Kabanata 42

951 63 18
                                        

Inside of Me

Lumaki akong hindi naka-asa ang mga gusto kong bilhin sa parents. Nakakatanggap ako ng regalo nang hindi ko inaasahan. Pero ang pagbili ko ng mga manika ay sarili ko nang gastos noon. Madalas ay galing din sa sarili kong ipon. Ang iba ay galing sa sweldo ko.

Hindi ako magawang bilhan ng mga dolls noon sa tuwing magrerequest ako dahil sa kadahilanang naw-weirdohan na sa akin ang pamilya ko at ayaw nang magdagdag ng manika sa kwarto ko. Kaya nga at the end, doon na lang ako sa dating bahay nila lola nakatira. Doon ko dinala lahat ng manikang meron ako para hindi na madamay ang mga takot dito lalo na si Mommy.

Nang makita at makilala ko si Uriel, ang sabi ko’y siya na ang huling manikang bibilhin ko. Siya na ang pinaka the best na regalong binili ko para sa sarili ko. Ngunit hindi ko aasahan ang mga bagay na nangyari pagkatapos non.

I was kidnapped, kept, and met the true controller of the doll, Uriel. Ang mga ginawa niya sa akin, akala ko basta-basta lang dahil baka lulong siya sa droga. Pero nang malaman ko ang dahilan sa likod ng mga ginawa niya sa akin, nar-realized ko na ang totoong dahilan.

If I’ll be good to him then he will do the same.

Naisip ko, noong bata siya, wala sigurong nag treat sa kanya ng maganda. Ang kambal niya lang pero nagkaroon pa sila ng hindi pagkakaintindihan kaya lumayo ang loob nila sa isa’t isa.

But now that I am getting married to him, I will make sure to give my full support, care… and love.

“Pumapayag ako na ipakasal sa’yo ang anak ko dahil sa mga bagay na hindi ko rin maipaliwanag.” Sambit ni Daddy nang lumapit kami ni Damon sa kanya pareho. Halata na natutuwa naman talaga siya sa pangyayaring ito. “You kidnapped her but look, she’s so into you.”

“Dad.” Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi nito. Narinig ko ang ilang mahinang pagtawa ng maid. Ganon rin nila manager Brina at si Anika.

“What? Totoo naman ‘yon.”

Siguro ay naalala niya iyong gabing umiiyak ako sa kalsada habang hinahanap siya. Iyon yung gabing hinatid ako ni Damon sa parents ko at bigla na lang siyang nawala.

“Well… Maraming salamat po.” Damon sincerely said. “Maraming salamat sa tiwala.”

“My daughter trusted you. So I had to trust you too.”

He nodded. Dumapo ang tingin namin kay Mommy. Sa expression pa lang ng mukha nito ay halatang hindi na siya pabor sa gagawin naming virtual marriage ngayon.

“Ma… “ Halos nagmamaka-awa ang boses ko. She just stared at me. Ngumuso ako. Alam ko ang gusto niya. Hindi si Damon. Si Damien.

“Paano ako makakasigurong hindi ka sasaktan ng lalaking ito? Kita mo nga, wala pang taon na nagsasama kayo ay gusto niyo na agad ang magpakasal.”

“Magaling naman na po siya.” Pagsasabi ko ng totoo. Pinuna din siya ni Daddy pero sadyang matigas talaga ang puso ni Mommy.

“Pagbigyan mo na ang anak mo. Wala rin naman tayong magagawa kung ito talaga ang gusto niya.”

“He still have some unclear cases from his childhood past about his aggressive behavior. Paano na lang kung may bagay na magpa trigger sa kanya at masaktan niya pa ang anak natin?”

Napapikit ako sa mga pinagsasabi ni Mommy. It can hurt Damon. Kagagagaling niya lang sa matinding pressure dahil nga sa nakaraan niya. Huwag niya na sanang banggitin pa.

Benz Series 1: Uriel The DollMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon