Kabanata 28

1.4K 86 9
                                        

Damon Kid Version




Relief. That’s what I felt when he let me gets emotional in front of him. He listen when I cried with his warm palm rubbing my back. Ang mga bagay na ‘yon ay hindi ko masyadong nakikita sa kanya. I did remember once when I got nightmare back when we’re still staying in his old house. He look for a word onlind he can use to help me feel okay. He also hugged me that night.


Damon Silver. I wish he always be this kind of man. Sana ay aware siya sa ganitong side niya dahil iyon ang tama. Iyon ang nagugustuhan ko. He said he’s already under treatment at ako ang kailangan niya para maging maayos na siya. I want to know if his doctor told him to kidnapped someone who can help him heal better. At sa kasamaang palad ay baka ako ang naisipan niyang kidnappin.


“Let’s eat.” Aniya na agad kong tinanguan. Mas nanguna siya sa pagpunta sa hapag kainan. Nakita kong naka handa na doon sa lamesa ang masasarap na pagkain. Kahit hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom ay umupo pa rin ako sa madalas kong inuupuan. Magkaharap kaming muli.


“Sa susunod ay sasama na ako sa tuwing gusto mong lumabas.”


Kumunot ang noo ko pero hindi ko ‘yon ipinahalata sa kanya. The only reason why I’m leaving this house is to meet his twin brother, Damien. To talk with him. To hear possible and wise advices I can do to heal Damon in a nicest way. Hindi iyong ganitong parang sa kanya lagi umiikot ang mundo. Na porket nagpapagaling siya, kailangan makinig ng tao’ng naka paligid sa kanya. Hindi pwedeng ganon palagi.


“Okay lang din naman akong mag-isa.”


We start eating. Tanging ang tunog ng kubyertos ang naririnig ko. Pinakatitigan ko siya ng pailalim sa kanyang pagkain. Malinis. Hindi niya hinahayaan na dumikit ang pagkain sa labi niya.


“Gusto ko sanang malaman kung nasaan ang parents ko.” Sambit ko sa kalagitnaan ng pagkain naming dalawa. Bahagya niyang itinaas ang ulo para tignan ako. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano dahil sa sinabi ko.


“Why?” He ask and gets back eating.


Parang may kung anong tumusok sa puso ko. Gusto ko lang malaman kung nasaan ang mga magulang ko. So at least I have an idea kung ligtas ba sila. Are they still staying in our house?


“I sent them somewhere… out of this town. Don’t worry, I told them I’ll take care of you.”


Knowing Dad. I know he’ll get mad at that. Malamang ay may sinabi siya para pumayag si Daddy. And that is of course — maybe blackmailing them and to just shut up or to never let anyone else know that I was with him nang sa ganon ay papayag ang mga ito sa kahit anong sabihin nito kapalit ng kaligtasan ko.



“I want to know where are they. Is it okay kung kausapin ko sila? Kahit sa call lang.”



He lift his head again. Umiling siya nang marahan at bumuntong hininga. “You will not going to talk to them. I will not let you.”


“Why?”


“Baka talikuran mo ako ulit at umuwi sa kanila.”


“I will not—”


“I’m not going to let you call them.”


Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay parang wala na itong pake-alam na ipinagpatuloy ang pagkain. They’re my family though. He still thinks I’m leaving him once I called my parents? He’s marrying me this week for Pete’s sake! Baka nakakalimutan niya.


Galit akong nag tungo sa kwarto ko matapos naming kumain. Kung kanina ay kalmado na ako sa ginawa nitong pagc-comfort sa akin, ngayon ay galit na ulit ako. Ang hirap pa rin kunin ng loob niya. Akala ko ay malaya na akong sabihin anuman ang gusto kong sabihin at irequest sa kanya. Pero mukhang hindi ganon. Sa bagay, bigla nga naman akong bumait din sa kanya. Bigla akong nag act na okay na ang lahat sa amin. He must be confused. Iniisip niya siguro na may pinaplano ako.


Napaupo ako sa talim ng kama at napahilamos sa mukha. I’m starting to think things that might go wrong.


Tinignan ko ang bag ko. Andoon ang spray na dala ko. I look around to see if there’s a camera. Nang makitang wala naman ay saka ako lumapit sa pinto para isara ito ng maigi at ilock ng maayos. Saka ulit ako lumapit sa bag ko para kunin ang spray na bigay ni Damien sa akin kanina.


“Gosh!” Napasinghap ako ng hangin dahil sa tunog ng notification na nag pop sa window panel ng phone ko. Someone added me on my new social media account. Babae. Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya kilala pero inaccept ko na rin. Wala rin naman akong friend na inadd sa account na ‘to.


Ngunit mas lalo akong nagulat matapos akong makatanggap ng tawag galing sa babae’ng ‘yon na inaccept ko. Hinayaan ko yon na mag ring hanggang sa mawala rin ito. Until a message pop on its messenger.


Jessica: It’s me.


Nanlaki ang mga mata ko. I didn’t know who’s Jessica but I feel like she’s not Jessica either. Muling tumunog ang phone ko tanda ng pangalawa nitong pag tawag kaya naman sinagot ko na iyon.


Nang itapat ko ang phone sa tapat ng aking tenga ay ang kalmadong boses ni Damien ang narinig ko.


“Surprise.”


Natawa lang ako sa sinabi niya. Umirap din ako at ni loud speaker ito para makapag palit ng damit.


“Bakit napatawag ka?”


“I’m just checking kung naka uwi ka na.”


My forehead knelt with what he said. Nilingon ko rin ang phone na nakapatong sa aking kama. Natigil din ako sa paghahanap ng bagong damit.


“That’s new.” Takang sabi ko.


“It’s not. I’ve been trying to protect you from my twin brother. Nagkataon lang na nakuha ka niya ulit.”


Napangisi ako roon. Oo nga pala. Siya ang police officer na siyang nakatoka sa akin at sa kaso ko. Pero na drop na ang case.


“I’m home. Tapos na rin akong kumain, in case you’ll ask if tapos na rin ba akong mag dinner.”


Nag bihis ako sa bagong damit. I heard him laugh. Dinala ko ang phone sa banyo para makapag toothbrush ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya. I just wish Damon will not ask one of the maid and tell me to sleep with him tonight. Masama pa rin ang loob ko.


I told him what Damon said about me wanting to at least have a simple talk with my parents kahit sa call lang sana. Tapos na akong mag sipilyo ay nakatingin pa rin ako sa malawak na salamin na nasa sink.


“Kahit sana konting oras lang ay pagbigyan niya ako. “ Malungkot na sabi ko. “Pero wala pa rin siyang tiwala. He maybe thinks I’ll run away once I had a communication with Mom and Dad.”


I heard him a sigh. Muli kong dinala ang phone para bumalik sa kama.


“Have you tried asking Manager Arevalo?”


Napatitig ako sa screen ng phone kahit na wala naman doon ang mukha niya. Oo nga pala! Baka may alam siya kung saan nakatira ang parents ko.


“Hindi pa. But I will ask her.”


“And you think, she’ll just tell you that easily?”


“Yes. Tulad ng una kong ginawa sa kanya.”


“What? Anong unang ginawa?”


Kwinento ko sa kanya ang ginawa kong pamb-blackmail kay Brina para sabihin ang ilang nalalaman nito tungkol kay Damon. Kung paano sila nagkakilala at syempre ang tungkol sa plano ng parents ni Hailey.


“You really blackmailed her?”


“Yes.”


“At kapag nalaman ‘yon ni Damon. Sa tingin mo maniniwala siya sa’yo sa kung ano pang sasabihin mo?”


Napahilot lang ako sa aking sentido. I have a plan with that of course. Pero hindi ko alam kung bakit napakasama ng naiisip ko. Na kapag nalaman ni Damon na blinackmail ko si Brina para sabihin sa akin ang lahat, I will fake my actions — hurt myself and tell him Brina is lying. Parang sa ganong paraan ay maniniwala siya. Napailing ako. Ano ba ‘tong pumapasok sa isip ko.


“Feeling ko alam ko naman ang ginagawa ko.”


Nag usap pa kami ng ilang sandali bago mag end ang call. Dinalaw rin ako ng antok pagkatapos. Mabuti ay hindi ako pinatawag ni Damon para matulog sa kwarto niya.


Damon is not around when I woke up. Mag isa kong nag umagahan and I didn’t expect Brina to be here with a flash drive and some printed papers, nakahalo iyon sa mga pagkain na dinala niya na nakapaper bag para hindi makita ng iba.


“As what I told you. There’s some videos of him. You can watch it.”


Bumuntong hininga ako at payak na ngumiti sa kanya. She didn’t smiled back. I know she’d mad. But still, I appreciate her for giving this to me.


“One last question.” I said. Pagod siyang bumuntong hininga at tumingin sa akin, hinihintay na magsalita ako. “Alam mo ba kung saan niya dinala ang mga magulang ko?”


“Bakit? May balak ka bang puntahan sila?”


“Masama ba ‘yon? I’m their daughter.”


“You should ask Damon.”


“He doesn’t want to tell me.”


Tumitig lang ito sa akin. I missed them already. At sana naman sabihin niya kung ano ang nalalaman niya. Kahit papaano ay nag-guilty rin naman ako sa ginagawa kong pangb-blackmail sa kanya kaya ayokong gawin na naman ‘yon para sabihin niya sa akin.


Magsasalita pa sana ako nang unahan niya na ako. “Damon will show some signs if he trusted you already. Isa na ang bagay na hinahayaan kang lumabas at magpunta kung saan mo gusto. Kapag sinabi niya kung nasaan ang mga magulang mo o pwede mo silang tawagan, that means, unti-unti na ring bumibigay ang tiwala niya.”


Gusto kong matawa sa tinuran nito. Umalis si Brina nang wala ng paalam. Sino ba sa tingin nila ang tinutuloy ko? It’s my parents! I don’t need to gain their trust dahil anak ako ng mga tatawagan ko! May karapatan ako. Sila dapat ang wala, e! So, may law na ba ngayon na bawal silang tawagan? For what? Mas lalong umusbong ang inis ko na kagabi pa nagsimula. Mahigpit kong kinuha ang mga papel at flash drive saka ako muling nagtungo sa kwarto ko para mapanood ang mga ito. Hindi ko na naisip na mag umagahan.


Ikinabit ko ang flash drive sa laptop. There are 3 MP4 files. Una kong pinindot ang nasa unang list. Kumunot agad ang noo ko matapos makita ang isang bata. He has this blonde hair. He’s wearing a formal suit. Para itong namumuhay sa Victorian era dahil sa pananamit. And, I know this is Damon already. Dahil hanggang ngayon naman ay ganito siya manamit. In a modern way nga lang.


He’s playing a piano. Hindi ko alam kung saang lugar ito. Pero parang luma ang mga gamit doon. The whole place color is vintage. Tugmang tugma ito sa suot ni Damon. Mga nasa edad 9 years old siguro siya dito. He was already that tall back then. Clean cut hair with silver accessories kahit sa corset nitong suot.


Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinapanood siya. He’s good at playing the piano. Pagkatapos ay nag iba ang transition ng video. Nagp-play siya ng piano pero maya maya lang ay kinuha niya ang isang crowbar at pinukpok ito. Halos mabingi ako sa nagagawa nitong ingay. Damon is shouting in anger. Nang magsawa kahahampas sa piano keys ay tumigil din ito, hingal na hingal. He cried later on. Tinawag niya si Brina at tinuro ang piano. Para siyang nagsusumbong dahil may sumira ng kanyang piano.


Brina then take care of it.


Muling nagbago ang setting ng lugar. They’re in a park already. Hawak ni Brina ang camera and she’s speaking in Spanish. Maya maya ay nalaglag ang camera dahil may narinig itong umiiyak na bata. Naging blurred ang lahat hanggang sa umayos. The lense of the camera is now focusing on Damon. Basa ang pisngi nito at sa hindi inaasahan ay bigla niya nalang tinulak iyong lalaki na kasing edad niya pero mas malaki ang katawan sa kanya. The kid gets mad and he push Damon too. Nayayabangan ako doon sa isang bata. Papagitna na sana si Brina nang ilabas ni Damon ang kung ano sa bulsa, parang isang small weapon. With no emotion, he then click a thing on that weapon at nakita ko nalang na may tumusk sa tuhod ng tumulak sa kanya. That boy is crying at mas lumakas pa iyon nang dumugo ang bandang tuhod nito. Nagkagulo doon.


Halos mapatakip ako sa aking bibig. Pinause ko na muna ‘yon dahil parang hindi ko kayang tapusin ang lahat. Nang makabawi ay muli akong nagpatuloy.


Damon is swimming in a public pool. Siya ang may hawak ng water proof na camera ngayon. He’s with his doll. Iyong ordinaryo na doll na nakikita lang noon. Parang tao kung kausapin niya rin ito. Until someone is flashing water into him. Binabasa siya nito.


“Stop.” Damon said in a nice way. Pero hindi tumigil ang mga bumabasa sa kanya ng tubig, mas nagsilapitan pa nga ang mga ibang kaibigan nito at binasa siya. Damon tries to cover his face para hindi matalsikan sa muka. “I said stop.” He remains being calm.


Nang hindi tumigil ang mga nambabasa sa kanya ay inilubog nito ang sarili. And the next thing he did is a nightmare for me.


Hinila niya ang isa at nilunod sa ilalim. Bumagsak ang camera sa pool floor pero nakita ko ang ginagawa ni Damon. Ang ibang mga kaibigan nito ay hinihila siya pero hindi ito nagpatalo. After non ay kinuha niya rin ang lumubog na camera at saka umahon. Ang mga parents ay nagkakagulo dahil sa nalunod na anak. Wala na halos itong malay. The other kids were so afraid to speak up what they saw. Hindi man nakikita si Damon sa camera, alam kong ang mga bata ay sa kaniya nakatingin at kita ko ang mga takot sa mata nila. The parents thought that the other kid got drowned alone.


Marami pang ganong klase ng mga videos. Kung saan nabibiktima niya ang ibang bata kapag hindi niya nagugustuhan ito. Tinapos ko yon hanggang huli.


Nang mapunta ako sa pangalawang file ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko. It’s Damon and Damien. Guards were trying to take Damon away palabas ng bahay at pilit na ipinapasok sa loob ng itim na kotse. The 9 years old Damien is crying. Trying to protect his twin. Gusto niyang sumama. Mukhang ito yung araw na ipapadala si Damon sa Spain.


“Mom! Dad!” Damien shouted in fear and anger. Hawak pa nito ang may kahabaan na baril na laruan. Nang walang sinabi ang mga magulang ay ibinato nito ang laruan. Ang itim na sasakyan ay umalis din bigla. Damien tried to follow. Hinayaan nila itong tumakbo pero hindi pa rin naman siya nakahabol.


Parang mawawasak ang puso ko sa nakita. Muli kong binalikan ang video kung saan buhat buhat ng kga guards si Damon at wala man lang itong emosyon sa mukha pero patuloy ang paglabas ng luha. Parang hinayaan niya nalang ang sarili sa kung ano mang magiging desisyon ng parents niya sa kanya.


Hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ‘yon kaya isinara ko ang laptop. Being with Damon is so sick. Nagbabago nalang bigla bigla ang nararamdaman ko sa mga bagay na nalalaman ko sa kanya. At kahit pa gaano ako kainis sa kanya ay agad iyon napapalitan ng awa.


Dinampot ko nalang ang phone sa aking mesa. Active ang dummy account ni Damien kaya tinawagan ko ito. He answers right away. I told him to meet me somewhere. Gusto kong magpahangin.

Benz Series 1: Uriel The DollMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon