Kabanata 4

2K 155 21
                                        

Anger


Hindi na naman ako nakapasok sa trabaho dahil tinawagan ako sa police station para makapag bigay ng paliwanag sa nangyari. Hindi raw kasi nagsasalita ang suspect at parang wala sa sarili. Kasama rin ang pamilya ni Lando ang nakaharap. They didn't said anything about it. Hindi rin nila ipinagtanggol ang anak. Mukhang gawain na niya ang mambastos ng babae matagal na.


"You can check the CCTV's." Malakas na loob kong sabi para mas maniwala sila. Alam kong nagkalat sa mga poste ang mga CCTV at napatunayan nga na galing si Lando sa bahay. Our house is located in a secured village. Tahimik pero may mga CCTV naman.


"T-tumawa yung manika." Lando said, trembling in fear. Kumunot ang noo ko. Ang dalawang police naman ay natawa sa winika nito.


"We'll give him a free drug test para makita kung under drug influenced itong si Lando Cabrera."


We nodded. Hindi na ako nagfile ng kaso sa ginawa niya sa akin kagabi. Mas naaawa kasi ako sa pamilya niya. Pero kung lumabas na positibo siya sa drug test, wala na akong kinalaman sa gagawin nila sa kanya. Kahit si Kim ay nagext at nagmakaawa na hwag ipakulong ang kuya niya.


When I got home, nagluto agad ako ng pang lunch ko. I went there around 7 earlier at hindi ko aasahan ang tawag nila kaya hindi ako nakapag agahan. Ngayon pa lang ako babawi sa pagkain.


Naalala ko ang sinabi nitong narinig niyang tumawa ang manika. Is that true? Nakita niya rin kayang gumalaw ito? I think nakita niya kaya takot na takot siya at hindi siya makapagsalita ng maayos kanina. Dahil sa akto niyang 'yon, inakala tuloy ng mga police na naka drugs siya.


"Thanks, Uriel." Sobrang lawak ng ngiti ko. Nakipag shake hands pa ako dito habang nakaupo siya sa isa sa mga upuan dito sa hapag kainan. Bahagya ko siyang iniharap sa akin. "Sabihin mo nga sa akin. Did you laugh to scare him?" Tanong ko.


Uriel didn't move. Of course he won't pero hindi parin ako tumigil. "Or, did you move a hand? Umikot ba yung ulo mo?" Natatawang tanong ko. "Did you walk and roar, something like that, to scare him? Hahaha!" Nailing nalang ako at ipinagpatuloy ang aking pagkain.


"But whatever it is, you did a great job. Dapat nga talaga lagi kitang isasama para wala ng lugar na delikado. Baka pati multo matakot din sa'yo."


Pinahiga ko si Uriel sa kama after lunch. Siesta time! Ako naman ay nasa tabi niya at nagtitingin ng mga damit na babagay sa kanya sa website ng company niya. "I think, kaya ko nang bilhin 'tong isang pair. Black jumper short with white blouse tapos black shoes. Magmumukha kang cute na student kapag sinuot mo 'to. Pero magastos sa shipping fee. Kaya siguro, hihintayin ko na lang na makaipon ako para mabili ko ngan minsanan lahat." Nilingon ko siya at naalalang pinapatulog ko nga pala siya. "Okay, never mind. I'm sorry I'm too noisy." I said as I continued scrolling.


Napunta naman ako sa mga accessories nito. "OMG, Uriel! I'm sure bagay 'tong black pentagon necklace sa'yo. It looks expensive nga lang pero bibilhin ko 'to-" I bite my lower nang biglang parang nahulog ang ulo nito patagilid, paharap sa direksyon ko. Nakaramdam parin ako ng takot at kaba ngunit ngumiti nalang ako. "Okay. I will not talk anymore. Have a good sleep."


Isinara ko na lang muna ang laptop ko at itinabi. Baka mas lalo lang akong kukuda kapag namili ako ng mga damit niya. Sa pagod ko rin naman ay nahiga na din ako para matulog. Sa tuwa ko dahil sa ginawa ni Uriel ay niyakap ko ito tulad nang ginawa ko noong unang araw na nabili ko siya.


The moment I wake up, nagulantang ako sa lapit ng mukha ko sa manika. It's still scary kahit na hindi naman ginawa ang mukha niya para manakot. Idagdag mo pang nakaharap ang mukha nito sakin.


"I shouldn't be scared, right?" Naiiling na tanong ko sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakakumot sa sarili at nama alam kay Uriel na magluluto lang ako for dinner. Sa pagbukas ko ng phone, nakita kong maingay ang GC namin. They were talking about Lando.


Kim: Weird ni kuya. Narinig niya daw na tumawa yung manika ni Cresia.

Judy: Guys, h'wag kayong ganyan, anong oras na. Gabi na, oh!

Kim: I'm just saying. Kahit ako natatakot kay kuya sa mga pinagsasabi niya.

Ian: Makukulong ba siya?

Kim: No, hindi nagsampa ng kaso si Cresia at negative din siya sa drug test result.


Hindi na ako nakisali pa sa usapan nila. I hope Kim is not mad at me pero wala siyang karapatan magalit kung sakali man. Sana pagsabihan nila si Lando na h'wag nang uulit pa.


Sumandal ako sa sink habang inihintay na maluto ang Adobo. Sa sunod-sunod na pagtunog ng chat messenger ko ay sinilent ko 'yon.


Malamang bukas ay paguusapan nila kung anong pinagsasabi ni Lando sa manika ko. Na tatanungin din nila ako kung totoo ba ang sinasabi nito. Of course I would say no. O, baka idaan ko sa biro dahil ayokong manakot.


Alam na rin ng parents ko ang nangyari. Hindi ko sinabi sa kanila pero baka sinabi ni Anika na una kong pinagsabihan kaninang umaga. Hindi naman ako palatago ng bagay-bagay sa kanila pero madalas ay hindi ako nagsasabi para hindi sila mag alala.


Inihanda ko ang mga pagkain sa mesa. I was about to go back to my room when I heard footsteps and some chuckles. Tumaas ang mga balahibo ko sa batok at braso. I thought Uriel won't scared me this way if I will be taking care of him? May ginawa ba ako?


"Cresia..." The boy continue to chuckle. Napakuyom ako ng kamao, pinipigilan na manginig ang kamay at tuhod.


"Don't play when it's night, Uriel. Kakain na tayo." I said and the noises stops that fast. Naisip ko na kung hindi totoo ang mga pagpaparamdam nito, ano ‘tong naririnig ko ngayon?


Dahan dahan kong nilakad ang distansya papasok ng room at nakitang nakatayo na si Uriel sa may pinto, tila hinihintay ako. I lean forward and carry him. "G-good boy." I trembled.


Pinaupo ko siya sa isa sa mga upuan at tahimik kong sinimulan ang pagkain. "You're shy, huh? Ayaw mong nagpapakitang gumagalaw ka kapag may nakakakita sa'yo?"


I stare at him. Nakita kong tabingi na ang mata niya sa loob kaya naman binuksan ko ang split lock nito sa likod ng kanyang ulo na natatabunan ng wig at inayos ang pagkakadikit ng eyeball sa loob. "It hurts?" Nakangusong tanong ko. "Sandali na lang." I said as I fastly return the eye and the part of the head. Inayos ko ang buhok nito at hinimas 'yon.


"Do you want me to get you a girlfriend?" Nakangising tanong ko. Naisip ko lang na cute ang ganon. "You know Victoria? She's from the same company as you. She's pretty and smart. According sa trait, magaling ito sa classical instrument. She can play piano. Do you like that?"


Muli ko siyang tinignan, nag aabang sa sagot pero nang hindi ito gumalaw ay ngumuso ako. "I'll wait for your response. If you want it it or nah, give me a sign."



~~~

"He really said that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Anika sa kabilang linya habang katawag siya. Katatapos lang namin kumakin at ngayo'y naglalagay ng lotion sa aking hita matapos mag half bath. Si Uriel ay nilinisan ko na rin kaya mas nauna na siyang nakaupo roon sa kama habang nakaharap sa direksyon ko.


"Oo. Kinabahan pa nga ako pero naisip ko, sinong maniniwala sa kanya?" Tukoy ko kay Lando.


"Yeah, right." Natawa din ito kalaunan ay nagseryoso.  "Pero totoo? Okay, hindi kasi ako naniniwala nung sinabi mong gumalaw si Uriel pero may iba nang nakakita. Nagtatayuan ang mga balahibo ko."


"I told you. He's drifferent."


"Did you really read all of the information about Uriel?”


Sandali kong sinuklay ang aking buhok. Nang matapos ay nagtungo na rin ako ng kama at gumapang palapit kay Uriel. Tinabihan ko ito at ipinatong ang aking kamay sa kanyang ulo para himasin ito ng dahan-dahan sa paraang hindi matatanggal ang kanyang wig.


"Oo naman. Nagsabi narin ng ibang information yung mananger. Tignan mo, kung hindi sinabi na tatlo na ang former owner ni Uriel, hindi ko pa malalaman. Dalawa lang kasi yung andon sa list."


"Wow... He's really creepy." Parang nanghinang sabi nito.


"But he saved me from near-raped."


"Right. And, you should be grateful. Kaya h'wag mo nang ibalik 'yan. Kung nagpaparamdam talaga siya as long as hindi ka niya sinasaktan, it will be okay."


Natapos ang usapan namin nang iniisip ang ginawang pagpaparamdam ni Uriel kanina. Ang tawa niya at ang mga yabag niya ang naririnig ko. But, he's 26 already.


Hindi ko alam kung bakit napunta ako sa google para maghanap ng mga cases about a childish act of a human. Often times, normal pero kapag kinulang talaga ang isang tao sa mga bagay na dapat ginagawa ng isang bata, hahanapin niya ito sa pagtanda.


Is that why, he wants to play?


"Pero bakit kailangan mong magbigay ng mga bangungot sa amin, Uriel? You're creepy for doing that. Hindi bagay sa'yo."


Naghanap pa ako ng ibang factors pero magkakaparehas na ang resulta sa bandang huli ng mga statement. Lack of child experience. Those funs that a child must do.


"Then what are those things you want to do? Gagawin natin 'yon, kapag... nagparamdam ka na." Bahagyang pagbitin ko. "Hindi naman pwedeng maglaro tayo nang ganyan ka. I mean, hindi gumagalaw."


Nang mapagod kakahanap, saka palang ako nagdesisyon na matulog. Gusto ko sana makayakap ang isa sa malambot kong manika but I remember the nightmare nang makita kong sira-sira si Miranda. That's too horrifying.


Sa umaga ay hindi ko inaasahan ang pagdating ng mga packages na hindi ko inaasahan. "Para sa akin 'to, kuya?"


"Opo. Cresia Smith nakalagay. ka'yo po 'yon,’ diba? Alam kong kayo 'yon, ako rin po kasi nagdeliver noong nakaraang linggo, ma'am."


My phone rings while in the middle of my shocking moment. Hindi ko alam ang mga laman ng mga ito. When I saw that the caller was the manager from Uriel's company, agad ko itong sinagot.


"Ms. Smith, natanggap mo na ba?"


"So, these packages right here is really mine?"


"Yes, Ms. Smith. Mga gamit iyan ni Uriel."



Laglag ang panga ko sa narinig. A single pair of clothes of a doll from their company can cost a lot. Bigla akong kinabahan at naisip na baka pumirma ako sa contract online na patungkol sa pwedeng pagbabawas ng pera ko para sa needs ni Uriel. Pero wala naman akong naaalalang ganon.


The manager laugh. "All of that are free. Wala kang babayaran Ms. Smith."


"Pero bakit?" Tanong ko habang pimupirma sa receiver’s sheet.


"It's been a week nang mapunta sa'yo ang manika. We decided na kapag nagtagal sa'yo ang manika, we'll give his other items na exclusively for Uriel only. And I hope na hindi ka tutulad sa iba na ibabalik siya."


"I still don't understand."


"Suhol yan, Cresia, para hindi mo na ibalik si Uriel at mas maenjoy mo ang mga items niya."


Namaalam na yung nagdeliver at nag end narin ang call habang ako ay lutang.


Napalingon ako sa may kwarto nang makarinig na naman ako ng tawa. It's morning anyway at hindi ko ramdam masyado ang takot. Siguro dahil na rin sa mga natanggap ko ngayon.  Hindi ganon kalakihan ang mga boxes kaya naipasok ko sila nang hindi nahirapan. There's 5 boxes all in all. Mamaya ko na lang bubuksan pag uwi ko.


"You have new items, Uriel." Sinilip ko siya sa may gilid ng pinto, nagbabakasali na pwede ko siyang mahuli but he was just in the bed, unmoving. Napanguso na lang ako at naghanda papasok sa trabaho. Sa living room ko din siya pinaupo para makita ko siya agad pag uwi.


"I have to go, Uriel." I said as I kiss him on the head for goodbye before leaving.


Hindi nga ako nagkamali sa naisip ko kagabi pagdating ko sa Resto bar. Ang daming lumapit at kumausap sa akin. Actually, sa may locker area pa lang ay kinakausap na nila ako. Ang iba ay nagbubulungan tungkol sa nangyari.


"We know, Cresia. Tahimik lang naman siyang babae at hindi lapitin ng lalaki kaya naniniwala ako sa kanya." They said. Mabuti at ganon ang pananaw nila sa akin.


"Ano, okay ka lang?" Tanong ni Judy. Lumapit na rin si Kim na nakanguso.


"Sorry sa ginawa ng kuya ko."


"Wala kang kasalanan." I said back, smiling sincerely.


"Anong ginawa mo sa kanya? Paano ka nakatakas sa kanya?" Judy asked. Pinagplanuhan ko kagabi ang isasagot ko kung ano nga bang ginawa ko para makatakas kay Lando ngunit naunahan ako ni Kim.


"Tumawa daw si Uriel."

"Hindi ako naniniwala diyan." Si Judy.

"Ganon ang sinasabi niya. Hindi narin siya makatulog sa gabi."


Palihim akong napangisi. Buti nga sa kanya. Tinignan ako ni Judy ngunit nagkibit balikat lang ako. "Manika si Uriel, naniniwala kayo doon?"


"Hindi. Pero paano ka nga nakatakas?"

"Pinaligo ko sa kanya yung pepper spray." I lied.


"Pero doon daw sa CCTV, nakitang tumatakbo si kuya." Kahit si Kim ay naguguluhan na. "Ganon siya katakot sa pepper spray?"


"Kasi nga akala niya narinig niyang tumawa si Uriel. Natakot siguro. Kung 'yon ang paniniwala niya, wala na akong magagawa. Alangan dalhin ko rin sa presinto yung manika?"


It's good na hindi na sila nagtanong pa. Ayoko rin namang sumagot pa. Hangga't kaya kong itago ang tungkol sa nalalaman ko kay Uriel, itatago ko. Baka pagkainteresan siya ng tao at ilayo sa akin.


"Plano kong ipasyal si Uriel. Anong pwedeng gawin?" I asked Michelle in the middle of resting for a while. Ito kasi ang may boyfriend at ma alam sa mga lugar.


"Id-date mo yung manika?"


"Ipapasyal ko lang. Mamamasyal ako mag isa, isasama ko lang siya." Parang napapagod na paliwanag ko. Lahat na lang may mali basta sa ganitong bagay. Pati ba naman sa manika.


"Mag picnic kayo. Hindi naman gumagalaw yang si Uriel, diba? Picnic kayo ganon. Tapos sa gabi mag star gazing kayo."


"Hmm..."

"Ah, itong darating na December 24, may pa fire works sa gabi. Picnic kayo sa umaga. Nood kayo ng fire works sa gabi tapos saka kayo mag Noche Buena."


Tumango tango ako at inalala lahat ng sinabi niya. Naalala kong kasama ko lagi magpasko ang pamilya ko kaya dadalhin ko si Uriel sa family house namin sa ayaw o sa gusto nila.


When I got home after work, saka ko pa lamang binuksan ang mga boxes. Naglalaman ito ng mga damit. Most of Uriel clothes are formal. Puro coat, vest and blouse na akala mo uniporme ng isang CEO. Mayroon din itong mga casual clothes. He really likes black. Ang mga jeans nito ay black o kung hindi plain black, ibang kulay man basta dark. Mahilig din ito sa turtle neck at corsets.


"Ang cute!" Nasabi ko matapos makita ang cat-ear's hair band nito na black. Mayroon din siyang Black wings. Mukhang costume ito for every Halloween.


Sa excited ko na ipasuot ito kay uriel, lumalabas na naman ang pagka fangirl ko sa mga manika. Pinasuot ko kay uriel ang black hair band at kinuhanan siya ng pictures.


May mga accessories din ito. Most of them are necklaces. Habang nilalagay ang necklace sa kanya na may pendant na pentagon, nakita ko ulit ang papel na nakaipit sa pantalon nito. Kinuha ko 'yon at binasa.


'You promised. No dolls anymore after me.'


This is a 'no', then? Oo nga pala, nangako na akong ikaw na ang huling manikang bibilhin ko.


Nang tignan ko ang likod ng papel ay may nakasulat ulit dito.


'I hate you for having a lot of dolls.'


Hindi ko alam kung bakit tinakbo ko ang kwarto. Biglang sumama ang kutob ko. At hindi nga ako nagkamali. Dahil pagbukas ko ng pinto ng kwarto, tumambad sa akin ang sira-sira kong manika.

Benz Series 1: Uriel The DollMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon