Kabanata 3

2.1K 140 42
                                        

Saved


Nagpa alam ako sa manager ko na hindi ako makakapasok ngayon. I took Uriel back inside his vintage box at saka nilock iyon. Nilagay ko rin sa mga plastic ang mga damit at saka ko siya itinago sa mas malaking box. Itinago ko rin ito sa ilalim ng aking kama. Sinigurado kong sealed ang box.


Nagdecide narin ako na magpatawag ng priest para padasalan ang aking bahay. Sa mga manika ko napunta ang paningin niya. I said that those dolls didn't bother me. Wala rin naman daw itong naramdamang kakaiba. Ganon din kay Uriel. Nagdasal din kami pareho. Pinakain ko rin muna si Father bago ito umalis.


As for my decision about Uriel, titigilan ko na ang ginagawa sa kanya na pag aaruga dito. I will stop waking him up in the morning like a child who needs it. I will stop cleaning and changing his clothes. I am also planning to return him back to the company.


All right, naniniwala na ako. Naniniwala na ako sa kung anong kayang gawin ni Uriel kahit na wala talagang binanggit si Father. Ang sabi nito’y baka guni-guni ko lang ang lahat. Pero dahil malakas ang mga imagination ko sa ganoon ay mas lalo ko itong ikakatakot. But I’m shetill asking myself, is he cursed? If he is, then maybe it's right for me that I did it for him.


Hindi ako nakapasok sa araw na ito dahil sa ginawa ko kay Uriel at pagpapadasal ng bahay. I told my manager that I'm not really feeling well. I also apologized for my other dolls na pagbabalewala sa kanila saka sila isa isang binihisan.


Ngunit nang si Miranda na ang nilinisan ko, nakita ko ang punit sa likod nito. I felt bad. Umiling ako at hindi na pinansin ang nararamdaman. Kumuha ako ng sinulid at karayom para tahiin iyon. Habang ginagawa ay nags-sorry pa ako.


"I know it hurts, Miranda. I know. I'm sorry." I said while stitching her back. Dahan dahan ang ginagawa ko para hindi ito masaktan. Pagkatapos ay ipinahiga ko ito sa aking kama na parang bata na may sakit.



Sa hapon ay nakatanggap ako ng text kay Lando. He texted me with a message of 'Hi!'. I'm sure hindi ko binigay ang number ko sa kanya. Si Kim siguro.


Tinawagan ko rin si Anika na bumisita dito sa bahay para may makasama ako. She have her own time naman when it comes to work kaya umu-o ito agad.


"Where's Uriel?" Tanong niya.


"I hide him... For the mean time."


Kumunot ang noo niya, nagtataka. Nagtungo akong kusina at sumunod siya. Nagpalaman ako ng Nutella sa tinapay na siyang gusto niya.


"That's a first. Sa lahat ng manika na nagustuhan ko ay si Uriel pero siya ang itinago mo."


Napatitig ako sa kanya at nagsimulang maguluhan. Ayokong bigyan ng ideya si Anika patungkol na totoong nakakatakot ang mga tulad nila pero nararanasan ko na 'yon ngayon, e.


"He's acting weird, e." Humina ang boses ko.


Nakita ko agad ang pagtakip ni Anika sa kanyang bibig. Ang mukha niya ay namutla at parang nakakita ng totoong multo.


"R-really?"


I nodded. "Pinadasalan ko narin yung bahay."


"Ibabalik mo ba siya?"


"Yeah, I already planned that. Sa day off ko, kakausapin ko yung company."


Anika sit in one of the chair. Kinagatan niya ang tinapay at muling tumingin sa akin. "Baka guni-guni mo lang, Cresia?"



Natawa ako at umiling. Ganon din ang sinabi ni Father. Pero ako mismo ang nakakaexperience non. "No, it happened. Gumagalaw siya. May nakahain pang pagkain dito kanina."


Mas namutala si Anika sa takot. I don't want to scared her anymore kaya tumatahimik na ako ngunit siya parin itong tanong ng tanong.


"Did he hurt you?"


Umiling ako. That doll never hurt me in any way. Natatakot lang ako.


"Ano bang sabi ng company tungkol sa kanya? Dapat tinanong mo yung mga staff sa company kung may nagpaparamdam din ba sa kanila."


Naalala ko ang sinabi sa aking nung manager.


'Pero wala naman kaming nararamdaman. Inaalagaan namin iyan ng maayos.'


"Wala silang nararamdaman."


"Then baka guni-guni mo nga. Or, baka nag sleep walk ka? You're drunk at may konti ka pang hang over hanggang ngayon, Cresia." Aniya. "Ikaw rin ang nagsabi, you love dolls. Maintindihan ko sana kung yung iba mong dolls na mas creepy tignan ang itatago mo but Uriel? Are you sure?"


Napatitig ako sa kaibigan kong 'to. Tama nga naman siya. Baka nag sleep walk ako nang hindi ko alam. Baka ako talaga yung naglabas kay Uriel sa box at hindi talaga siya gumagalaw. Baka ako din yung gumawa ng breakfast ko kanina na fried rice. Ugh! Hindi ko na alam. Mababaliw na ako. Hindi ko na alam ang paniniwaan ko.


"Uriel got rejected 3 times already. Kung tao siya at ayaw sa kanya ng tao, wouldn't you feel bad?"


Bumuntong hininga ako. "Whatever, Anika. For the mean time, nakatago na muna siya. Kapag may mga pagbabago sa kanya, totoo ang sinasabi ko. Pero kapag wala akong naramdaman, then I'll get him out of his box."


Iyon ang usapan namin bago siya umuwi. Hindi ko alam kung dahil ba sa hangin o sa takot kaya namasa aking mga mata. Sa gabing iyon ay si Jermaine naman na isa sa mga manika ko ang isinama ko sa pagkain. She's a barbie doll. Iyong ordinary.


Sa pagtulog ko ay ito rin ang aking katabi. I was expecting myself to get into another nightmares but I woke up fine the next morning. No creepy moments. No nightmares.


Alam kong nasa ilalim lang ng kama ko si Uriel pero ang living room at ang kitchen ang una kong tinignan. Wala siya doon. Wala siya sa kahit saang sulok ng bahay. He's still in the box then?

He must be.


Naghanda ako sa pagpasok. Some of the people from Instagram at ganon din sa mga katrabaho ko ay naghahanap ng bagong pictures ni Uriel but I didn't mind any of them. Muli rin akong nakatanggap ng text message galing kay Lando na hindi ko rin pinansin. Mukhang mapapadalas ang pagt-text niya sa akin.


"Uy! Bakit absent ka kahapon?" Natatawang tanong nila Judy.


"Hindi kinaya, e." Natatawang sagot ko. Tinutukoy ang pagsisinungaling na may sakit talaga ako.


"E, kayo ni Lando? Kamusa?"


Umuling ako. "Hindi ko gusto ang paglapit niya sa akin, okay? Ganon din ang mga text niya."


Narinig ata 'yon ni Kim kaya lumapit din ito sa amin. "Si Kuya?"


Si Judy ang sumagot. Natawa rin si Kim. "Ganon lang talaga 'yon. Mapagbiro."


I just smiled. Kung ganon, hindi ko gusto ang biro niya. And she gave my number to her kuya without me knowing? Nakaramdam tuloy ako ng pagkairita kaya lumayo na sa kanila.


Sa kalagitnaan ng pags-serve ko, nakita ko ang isang batang babae sa labas ng transparent wall. She's holding a doll. Same doll of mine. Iba lang ang itsura ‘non. Sigurado akong same company iyon ng kay Uriel.


Matapos magserve ay pinanood ko iyong bata na nakikipaglaro sa kanyang manika. Her mom is busy calling someone on the phone. Ang doll na hawak ng bata ay kabaligtaran ng kay Uriel.


Uriel is neat in his skin. No damage or any scar. Sa fashion ay hindi nagpapahuli. While this doll is quite hot too because of the scar he got on the face. May pa band aid pa ito sa bandang ilong at bahagyang namumula ang gilid ng labi na parang galing sa pakikipagsapakan.


"Uy, kamuka ng doll mo!" Sambit ni Michelle sa bandang likuran ko.


"Same company lang siguro. Uriel doesn't have any scars on the face."


"Sabagay. Hindi ka pala nagp-post ng pictures niyo, huh?"


"He's sick." I answered na ikinatahimik niya. Kalaunan ay tumawa siya at napatakip sa bibig para hindi siya marinig.


"You said it as if he's really sick like a human." Tumatawa pa rin siya. "Pero sana nga tao nalang siya."


I mean different when I said that Uriel is sick. Common reason siguro ang naisip nito kaya siya natatawa.


Muli kong tinitigan yung batang babae. Ilang beses na pumasok sa isip ko si Uriel at para akong mahihilo matapos akong lukubin ng isip ko na nahihirapan siyang huminga sa loob ng box niya and that hurts me badly.


He's a doll, Cresia. Please stop thinking like he's a real human.


Sa gabi ring iyon ay wala akong naramdaman na kahit ano. Walang ingay o wala yung feeling na may nakatingin sa akin. My other dolls are also safe.


Mas lalo akong nakokosensya. But I still keep him inside for 5 days. Anika said that I'm just hallucinating things when we're calling each other on the phone. Gusto kong matawa dahil madalas ako ang nagsasabi non sa kanya noon. Mukhang baligtad na ngayon.


Sumapit ang day ko off ko which is Thursday. Tulad ng planong pagbalik sa kanya ang gagawin ko ngayon. I unsealed the bigger box I used at inilabas ang vintage box. Nang buksan ko ang box nito ay naroon pa rin siya.


"Are you sure, you're going to return him back?" Tanong ni Anika na nakatayo sa aking likuran. Siya talaga ang bumisita dito dahil mamimimiss niya daw si Uriel kahit hindi niya ito madalas nakikita.


Hindi ako nakasagot agad. Kalaunan ay tumango din ako nang para wala sa sarili.


"Just take care of him, Cresia. Like the way you used to do with your other dolls. Di 'ba, yung other dolls mo walang ginagawa sa'yo kasi alagang alaga mo sila." Nakangising sambit ni Anika na parang may buhay ang ibang manika para bigyan ako ng rason na i-keep si Uriel. "E, kay Uriel, baka naninibago pa sa'yo kaya ka ginaganyan. Parang crush lang. First day, ang sweet-sweet niyo mag chat, masasanay ka sa kanya tapos hahanapin mo yung nakasanayan mong ginagawa niya sa'yo."


"He's not a human, Anika."


"I know. Pero hindi ba't ikaw rin ang nagsasabi sa amin na you're treating them as if they have feelings too? I'm just being nice to the doll. I'm just being a supportive friend. Kasi binili mo yan ng pagkamahal mahal. Kung ayaw mo talaga sa kanya, una palang binalik mo na after mong malaman ang history niya."


Binuhat ko si Uriel at pinaupo sa upuan ko. Tinanggal ko ang damit pantulog nito na suot niya pa non saka ko siya pinunsan ng wet wipes.


"You were drunk at that time, Cresia." Pagpapa alala ni Anika sa akin sa nanggari. "Kung ayaw mo talaga sa kanya, sige ibalik mo pero nangako kang yan ang huling manika na bibilhin mo, right? So no dolls anymore. Nababaliw ka na, e."


"Natatakot lang naman ako na baka magparamdam na naman siya. Gumalaw na naman siya."


"He called, right? May sumapi man sa kanya. Cursed man siya o hindi. The fact that he said he won't hurt you then believed him. And oh right, the company said, wala silang nararamdaman because they are taking care of him really good. Tapos ano nga ulit yung sinabi mo sa akin noon? There's a breakfast made with Uriel that time noong nakita mo siya sa ibabaw ng oven. Malay mo peace offering niya 'yon para magbati na kayo! Ano ka ba!"


Natawa ako dahil mukha na ring baliw si Anika sa mga pinagsasabi niya. Kung ibang tao na siguro, baka ipinaalbularyo na si Uriel o sinunog. She's not that scared anymore. Iyong dolls na walang ginagawa, takot siya. Pero si Uriel na may ginagawa, gusto niya.


"You like Uriel, don't you? You have a crush on him?" Nakangising tanong ko na nginisihan niya rin pabalik.


"I'm just saying, noh! Dolls are dolls. Ikaw ang nanggulo sa nananahimik niyang buhay sa company niya. Mukha na nga akong tanga dito kaka-cheer na akala mo tao yang si Uriel. Naaawa lang din ako."


She has points anyway. I just need to take care of him. And then nothing will happen. Pinasalamatan ko si Anika for making me keep Uriel this time bago ito umalis.


Binihisan ko si Uriel sa bago nitong damit at isinabay ko sa pagkain.


"I'm sorry. Dapat hindi kita tinago doon." I said while eating with him. "Pero I'm taking care of you naman. Kaso bigla ka nalang kasing magpaparamdam. And how the hell did you came out from your vintage box? You also write. Nakakapagsalita ka rin."


Hinawakan ko ang kamay nito. Tinitigan ko iyon at iniisip na baka pwede iyong gumalaw pero walang nangyari. May katigasan ang kamay nito dahil sa resources na ginamit.


"Paano ka rin nakalabas ng kwarto ko?"


Kinausap ko talaga siya na parang tao hanggang sa matapos kumain. Habang naghuhugas naman ng pinakainan ay pinaupo ko siya sa may gilid ng sink hindi kalayuan para hindi siya mabasa.


Hindi pa rin ako mapalagay. I will always look at him kasi para siyang nakatingin sa akin. It's creeping me out too pero ipinagpatuloy ko parin ang paghuhugas.


Bago matulog ay pinaupo ko siya sa upuan na nasa tabi ng kama habang ako ay nagbabasa. Nasa kalagitnaan ako ng isang page ng libro when I remember Uriel. Tinignan ko siya at takot na kinuha. Itinabi ko siya sa akin at kinumutan habang nakasandal ang gilid ng katawan at ulo nito sa aking braso.


'Take care of him like the way I used to do with my other dolls.' Iyan dapat ang itatak ko sa aking isip para hindi siya magparamdam.


Nagpicture din kaming dalawa. Nilabhan ko kanina ang pantulog nito na agad natuyo dahil silk ang tela. Pagka upload ko palang ay pinagkaguluhan agad.


"Look. May fans ka na." Itinapat ko ang phone sa harap niya, ipinapakita ang dami ng hearts and comments doon. Kadalasan sa comment ay puro compliments.


Suddenly, someone calls. Hindi registered ang name pero alam ko ang number. Napairap ako dahil alam kong kay Lando ito.


"Hello?"


"Hi, Cresia. Hindi ka nagrereply sa mga text ko, ah?"


Nalaglag ang panga ko at napahilot sa aking sentido. Kailangan ba magreply ako? "Sorry. Hindi kasi ako nagl-load."


"Ganon ba? Andito pala ako sa labas ng bahay niyo."


"What?"


Agad kong dinampot si Uriel at binuhat ito palabas. I open the front door of my house at nakita nga siya sa labas ng gate.


"Lando? Anong ginagawa mo dito?" I asked, nakadikit parin ang phone sa aking tenga. Pinagbuksan ko rin siya ng gate. Labag man sa loob kong papasukin siya sa bahay ay ginawa ko parin. Medyo malamig kasi sa labas.


"Wow! Ang ganda ng manika mo." Komplimento niya.


Buhat buhat ko si Uriel na parang bata at iniharap kay Lando pagdating namin sa living room.


"Uriel, can you say hi? Hi!" I hold Uriel's hand at itinaas ito para maghi kay Lando.  Ngumiti ito at naupo sa sofang andito. Magkaharap kami.


"Bakit ka pala napabisita dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?"


"Tinuro ni Kim. Sorry kung bumisita na ako nang walang paalam. Gusto kasi kitang makita."


Napahigpit ang hawak ko kay Uriel, ramdam ko ang pagkairita. "Bakit gusto mo akong makita?"


Binalot ng kaba si Lando. Nakita ko 'yon sa kanya. Napakamot pa ito sa batok niya. "G-gusto kasi talaga kita, Cresia. Uh..."


Nagulat ako sa biglaan nitong paglapit ng upo sa aking tabi. Napa atras ako pero umurong ito papalapit sa akin.


"Baka pwede mo akong pagbigyan-"


I didn't let him finished what he's saying nang tumayo ako para maiwasan ang paglapit ng kanyang mukha.


"I'm sorry pero hindi kita gusto." Deretsahan kong sagot.


Natawa siya at napangisi ng bahagya. "Pag isipan mo muna, Cresia."


Hindi ko naman kailangan pag isipan pa. Paanong gusto niya agad ako sa pangalawang pagkikita namin? Isa pa, kumakapit pa siya sa pamilya niya tapos nakukuha niyang mag ganito.


"I'm really sorry." I said as I turn my back on him. "Ipagtitimpla kita ng tsaa bago ka umalis. Matutulog na kasi kami."


Napatungo ang kanyang ulo. Iniwan ko rin muna si Uriel sa pang isahang sofa bago nagtungo sa kusina.


Kailangan kong kausapin si Kim patungkol sa kapatid niya. Dahil kapag nagpatuloy pa ito, susumbatan ko na talaga si Lando. Hindi ako komportable.


I gave him his tea. Sa paglapag ko nito sa mesa sa harap niya ay ang paghila niya ng kamay ko para mapaupo sa kanyang tabi. Binalot niya rin ako ng braso niya para yakapin.


"Lando, anong ginagawa mo!" Pagpupumiglas ko sa yakap niya.


"Please, Cresia. Kahit isang pagkakataon lang."


"Let me go!"


But he didn't. Sa pagkat ay diniinan niya pa ako lalo. Nararamdaman ko narin ang pagiging malikot ng kanyang kamay.


"Lando, ano ba! Tulong!"


"Sige na, Cresia..."


Natigil siya nang makarinig kami ng pagkabasag sa may kusina. Ginamit ko ang tansang iyon para tumakbo papasok ng aking kwarto. Naabutan niya ang pinto bago ko masara ng tuluyan pero mas naiutalak ko ito at nilock.


Shit! I forgot Uriel!


Malakas ang katok sa aking kwarto na mas lalong ikinatakot ko. Lando keeps on shouting my name, scaring me more than Uriel can do.


Nag aalala ako na baka kung anong gawin niya kay Uriel. I’m nervous to open the door after getting my pepper spray. Plano kong tumakbo palabas pag nakuha ko si Uriel ngunit sakto ang pagkawala ng katok sa pintuan ng kwarto. Narinig ako ang papalayong takbo.


Nang wala na akong marinig na ingay ay saka ko pa lamang dahan-dahan na binuksan ang pinto at napansing wala na si Lando. Tuluyan akong lumabas dala ang aking pepper spray. Nakita ko nalang si Uriel sa may tapat ng front door, nakatayo, tinatanaw ang labas.


This time hindi ako nakaramdam ng takot na naroon siya. Hindi ako binalot ng kaba. Mas takot parin ako sa ginawa ni Lando kaysa ang paggalaw ni Uriel.


Lumapit ako dito at tinignan din ang labas. Roon ay nakita ko ang nagsisigaw na Lando palayo sa bahay na para bang may humahabol sa kanya.


Tinignan ko si Uriel at dahan dahan itong binuhat.


Did he just move or do something para matakot ng ganon si Lando?


Nagulat pa ako sa biglaang pagkakauntog ng ulo nito sa aking balikat malapit sa aking leeg.


"G-good job, Uriel. T-tama lang 'yon. Wala kang kasalanan." I said as I rub his back at inilock ang pinto. Agad akong tumawag sa emergency station at nagsabi ng report sa lalaking nangangalang Lando Cabrera.

Benz Series 1: Uriel The DollMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon