Someone
The more I wait him, the more I feel afraid. Hindi ako mapakali lalo pa't ilang minuto na siyang hindi bumabalik simula nang iwan niya ako dito. I want to know what he did. Pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may ginawa siyang hindi tama. So, I stood up and walk near the window. Sumilip ako doon para tignan ang ginagawa niya but I saw nothing. Lalo pa't walang ilaw doon. Hindi ko makita ang mga katawan.
"What are you doing?"
Mabilis akong napaatras sa taong bumulong sa akin. I saw Damon. Nakatago ang kamay nito sa kanyang likod. Parang wala ding nangyari kung titigan niya ako.
"Where are they?" Nanginginig na tanong ko sa kanya. Pasimple akong umatras para makalayo sa kanya at saka ako naupo sa kama. He followed me and took off his dark gloves. Wala namang dugo doon sa mga gloves na 'yon o sa ibang parte ng damit niya. I shouldn't be worried.
"Ano sa tingin mo?"
Pinanood ko siyang nagtanggal ng damit pagkatapos ay tinapon niya ang mga 'yon sa basurahan. He just left his pants. Ang sapatos ay tinapon niya rin.
"Just answer me, Damon." Tumayo ako at lalapitan sana siyang naghahanap ng panibago niyang damit but he turned himself immediately towards me. Pumilig ang kanyang ulo at masama akong tinignan. Ngunit hindi ako nagpatinag. "Saan din galing ang baril mo? Sino yung tinawagan mo-"
"Cresia!"
"Pinatay mo ba sila?"
Hindi na ako nakapalag at nakapandagdag ng susunod na sasabihin when he grab my neck at idinikit sa kanya. It hurts. Nagsisimula narin akong hindi makahinga.
"I don't like your questions." Sagot niya. Iyan lagi ang sinasabi niya sa tuwing magtatanong ako. "Stop. Sumasakit lang ang ulo ko."
Pabato niya akong binitawan. Napaubo ako dahil sa pagkakaipit ng aking leeg. I watch him found a new pair of clothes saka siya pumasok ng banyo. Nang marinig ko ang pagbukas ng shower, ginalaw ko agad ang globo sa kanyang mesa para magbukas ang likod ng bookshelf. Tinakbo ko ito pababa at pinasok ang room niyang napupuno ng maraming medical equipment at malalaking TV. Hinanap ko agad location ng camera na nakakabit sa harap ng bahay. And when I found it, nakita ko na pinaghihila lang ni Damon ang mga katwan kung saan. After non ay wala na akong ibang nakita o narinig.
"Where did he put them?"
Agad din akong tumaas at isinara ang bookself saka umakto na parang wala akong ginawa. Sakto ang paglabas niya na bihis na sa kanyang pantulog. Pinanood ko siyang naupo sa gilid ng kama at pinatuyo ang buhok gamit ang hair dryer.
Pinanood ko ang likod niya. May kung ano sa akin ang nagsasabi na hindi lang siya basta ordinaryong tao. Ano ba ang mga kaya niyang gawin? Pakiramdam ko, marami siyang koneksyon sa ibang tao. Parang kaya niyang gawin ang lahat.
Tama. Saan galing ang lahat ng 'to? Itong magandang bahay at ang laging puno ng pagkain sa kanyang malalaking fridge? Ang mga damit niya? Ang baril na ginamit niya? May iba pa ba siyang weapon?
Who are you, Damon Silver?
Hindi na kami nakapagusap pa sa gabing iyon. Nakatulog din ako nang maraming iniisip. Sa paggising ko naman, nadatnan ko nalang ang maraming paper bag na narito sa loob ng kwarto. Hinanap ng paningin ko si Damon at nasa tabi ko lang pala ito. Napaawang ang labi ko matapos siyang makitang naninigarilyo.
"Good morning..." Malamig niyang pagbati. Tinitigan ko ang sigarilyo sa kanyang bibig kaya napatitig din siya sa akin. To think about it, he's a grown up man. Hindi ko dapat problemahin ang bisyo niyang ganyan pero kailan lang noong umaakto siya na parang bata kaya parang hindi ko matanggap ang katotohanan na magaling siyang manigarilyo.
"Maliban sa paninigarilyo, ano pang ginagawa mo?" Tanong ko habang nakaharap sa kanya. Humigop pa siya sa sigariyo ng usok bago niya ito itinapon sa ashtrey na naroon sa kanyang tabi na nakapatong sa gilid ng mesa.
Mahina siyang natawa at inilapit sa akin ang mukha. "I said, good morning..." Aniya at ngumiti. He rub my chin with his thumb at saka inginuso ang mga paper bags. "Dumating na ang mga damit mo. Paliliguan mo pa ako at pakakainin."
Tiim panga akong umalis sa kama. Iritable akong bumuntong hininga at tinignan ang mga 'yon. Sisiguraduhin kong malalaman ko rin ang lahat. Makilala rin kita Damon.
Tinignan ko ang mga damit isa-isa. Most of them are deep V-neck spaghetti strap dress. Walang bra na kasama at puro mga undewears lang. The dress are revealing for me. Mukhang gusto niya na ganon lang ang mga isusuot ko.
Naramdaman ko siya na gumalaw. Naupo siya sa talim ng kama rito sa paanan at inabot ako. He move my hair on the left part of my head saka niya idinungaw ang ulo sa kanang bahagi ng leeg ko para makita ang mga damit.
"Do you like it? Nalabhan na rin ang mga yan."
"Bakit walang bra?"
"Wala ka namang dibdib."
Masamang tingin ang iginawad ko sa kanya. He smirk with that at saka niya kinuha ang isa sa mga dress. Tumayo siya kaya tumayo din ako. He raised the dress for me at parang tinitignan kung babagay ba 'yon sa akin.
Look at him. Baliw nga talaga siya. Kung makaasta siya ngayon, parang normal na normal ang araw at hindi naisip ang nangyari kagabi. Siguro kung ako siya, I'm still having a hard time forgetting about what happened last night.
"I hate red." Aniya. "But this one looks really fine with you." Tukoy niya sa pulang dress na hawak. Kinuha ko agad 'yon at ibinalik sa paper bag.
"I'll wash you first. Gutom na ako."
Hindi siya agad nangdalawang isip na tanggalin ang damit niya at agad na pumasok sa banyo. Umikot ang mga mata ko na sumunod sa kanya. And, just like yesterday, pinaliguan ko siya. Whole body this time. Hindi kami nagusap habang ginagawa ko 'yon sa kanya. We move on to the kitchen after that. Tapos narin ako maligo at bihis na sa isa sa mga damit na binili niya para sa akin.
"You want attention..." Hindi ko gusto ang asarin siya. Iyon lang ang sinabi ng utak ko na gustong gusto niya. Isang bagay na kahit alam ko na, parang laging bago.
Tumigil siya sa pagkain at pailalim akong tinignan. He drinks water and stared back at me. "Yes."
"That's why you kidnapped me?" Pekeng ngiti ang iginawad ko para hindi siya makaramdam ng tension. Sa bagay, ginagawa ko 'to para makakuha kahit pakonti-konting impormasyon man lang.
"Yes."
"Paano kung hindi ko pala 'yon naibigay sa'yo?" Biglaang tanong ko. "At ilang beses ka na bang kumuha ng babae?"
Para lang sa atensyon ay kukuha siya ng mga babae?
"I'm not kidnapping you for nothing." Sagot niya na nagpakunot sa aking noo. "I know you too well, Cresia. Tulad ng sinabi ko. Kung ang manika ay naaalagaan mo ng ganon, paano pa ako?"
"But I don't even know you." Bulong ko sa sarili.
"One more thing, ikaw pa lang ang kinukuha ko." Dagdag niya. "Uriel, the doll was stock for years. Ilang taon na ang lumipas matapos may huling bumili non na ibinalik din. Ngayon lang ulit nagalaw nang bilhin mo."
"Bakit ako?"
Kung sakali bang bibilhin 'yon ng iba ay kikidnapin niya rin tulad nang ginawa niya sa akin? Bakit ako?
"If you want attention, hindi mo 'ko kailangan kunin. Bakit hindi ka nagpakilala?"
"Ito na naman ba tayo?"
I bite my lower and shook my head in disappointment. Nagulantang ako sa biglaan niyang paghampas ng mesa. Galit na naman siya.
"I kidnapped you because I knew you wouldn't accept me too like the others." Matigas at madiin bawat salita.
Why is that? Maayos siya manamit, matalino at may ipagmamalaki sa itsura. Isang tingin niya palang sa tao, agad matatandaan ang mukha niya. Magugustuhan siya.
"Kaya inunahan ko na."
"And you think, doing this would-" Hindi ko maituloy ang sasabihin. Nag-usap na kami na kapag nagbehave siya ay pakikitunguhan ko siya ng naaayon sa gusto niyang mangyari. I am being unfair pero hindi maaalis sa akin ang mapaisip. Nakita ko nalang ang pagpipigil niya sa pagtiim ng kanyang panga. "I'm sorry."
Tumayo ako at nilapitan siya. Ipinatong ko ang aking palad sa isang kamay niyang nakakuyom sa ibabaw ng mesa. Tumingin siya doon at saka siya tumingin sa iba, para maghabol ng sarili niyang hininga sa galit.
Naupo nalang ako sa katabi niyang upuan. Kinuha ko ang plato ko roon sa kabilang dulo na kaharap niya kung saan ang pwesto ko kanina. Mukhang nawalan na siya ng gana.
Hindi ako nagdalawang isip na lagyan ng pagkain ang spoon niya pagkatapos ay itinutok ito sa kanyang bibig. He look at me with no emotion. Nang matagal niyang hindi isinubo 'yon ay para akong napahiyang dahan-dahan na ibinaba ang kutsara. I just smiled to myself at ginalaw ang akin. But right after I chew on the first take of my food, bumagsak ang ulo niya sa aking balikat.
Medyo hirap pa siyang iaanggulo ang sarili dahil sa tangkad niya maabot lang ng ulo niya ang aking balikat. And just like how I treat my other dolls, bumalik sa isip ko ang mga sandaling kapag nawawalan ng balanse ang manika ko na kasabay ko sa pagkain, napapasandal sila sa braso ko.
Pagkatapos naming kumain ay muling umalis si Damon. Unang pumasok sa isip ko na baka aasikuhin niya ang mga lalaking iyon. Nag-aalala ako kung ano ba talaga ang ginawa niya. Maaari siyang makulong kahit kami ang biktima.
I just wandered around the house. Nakarating ako sa pinakalikod na bahay at napangiti nang makita ang swimming pool na malawak at hindi nagagalaw. Madumi ang tubig nito at madumi ang buong area. Now that I think of it, ayos din pala na kasama si Damon. He have this huge house that looks like a palace. Pakiramdam ko secured siya financially at malayo kami sa city. Ang kabaliwan niya lang ang kailangan kong sanayin. Ganon din ang kalungkutan.
He have showed me his bad side but despite of that, I can say that he just did those out of wanting attention and love. He's easy to get triggered and be mad. Siguro, epekto ng naranasan niya noon.
But speaking of experience, gaano ba kagrabe ang napagdaanan niya para maging ganito?
"What are you doing here?"
Napalingon ako sa aking likod. Nakapamulsang lumapit si Damon at tumabi ng tayo sa akin. Tinitigan namin pareho ang pool.
"Sayang naman kung hindi 'to magagamit." Ang sabi ko na ikinangisi niya.
"Bakit? Ganito rin naman yung sa'yo."
Now that he mentioned that, napalingon ako sa kanya habang naniningkit ang mata. "Wait, did you just hide on the back of our house?"
He nodded.
"Pero paano ka nakakapasok ng bahay? Saan ka nagtatago?"
"Sa bintana ako madalas dumadaan."
That explains kaya may mga pagkakataon na bukas ang mga bintana ko sa bahay.
"Most of the time, I'm under your bed."
Naimagine ko agad ang sarili kong natutulog sa kama habang siya ay nasa ilalim.
"Kapag natutulog ba ako-"
"Pinapanood kita." Pagpapatuloy niya at humarap sa akin. "Habang yakap mo si Uriel."
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko maiwasan ang hindi mangilabot sa mga sinasabi niya. Kung siguro'y under drug influenced siya, baka ginalaw niya na ako-but who knows?
"May ginagawa ka ba sa akin habang tulog ako?"
"I told you, I'm not a rapist."
Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Bumalik ang tingin ko sa pool at pinanood ko ang pagbagsak ng mga natuyong dahon doon.
"Why you'd kidnapped me on that day? Bakit hindi sa ganitong araw o sa unang araw na binili kita?"
Ilang minuto siyang tahimik. Hindi siya sumagot kaya tumingin ako sa kanya na diretso parin ang tingin sa swimming pool.
"I... don't know."
Mas lalo nalang akong nangiti at niyakap ang sarili. Maybe he really needs time to heal himself. I might be a help for him. Pagkatapos, kapag handa na siya, baka pwede niya nang sabihin ang lahat.
"Ang ganda ng mga damit. Thank you for buying me those. I like it."
Nakita ko siyang ngumiti at napatingin sa kanyang paanan. I reach his head and patted it softly as a sign of my compliment. Kahit na naalala ko kung paano niyang nasabi kanina na wala akong dibdib. Psh!
"Damon."
Pareho kaming napalingon sa tumawag. Binalot agad ako ng kaba matapos makita ang isang lalaki sa kanyang uniporme. He is a police. Napatingin din ako kay Damon. Is he taking him? But I just realized something. Muli akong tumingin sa police at sa mukha nito. Nagpasalit salit ako ng tingin sa kanilang dalawa at napagtanto ang isang bagay.
"Damien." He called back.
Napatakip ako sa aking bibig.
"I'm taking her with those 3 scumbags."
BINABASA MO ANG
Benz Series 1: Uriel The Doll
Mystery / Thriller[COMPLETED] Cresia is drawn to a beautiful, lifelike doll named Uriel. But the closer she gets, the more disturbing her world becomes. As Uriel's obsession deepens, she's forced to face a terrifying truth. The doll isn't just watching her... it wa...
