Zion
"Thank you Mrs. Silver. Malaki ang naitulong sa pagpayag mong doblehin ang bilang ni White Miranda sa ating website." Mr. Galvez showed me a white folder. Naglalaman ito ng data, mga information kung gaano kataas ang demand ng buyer ng White Miranda. I didn't know they would like it.
Si Damon naman talaga ang may gawa ng design na ito. I just added some. Hindi na lang basta makukuha si White Miranda sa iisang height. May tatlong given height kaming offer. Could be the medium size, large, and small. At iyon ang gustong gusto ng aming buyers. Lalo na sa mga batang gustong magkaroon nito na hindi kayang hawakan ang large size tulad nang kay Uriel. The small ones are just like Barbie doll size, may kalikhan lang ng kaunti. Ganoon na rin ang ipinagawa ko sa iba pang dolls na available.
"How about Uriel?"
Mr. Galvez smiled. Napangiti rin ako dito. Hindi ko alam kung bakit siya napangiti. Nahawa nalang din ako.
Alam ko ang pinagdaanan ni Uriel. Maraming ayaw sa kanya. May mga nagbalik. Iyan ang katotohanan nang bilhin ko 'to. But I didn't care any of that. I still push to make a lot more Uriel to be sold in our website.
"Napakaganda po ng ratings nito. Because of your own made story about White Miranda and Uriel, marami pong bumili ng set."
I felt proud for that.
"They even called White Miranda, the hottest villain, for abducting Uriel and making him be her slave."
Kumunot ang noo ko. Wala ata akong alam sa ganon. I just posted the story that White Miranda kidnapped Uriel so Miranda can play a piano in front of him dahil walang ibang gustong makinig sa kanya. The Uriel being arrogant but sweet listen to every of her songs too and that made Miranda realized how bad she is. But still want to keep Uriel beside her forever.
"Ito po yung mga pictures." Mr. Galvez gave me the iPod. Halos mamilog ang mata ko sa mga nakita kung paano ka daring ang mga suotan nila Miranda and Uriel. It's like Miranda is being the new master of Uriel and no one else will ever have to touch him without her consent. And for Uriel, it's like he's enjoying her.
Natawa na lamang ako at ibinigay ang iPod sa kanya. "Mabuti naman at kahit papaano ay nagiging creative sila on their own."
He nod. "I even bought a set for my kids."
After reporting to me everything, Dr. Alice came. Pinasabi ko na rin kay Mr. Galvez na huwag muna akong abalahin sa mga oras na ito kung may kailangan man na ipakita sa akin. I want more time with Dr. Alice.
"Kamusta ang huling tulog mo?" Iyon ang unang tanong nito.
I called Dr. Alice to always check on me. Lagi ko kasi napapanginipan si Lando. At kahit mag-isa ako, pakiramdam ko ay nariyan lang siya sa tabi-tabi.
Dr. Alice has diagnosed me with PTSD o ang Posttraumatic Stress Disorder. Isa na symptoms nito ay ang paulit ulit na bangungot ko at ang pakiramdam na parang nararamdaman ko ang kaparehong pakiramdam noong muntik niya na akong galawin. When I went to my old house kung saan nangyari ang lahat, nagkakaroon lagi ako ng flashback at hindi maganda ang dulot nito sa akin.
"Hindi ako nagkaroon ng bangungot kagabi pero naroon parin yung takot bago ako matulog. Ilang oras muna ang tatagal bago ako dalawin ng antok."
She nodded. Nasa mukha nito na naiintindihan talaga ang lagay ko.
"Tulad ng sinabi niyo, ginawa ko lahat ng pwede para maka iwas sa mga ganoong symptoms. I'm having fun creating new designs for our doll and of course, ang pag aayos ulit ng maraming manika sa bahay."
She laugh at that. "Hindi ka naman ba sinasabihang weird ulit ng parents mo?"
Umiling ako, natatawa. "Sinasabihan pa rin. But since I'm living off from them, it's not a problem."
Tumango ito. "I'm glad that there were good changes in you. Ipagpatuloy mo lang yang ganyang gawain kung saan ka masaya at komportable. And tungkol naman sa nahihirapan kang matulog, baka mag caused pa ito ng insomnia. So here, a tonic tea." May kinalkal siya roon sa box na isang box at binigay sa akin. "It helps little by little. Inumin mo yan bago ka matulog."
BINABASA MO ANG
Benz Series 1: Uriel The Doll
Mystery / Thriller[COMPLETED] Cresia is drawn to a beautiful, lifelike doll named Uriel. But the closer she gets, the more disturbing her world becomes. As Uriel's obsession deepens, she's forced to face a terrifying truth. The doll isn't just watching her... it wa...
