Love
I can’t believed we’re heading now to their home. The Silver’s home, kung saan nakatira si Damien Silver na dati na ring tirahan ni Damon Silver. How long has it been for him? Does going back there would fill the emotion he’s been longing? Once we get there, would it still be empty for him? Would it still be lonely for him? Hearing Damien saying he missed his twin brother earlier makes my heart ache for both of them. Alam kong nahihirapan si Damon at mas napatunayan ko ‘yon nang mapanood ko ang mga video na ibinigay ni Brina sa akin. Pero alam kong nahihirapan din si Damien. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nag aalala siya para sa kapatid niya. And when he told me he was proud of him the moment Damon took the position of being the CEO of Benz doll company, I knew it’s true. Ramdam ko rin ang lungkot nito sa tuwing binabanggit ang kapatid. He must really have missed him so much.
Now that I remember about the video, Damon’s aware of what I did to Brina. Pumayag siyang ibigay sa akin ang mga information na hinihingi ko. Pumayag siyang mapanood ko ang mga video na ‘yon. He’s that strong to make me watch and know all of it. It’s his past and it’s a trauma for him. Ngunit pinili niyang ipakita sa akin ang lahat ng ‘yon. Kung ako siguro ‘yon ay baka nagalit ako ng sobra-sobra dahil mas pipiliin kong itago ang mga ‘yon at hindi hahayaan na ipakita pa sa iba.
Nakaramdam ako ng guilt sa ginawa kong ‘yon but at the same time, I’m being proud of him lalo na ngayon. Hindi ko alam kung tinanggap niya ba ang offer ni Damien na umuwi ito sa bahay dahil gusto talaga nito o dahil lang sa nangyari ngayong gabi for everyone’s safety.
“Sinaktan ka ba ni Jenna?” Tanong ni Dad sa akin na siyang nasa tabi ko ngayon. Nasa isang tabi ko rin si Mama at katabi naman nito sa dulo si Anika na parang wala rin sa sarili. Siguro ay shocked sa lahat ng mga pangyayaring ito. The four of us are in the back seat. Nasa harap naman ang isang guard na kasama namin at ang driver. Gusto akong makatabi kanina ni Damon pero gusto ko ring makatabi ang parents ko. Naintindihan niya naman ‘yon kaya naman naroon siya sa isang kotse kung saan si Damien at Brina.
“Hindi po. Kayo po, ayos lang kayo?”
They both nod. Mahigpit na hinawakan ni Mama ang kamay ko at kita ko pa rin ang basang mga mata nito.
“I’m sorry for all of this mess.” I felt guilty. Hindi ko alam kung bakit ko sinisisi ang sarili. Kaya naman nila nararanasan ito ay dahil sa akin, e. But at the same time, naiisip ko na kung hindi ko binili si Uriel ay hindi ko makikikilala si Damon. Pero hindi ko rin naman ginusto na humantong ang lahat sa ganito.
“Hindi mo kasalanan ‘yon.” Father said in a concerned tone. “Ang mahalaga, ligtas na tayo ngayon.”
Tumango na lamang ako at parehong hinawakan ang kamay nila. Sa ilang minuto lang na byahe ay naging tahimik na kami. Ramdam ko ang pagod sa amin. Lahat kami ay gusto nang magpahinga. Nang icheck ko ang oras doon sa front seat ay nakitang alasdos na pala. Tila napakahaba ng gabi.
Nadatnan ko ang sarili kong sumisilip sa may bintana na ibinababa ni Anika sa gilid nito. Pumasok ang malamig na hangin na hindi namin inda dahil lahat kami ay gustong makita ang pinpasok naming napakalaking gate.
Where is this place?
Sa may gate pa lang ay kalat na ang maraming bantay. Naka uniporme ang mga ito na parang sundalo. The gate is a remote. Nang magbukas ang gate ay bahagyang yumuko ang mga bantay roon sa unang sasakyan kung saan nakasakay ang magkambal na Silver. Sumunod din ang sasakyan namin nang umusad ang mga ito.
Isang mahabang kalsada na naman ang nilakbay namin kung saan napapalibutan ng malawak na golf area. There were golf cart na siyang nakikita ko sa malapitan.
“I knew they’re already that wealthy. But I didn’t imagined these things.” Mahinang bulong ni Daddy. Kahit ako. Mukhang mahilig ang buong pamilya sa ganitong uri ng design kung saan kailangan mahagilap pa ang bahay nila sa dulo pa kapag napasok na gate.
“Andito na po tayo.” Anunsyo ng driver. Naunang bumama ang nasa front seat para pagbuksan kami ng pinto.
“Grabe naman dito.” Anika also said. Paglabas namin ay ang warm lights sa kulay orange ang sumalubong sa amin sa may front entance ng kanilang malaking bahay. Halos malula ako sa taas nito. Idagdag pa ang fountain sa harap na humuhugis puso ang tubig sa iba’t ibang kulay.
“Masaya ako at nagkaroon muli ng bisita ang bahay na ito.” Damien said. Nang hanapin ko nang paningin ko si Damon ay napangiti ako. Tahimik nitong iniikot ang paningin. It’s like it’s his first time again to be in here. Seryoso nitong pinagmamasdan ang malawak na golf area. I’m sure there were happy memories in there.
“let our maids serve each of one of you.” Pagtatapos ni Damien. Binuksan nito ang malaking pinto. Naunang pumasok ang mga magulang ko kasama si Anika na hindi rin mapakali kakatingin sa mga bagay-bagay.
Papasok na rin sana ako ay napatingin pa muna ako kay Damon na hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya kaya naman nilapitan ko na siya at hinawakan ang kanyang kamay. Bumaba ang tingin nito sa aking kamay bago dumapo ang tingin nito sa aking mukha. “Let’s go inside.” Ako na mismo ang nag aya na pumasok sa mismong bahay nila.
He breathe out, nervous. “Ngayon lang uli ako nakarating dito.”
“I know.” I smiled at him. “Gusto nga sana kitang tanungin kung pumayag ka ba talagang sumama dito dahil gusto mo o para sa amin.”
Dahil kung para ito sa amin, magpapasalamat ako. Pero gusto ko rin sana na may parte sa kanya na gustong bumalik dito dahil sa kapatid niya. Silang dalawa na lang ang naiwan sa pamilya. Kailangan nilang magdamayan.
Dumampi ang may kainitan nitong palad sa aking panga saka marahang hinaplos ang aking pisngi. “Both.”
I nodded with that. He let out a small smirk pagkatapos ay nagpalit ang posisyon ng kamay namin. He is now the one holding my hand at mas sakop nito ang kabuuan non. We both walk inside.
Ganon na lamang ang gulat ko nang makitang naging emosyonal ang mga kasamahan sa bahay. Nagsiyuko ito para magbigay galang kay Damon pero palihim din ang mga itong nagpupunas ng mga luha.
“I told you, they missed you.” Sambit ni Damien.
May isang matandang babae ang lumapit sa amin. She’s holding a white cane.
“Damon?” Mahinang tawag nito. Dinistansya ko ang sarili ko palayo sa kanila.
“Mrs. Carrie.” Damon.
“Ikaw nga.” Sambit nito at nang makalapit sa isa’t isa ay nagyakapan ang mga sila. Damon is not hugging her back ngunit nang humagulgol na ang matanda ay saka pa lamang yumakap pabalik si Damon nang mahigpit.
Mas napaisip ako ngayon sa kalagyan ni Damon. Natuwa rin ako. Hindi lang naman pala ako at ang kapatid niya ang nagpapahalaga sa kanya. There’s Brina, Mrs. Carrie, and all of their maids here seems to be that close enough with them to be this emotional. Mukhang matatagal na sila dito at nawitnessed na lahat ng kaganapan sa buhay ng pamilyang Silver.
Siya lang siguro ang nag iisip na wala siyang karamay.
Mrs. Carrie give a sign for Damien to also get closer. Nang makalapit sa dalawa ay niyakap niya ang magkambal. The two of them were still uncomfortable to each other but it was manageable.
“Pasensya na sa drama kong ‘to.” Mrs. Carrie wiped off of her tears. Ngumiti kami at umiling. We understand the situiation.
“Ayos lang po ‘yon sa amin. Alam kong namiss niyo si Damon.” Wika ko sa kaniya.
Mrs. Carrie stared at me with a pleasant smile on her lips. May pagtataka rin sa mga mata nito. She then look at Damon and back to me again.
“Who…” Si Mrs. Carrie.
“Damon’s fiancée.”
Lahat kami ay napalingon sa sagot ni Damien. Mrs. Carrie’s jaw slowly dropped.
“Tama. Ikaw yung napanood namin.”
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kung dapat ba akong mahiya sa sinabing ‘yon ni Damien sa harap nila na halos pamilya na rin ang turing sa kanila. Dapat ba akong magulat dahil hindi ko inaasahan ang sagot na ‘yon o dapat ba akong makaramdam ng iba pang emosyon dahil alam ko ang katotohanan noon na kaya lang naman ako pumayag na makasama at magpakasal kay Damon ay para matulungan siya. Dahil na rin sa rason na gusto niyang ng anak noon at ayaw niya lang madungisan ang apelyedo nila kaya naman binalak niyang isapubliko ako para hindi mali ang isipin ng tao sa kanya na naguuwi lang ng kung sino-sinong babae sa bahay niya. Now that I think all of it, nalilito na ako.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang turing sa akin ni Damon. Am I really his fiancée because he only thinks it’s a must or because he likes me? Gusto kong matawa sa naisip kong ‘yon. Para akong nanlilimos sa atensyon niya kung ganon nga ba talaga na siyang dati niyang gawain sa akin noon.
“Welcome to the family.” Mrs. Carrie bowed a bit in front of me. Tumingin na lamang ako kay Damon na nakatingin na rin pala sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon niya.
I just stared at him for a second, binalik ko rin ang tingin kay Mrs. Carrie.
Nag-aya si Mrs. Carrie na kumain kami kung gusto pero wala na atang pumayag. We just want to sleep right now. Nabigyan ng kwarto ang mga magulang ko. Hindi nagsasalita si Mama. Mukhang shocked pa rin sa pangyayari kaya naman inaalo na lang ni Daddy hanggang sa makatulog. Binabanggit pa rin kasi nito ang nangyari kanina at sinasabing baka bumalik daw si Jenna. I’m glad, Dad can control mom’s scared heart.
“You should also rest.” Si Dad na siyang inihatid ako sa may labas ng pinto ng kwarto nila. Tumango ako at tinalikuran na siya saka ako nagtungo sa aking kwarto nang tulala.
Naroon si Anika nang madatnan ko. She’s getting ready to sleep. Nang makita ako’y tumitig lang ito sa akin at ngumiti.
“Kaya pala.” Aniya.
“Kaya pala ano?”
“Kaya pala natagalan siyang iligtas kayo kanina dahil inuna niya ako.” Pasinghal na sabi nito. Natawa ako dahil parang inis siya sa ideya na ‘yon.
“Because I think he likes you.” Sambit ko at naupo sa tabi niya sa talim ng kama.
“No. Hindi mo naintindihan yung sinabi niya kanina? He saved me because he knew you will worry to death.”
Kumunot na lamang ang noo ko. Narinig ko na ‘yon kanina, bakit inuulit niya pa?
“He likes you, Cresia. Iniisip niya ang nararamdaman mo kaya naman niligtas niya ako dahil ayaw ka niyang mag alala.”
Nonsense.
“Inaantok ka lang. Matulog na tayo.”
Umiling na lang ito at parang hindi rin masatisfy sa gustong sinabi sa akin pero hindi na siya nagpumilit pa. Humiga na rin ito patalikod sa akin. Ganon din ako sa kanya. Anika was given a room for her pero ayaw daw nito na mag isa kaya naman mas pinili niya dito sa aking kwarto. Pumayag na rin ako dahil alam kong takot pa siya sa lahat ng nangyari.
Pero hindi ko aasahan na sasabihin niya ang bagay na ‘yon. Damien likes me? Saan banda? Kailan? Hindi ako naniniwala.
Nakatulugan ko ang pag iisip ng bagay na’yon.
Naalimpungatan na lamang ako nang pakiramdam ko ay may humahaplos sa aking mukha. Sa pagmulat ng aking mata ay sumalubong ang mga mata ni Damon. He immediately signed me to not be loud. Dumikit ang index finger nito sa labi niya saka siya tumingin kay Anika na mahimbing na natutulog sa aking tabi.
Anong oras na ba? Bakit siya andito?
“Anong ginagawa mo dito?” Bulong ko.
“Come with me.”
Hindi na ako nagtanong pa. Mas lamang ang kaba ko na baka magising si Anika at madatnan niya rito si Damon. Baka iba pa ang isipin niya kaya naman walang pag aalinlangan na tumayo ako sa higaan. Mas nauna siyanng lumabas ng kwarto kaya naman sumunod na ako. I gently and softly closed the door. Nang magawa ay saka ako humarap sa kanya.
Roon ko lang rin narealized na maliwanag na sa labas ng bintana. Medyo tirik na rin araw pero parang kami pa lang ang gising. Mukhang napuyat talaga kami ng sobra kagabi dahil sa nangyari.
“I didn’t mean to wake you up.” Aniya. “I’m sorry.”
“Ayos lang.”
I saw his jaw move. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya pero gusto kong malaman kung ano ‘yon. Nahihiya lang akonbg magtanong.
“I know you were too tired last night. Ibibigay ko na sana yung gusto mo.”
Nagliwanag ang mukha ko. Does he mean, Miranda?
“Not Miranda, of course. Hindi pa siya tapos.”
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapanguso. He chuckled with that. “It’s in my room.”
“Tara na kung ganon.” Ako pa ang mas naunang maglakad sa kanya pero natigil din dahil hindi ko alam kung saaan ang kwarto niya. I look at him and he just laugh a bit. Umiling pa ito at naglakad palapit sa akin.
Mukhang good mood na good mood siya ngayon?
Sinundan ko ‘to ng tingin na mas nauna sa akin.
“Gaano ka ba kaexcited na ibigay ‘yon saakin na pumunta ka patalaga sa kwarto namin.”
“My excitement was too much.”
“Describe it.”
“Wider than the ocean. Higher than the sky. Too far like where the moon is.” Sagot nito na nagpatuloy sa paglalakad. I was left speechless. Hindi ko naman aakalain na papatulan niya ang sinabi ko. Nagbibiro lang naman ako.
Agad na pumasok sa isip ko ang kalawakan ng dagat, kung gaano kataas ang langit at kung gaano kalayo ang buwan. Kung ganon, masyado ngang mahirap pigilan ang excitement niya ngayon para lang maibigay ang gusto ko.
I followed him inside of his room. Mukhang hindi ito ang kwarto niya. It’s just like a guest room for me. Walang laman ang kwarto maliban sa magandang higaan at ilang mga padisenyo.
“This is not your room.” Komplimento ko matapos maikot ng paningin ko ang kabuaan ng kanyang kwarto.
“I know. Ayoko lang pumunta sa kwarto ko.”
“At bakit naman?”
Humarap ito sa akin matapos kunin ang isang kulay itim na box.
“My room is also Damien’s room.”
I get it. Napatitig na lamang ako sa kanya. He then walk closer saka niya inabot sa akin ang itim na box. Soft ang texture nito.
“Open it.”
I do what he said. Isang babasagin na sand hour glass ang nasa loob. Ang bawat dulo nito sa itaas at ibaba ay kulay puti. Ang sand nito ay kumikinang sa kulay gold. Parang glitters ang buhangin sa loob kahit hindi naman.
Gandang ganda ako sa kulay nito. Hindi ko ineexpect ang sarili ko sa ganitong reaction. Wala akong nasabi dahil hindi ko naman kailanman nagustuhan ang mga ganitong bagay. Hindi ko alam na ganito pala sila kaganda sa malapitan.
Pinagmasdan ko lamang ito. I turn it upside down, ang pagbagsak ng buhangin ay nagsimulaumagos pababa.
“Miranda is not yet done-“
“Thank you for this.” Putol ko sa dapat niyang sabihin.
“It is what you asked for.” He said seriously. Nang titigan ko siya ay mas lumapit pa siya kaya naman napatingala na ako. Hanggang leeg niya lang pala ako. Hindi ko na tuloy nakikkita ang anumang bagay banda sa kanyang likuran. His scent smells nice too. Sa leeg niya na at ang paggalaw ng adams apple nito naka focus ang paningin ko.
“Magaling ka na ba talaga?” Tanong ko sa kanya. I’m still concerned. Gusto kong malaman kung paano ang naging proseso niya sa paggaling pero natatakot ako dahil baka magalit siya.
“Mm.” He nodded. “Now that I am already sane, Brina doesn’t have to worry about me having a child with you.”
Nagtaka lang ako sa sinabi nito. Naalala ko ang usapan nila noon. Noong malaman kong ang pagkakaroon ng anak ay kasinungalingan. He wants a child but it’s also his way to keep me.
“You don’t have to worry too.”
I let out a small chuckle to avoid being nervous. “Your joke is getting better.”
“I’m not joking.” He forwarded another step. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapatras ng isang beses. “I really want to have a children with you.”
“Damon-“
“I want to do it now.” Ang kamay nitong nakalabas ay ipinagkrus niya sa kanyang dibdib. “I want to do that process you are talking about.”
Napalunok ako at mas napaatras pa kahit na hindi naman siya naglalakad palapit sa akin. Bakit niya ngayon naisip ang bagay na ‘yon?
“That process that will pleasure the both of us.”
“Ano bang pinagsasabi mo?”
“Hindi ko alam kung bakit ganito rin ang sinasabi ko.” He step forward again. “Maybe because I was not with you for how many days.”
“Nakasama mo ako 4 days ago.”
“Not enough.” Nang aasar na sagot nito. “You don’t have any idea how much I want to… do that thing… with you, right now.” Parang nang aasar talaga na sinasabi nito. Tila gusto niya lang makita ang magiging reaksyon ko. “But your parents are here that’s why-“
“Damon!”
He chuckled a bit. Saka niya hinimas ang ulo ko. “I know you’re also too conservative.”
“Alam mo naman pala.”
“Let’s do it then after our marriage?” Aniya sa patanong na tono na hindi kailangan ng permiso ko saka niya ako tinalikuran at naunang naglakad papalabas ng pinto. May mga binabanggit din ito tila iniisip o pinaplano kung saan namin gagawin ang bagay na ‘yon o kung ilang beses. May pabilang bilang pa ‘to sa kanyang daliri.
Napatungaga lang ako sa kanya. Paano niya alam ang mga bagay na ‘to? Totoo ba talaga ang sinabi niya noon na hindi na siya virgin? At sino naman ang nauna?
He stop in front of the door. Tumingin ito sa akin at nanumbalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. “Let’s go. The breakfast must have been prepared by now.”
Nilapitan ko siya. Gutom na rin naman ako.
Paglabas ko sa pinto ay hinuli niya ang kamay ko dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad. Napatitg ako sa kamay namin. Hindi ko magawang tumingin sa kanya.
“Remember what you said. You can’t say no to me anymore when it comes to marriage.” Malamya ang kanyang tono. May pag iingat na siyang palihim na ikinatuwa ko.
“Marriage comes with an emotion you must have for the person you want to marry with, Damon.”
Hindi sa ayoko siyang pakasalan o nagbago na ang isip ko. Ayoko lang na isipin niyang dapat niya nang pakasalan ang taong gusto niya dahil lang sa may usapan sila. Pakiramdam ko, kahit magaling na siya, pagdating sa ganong bagay ay hindi pa siya-
“Love.”
I nod with him. He remembers it.
“Ask me.”
Kumunot ang noo ko at doon lamang tumitig sa kanya. “Ask you what?”
“Ask me to describe how much I love the person I want to marry with just like earlier.”
Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang tanungin ang bagay na ‘yon. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa pisngi ko para mamula ito. At kung ipapa describe ko pa sa kanya ang bagay na ‘yon ay hindi ko makayanan.
“D-describe i-it…” Mahinang sambit ko. Nadatnan ko na lamang ang sarili kong mas inilalapit niya sa kanya.
“It’s like more than what Earth can provide.”
His face lean closer. Napapikit ako sa bigla. Ngunit nang walang mangyari ay muli akong nagmulat.
Did I just really closed my eyes?
Doon ko mas nakita ang malapitan niyang mukha. The bridge of his nose is almost touching mine. Saka niya dinampian ang labi ko ng isang halik tila gusto niyang ipakita sa akin ang ginawa. He smirked a little after and pulled me by the hand.
“Baka may CCTV.” Nag aalalang sinasabi ko habang bumababa ng magarbong hagdan, hinahabol ng tingin ang lugar kung saan kami kanina.
Nagpakawala na lamang ito ng malakas na tawa. Baliw na siya.
BINABASA MO ANG
Benz Series 1: Uriel The Doll
Mystery / Thriller[COMPLETED] Cresia is drawn to a beautiful, lifelike doll named Uriel. But the closer she gets, the more disturbing her world becomes. As Uriel's obsession deepens, she's forced to face a terrifying truth. The doll isn't just watching her... it wa...
