Him
Pakiramdam ko'y magkakasakit ako sa sobrang sama ng loob dahil sa ginawa ni Uriel. Sobrang sama ng loob ko habang nililinisan ang loob ng kwarto. The room that I used to have filled with lots of dolls is now gone. Ang mga shelves na ibinili ko para may pwesto sila ay wala nang silbi. Wala nang laman.
Nagkalat doon at sa lapag ang mga cotton nito. Ang iba ay nilipad na ng hangin sa aking kama. I tried to calm myself for cleaning everything nang sa ganon ay hindi ako mabaliw nang tuluyan. Miranda is gone. Jermaine is gone. My babies are gone. Ganon din ang ibang bears. Wala narin si Kate na siyang pangalawang pinakamalaki ko. Pumapangalawa siya kay Uriel. Ito yung manikang nakamulat ang mata kapag nakatayo at kapag ihihiga ay nakapikit. Isa rin ito sa pinaka gusto ko noong bata ako.
"What have you done, Uriel..." Nanggigigil na sabi ko habang pinupulot ang mga buhok na nagkalat sa lapag. Hindi ko na mapagkakilanlan kung kaninong buhok ng manika ko ang mga ito.
Tahimik kong tinapon ang lahat sa tapunan ng basurahan. Hindi ako halos makapagsalita. Gusto kong magwala, basagin si Uriel, at isama sa mga itatapon ko kung hindi lang ako nanghihinayang. And, the fact that I like dolls at isa siyang manika, mas lalo lang ako manghihinayang dahil siya nalang ang naiwan. Pero sa nararamdaman ko ngayong galit at sama ng loob, inilayo ko muna si Uriel sa akin.
Iniwan ko siya sa living room at ako nama'y nagkulong sa kwarto, tahimik na nagluluksa sa pagkaubos ng mga manika ko. Galit talaga ako. Galit na galit. kung bakit niya sinira ang lahat ng manika ko ay hindi ko alam. Sana sinira niya na lang din yung sarili niya para mas matuwa pa ako.
That doll is crazy! Ano ba talaga ang gusto niyang gawin ko? I tried doing my best! I tried to accept him kahit na takot na takot na ako sa kanya!
Hindi ko namalayan na nakatulugan ko ang pagiyak magdamag. Akala ko'y magiging okay na ako paggising ko ngunit mas lumala. Mas ipinaintindi sa akin ang katotohanan na hindi panaginip yung kagabi. Totoong wala sila.
I took a bath first before going into the kitchen. Mainit na kape at tinapay ang ginawa kong almusal.
Hindi ko na nakita pa si Uriel kung saan hanggang sa maka alis ako ng bahay para magtungo sa trabaho. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko na inabala ang sarili kong hanapin siya para bihisan siya kanina.
Papasok pa lang ng locker area, alam kong hindi nila maituloy ang gustong pakipagusap sa akin dahil sa ipinapakita kong emosyon sa mukha. Nakita rin siguro ang mugto kong mata.
I tried to lighten up my mood naman kanina habang nasa jeep dahil baka maapektohan ko ang mga customers pero hindi ko talaga magawa. At, sa tuwing naaalala ko lang ang pagkasira ng mga manika ko ay mas lalo akong nagagalit.
"Okay ka lang?" Judy asked na marahan pang idinikit ang kanyang palad sa aking likod tila gusto akong patahanin kahit hindi naman ako umiiyak. "May nangyari ba?"
"W-wala naman." I lied. Kapag sinabi ko bang malungkot ako dahil nasira ang mga manika ko ay ayos lang sa kanila na pakinggan 'yon? Normal lang ba sa kanila ang ganitong reaksyon? Paano kung hindi? Tatawanan nila ako at sasabihin na manika lang ang mga 'yon.
Lumayo ako sa kanila para hindi nila ako makausap pa. Ayokong mag open sa kanila dahil wala sa kanila ang makakaintindi sa akin. Kahit si Anika. For sure, alam kong si Uriel lang ang gusto niya sa mga manika ko.
When lunch came, inaya nila akong makisabay sa kanila. Kahit ang mga boys naming katrabaho ay napansin ang pananahimik ko but Judy signed them to just ignore me.
"Mukhang pati itong si Kim, may problema." Ani Ian. Tumingin ang lahat kay Kim pati ako.
"Hindi kasi umuwi kagabi si kuya. Nagtext na kami sa kanya, hindi naman nagrereply. We also tried calling him, hindi naman sinasagot."
"Baka nagpapaka-busy mag isip. Pinagiisipan ang ginawa niyang mali. Halos muntik nang ikulong, e." Sagot ni Michelle.
Hindi na nagsalita pa si Kim ngunit naroon pa rin ang pag aalala sa kanyang mukha. She even look at me, parang gusto niya akong tanungin patungkol sa kuya niya. At, kung tatanungin niya man ako, wala rin akong alam.
My day ended, different than the usual. I went home feeling bad. Naiisip ko pa lang na may uuwian akong manika na sinira ang lahat ng manika ko ay naiirita na ako.
Padabog kong binuksan ang pinto nang makapasok. Padabog ko rin itong isinara at itinapon sa sofa ang jacket matapos itong tanggalin. Ganon din ang aking bag.
I didn't saw Uriel on the living room. Nang magpunta akong kwarto ay wala rin ito doon. I changed my clothes saka lumabas papuntang kitchen. I didn't saw Uriel pero mas mainam nang ganon dahil baka mabato ko lang siya kapag nakita ko.
Instead of cooking for dinner, naglabas ako ng mga beer. Limang bote. Ipwinesto ko ang aking sarili sa pinakadulo ng mesa at doon uminom.
My parents never wanted me to have a lot of dolls. Isang doll lang ang gusto nila para sa akin. That was Miranda, iyong binigay nila. Pati ba naman ngayon ganon pa rin? And worst, isa siya sa mga kalahing pinatay niya.
Pinatay? That's too cruel. Pero totoo naman. Parang pinatay niya ang mga kalahi niya. Manika rin naman siya, bakit hindi niya na rin dinamay ang sarili niya.
Mabilis kong naubos ang limang bote ng beer kaya naman kumuha ako ng panibago sa fridge. Nang maisara ang pinto nito, nabitawan ko ang mga bote dahil sa matinding gulat matapos makita si Uriel sa ilalim ng lamesa dahilan ng pagkabasag ng mga iyon.
I'm so mad for what he did na kahit ang bilis ng tibok ng puso ko sa biglaang takot ay nawala din. I left him in there para kumuha ng pandakot. Tutal, nakakalakad naman siya ‘diba? I'm starting to loose my care for him.
"Bakit ba kasi kita binili?" Inis na sabi ko habang nililinis ang mga basag na bote. Mas lalo tuloy akong nabadtrip. Tumalsik pa ang ibang bubog sa binti at paa ko dahilan para masugatan. Nang maitapon ang lahat ng kalat, dumiretso ako sa kwarto para matulog, hinahayaan na magdugo ang mga sugat sa akin.
I lay in my bed. Pati ang pag inom ay nawalan na rin ako ng gana. Kasalanan 'to ni Uriel!
I don't have any other choice anyway but to just forgive him. Hindi naman pwedeng ganito ako lagi. Pero hindi ngayon. I need time.
Nagulantang ako sa malakas na katok sa aking kwarto. Kumuyom ang mga kamay ko habang unti-onting nilalamon ng takot at inis.
"You can't scare me anymore, Uriel!" I lied. Nilapitan ko ang pinto at sinigurong naka lock iyon. "Just leave! Wala ka nang nagawang maganda! You were made that way, makinis, gwapo at may pagkainosente ang mukha but deep inside, you're an evil. You're bad! I'm starting to think that you're worthless too!" Ang sigaw ko habang palakas nang palakas ang pagkataok niya sa kabila. Sa lakas nga ay parang magigiba na ang pinto.
"Kaya ka binabalik ng dating bumili sa'yo because you're disappointing them at isa na ako doon!"
Napatitig ako sa pinto nang mawala ang ingay. Nakarinig nga lang ako ng yabag pero kalaunan ay tawa ng isang bata ang naririnig ko. Tila tawa na nagwagi ito. Parang nagustuhan niya pa ang mga sinabi ko. Unti-unti ay nawala 'yon.
Anong tinatawa tawa niya? Don't tell me he's gone mad. Bakit pakiramdam ko, hindi na ako ligtas sa kanya? Na may masama na siyang binabalak sa akin?
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Sa ilalim ng sink ay ang maliit na cabinet kung saan nakalagay ang mga tools doon. Dinampot ko agad ang crowbar at naisip na pwede ko itong gamiting pang depensa.
Naniniwala na ako. This doll was possessed by a spirit. Hindi ko na pwedeng tanggihan ang katotohanan na 'yon. Mas lalo na akong natatakot na baka pwede na niya na talaga akong saktan. Pakiramdam ko ay gusto akong kontrolin ng manikang ito.
Hinanap ko siya sa living room but he's not in there. Ang vintage box nito ay naroon pa rin sa lapag. I checked that but he's not inside ngunit nabitawan ko ang crowbar na hawak nang may kung sinong ipinalibot ang kanyang braso sa aking leeg.
"Cresia..."
My eyes widened in shock when I heard Lando's voice. Naramdaman ko ang lamig sa buo kong katawan dahil sa takot. Sa tuwing si Lando ang ganito, mas natatakot ako kumpara sa ginagawa ni Uriel.
"B-bitawan mo a-ako..." Sinubukan kong hawakan ang kanyang braso para mailayo sa aking leeg na sumasakal sa akin.
"Ipinahiya mo ako, Cresia. Bakit hindi mo sinabi sa kanilang nababaliw na ang manika mo at hindi ako, huh?" He's mad. Kaya ba hindi siya umuwi sa kanila para biktimahin ako sa gabing ito?
Hinila niya ako papasok sa aking kwarto na mas lalong nagpasakal sa akin. Kumakalampag lang ang dalawa kong paa sa lapag at hindi masabi ang gustong sabihin.
Hindi ko gusto ang magmakaawa. Gusto kong lumaban pero sa sakal niya pa lang, pakiramdam ko'y onti-onti na akong nauubusan ng hininga.
"Pero sige ayos lang, Cresia. Pagt-tyagaan kita ngayon bago ako tuluyang makulong."
Malakas akong tumalbog sa kama nang itulak niya ako doon. Agad siyang pumaibabaw. May naiwan pa akong lakas para sampalin siya ng malakas but that was the thing that made him mad even more.
"Pakawalan mo ako!" I cried! My feet tried to kick him ngunit nahagit niya rin iyon sa paraang hindi ko na maigagalaw.
Ikinulong niya ang kamay ko sa pareho niyang malalaking kamay, idinidiin sa kama. Ang mga labi nitong tuyo at nagbabalat ang siyang lumapit sa aking pisngi at leeg na mas lalo kong ikinalakas ng pagsigaw.
I can smell him reeks alcohol. Ang damit niya ay iyong damit niya pa noong huli kaming magkita sa police station. Patuloy ako sa pagsigaw.
"Huwag kang maingay, Cresia..."
Ang bahay na ito ay nasa pinakadulo ng village. Kadalasan ng bahay dito ay pinatayo bilang bahay bakasyunan lang kaya kahit magsisisigaw ako dito, alam kong walang makakarinig sa akin.
"Bakit mo ba 'to ginagawa sa akin?" I cried even more. Lumalabas ang luha ng pinaghalong takot sa kanya at kay Uriel.
"Hindi mo pinahalagahan ang mga sinabi ko sa'yo."
"I-I'm sorry..."
"Huli na ang lahat Cresia..." Bulong niya.
Tuluyan nang napunit ang manipis kong sando. Bumungad ang dibdib at tiyan ko. Panloob na saplot ang naiwan doon at hindi ko na kakayanin pa kapag iyon na ang sunod niyang tatangalin.
How dare him! Dapat ipinakulong ko na lang siya nanv tuluyan! Dapat hindi na lang ako naawa sa kanya noong araw na dapat ikukulong na siya. At, dito pa talaga sa sarili kong bahay ako madudungisan ng lalaking ito!
Hindi ko hinahayaan na maangkin niya ang aking labi. Tanginig pisngi at leeg ko lang ang madalas niyang naangkin. Kaya nang mainis ito ay hinawakan na ang aking panga, alam kong huli na but I still used my last energy to shout for help.
"Tulo-"
Natigil ako nang biglaan itong bumagsak sa akin. Ang ulo niya ngayo'y nakaipit sa aking leeg.
Anong nangyari?
Itinulak ko siya ng buong lakas sa aking tabi only to find out who did it.
Ang crowbar na hawak ko kanina ay hawak ng isang lalaking pamilyar na pamilyar sa akin. Iyon ang pinanghampas niya kay Lando.
Wearing that black turtle neck and loose dark jogger na bagsak ang mga strap sa bulsa, nagmumukha itong normal na modelo ng mga damit. Nakasuot ito ng knee cut boots. Ang kasuotan niya ay pamilayar na pamilyar sa akin.
May hawak itong injection kaya nang maglakad ito palapit ay napaatras ako hanggang sa pinakadulo ng kama.
Hindi ko makita ang mga mata pero alam kong Gold ang kulay nito kahit nahaharangan ng bangs niya.
And, the smirk, it was all familiar. Unti unting nagdilim ang paningin ko nang iturok niya sa akin ang bagay na hawak.
BINABASA MO ANG
Benz Series 1: Uriel The Doll
Mystery / Thriller[COMPLETED] Cresia is drawn to a beautiful, lifelike doll named Uriel. But the closer she gets, the more disturbing her world becomes. As Uriel's obsession deepens, she's forced to face a terrifying truth. The doll isn't just watching her... it wa...
