nitong mga parte.
Gusto kong maiyak dahil ito ang pinaka nauna kong doll sa lahat. Nang muli kong tignan si Uriel ay tumakbo ako palabas ng kwarto at isinara ito. Napahilamos ako ng mukha at agad tinawagan si Anika, nagsisimulang matakot.
But I started panicking when I'm started hearing things inside my room na siyang nagpakaba ng husto sa akin.
BINABASA MO ANG
Benz Series 1: Uriel The Doll
Mystery / Thriller[COMPLETED] Cresia is drawn to a beautiful, lifelike doll named Uriel. But the closer she gets, the more disturbing her world becomes. As Uriel's obsession deepens, she's forced to face a terrifying truth. The doll isn't just watching her... it wa...
