No tears
“Breakfast is ready.” Anunsyo ni Mama na nagtungo pa rito sa aking kwarto. Hindi ko siya nakikita dahil nakatalikod ako sa pinto. Kaharap ko ang may kalakihan na single window kung saan natatanaw ko ang malaking puno at ang malago nitong mga dahon na siyang naging harang sa malakas na sinag na araw.
I lick my lower lip and bit it. Nagpakuha ako kay Daddy nang bagong phone. I tried contacting Damien in our real account but he’s not yet responding. Gusto kong malaman kung asan si Damon. Kung asan rin siya ngayon. At, kung ligtas ba sila. After what happened last night, I can’t help myself but feel the same thing, to worry. Mag isa niya bang kumikilos ngayon para ayusin ang nangyari? Kamusta na rin kaya si Brina?
“Cresia…” Mom walks towards me. Umupo ito sa tabi ko at parehong hinawakan ang magkabilaan kong braso. “Trust me, Damon will get mad if you’re like this.”
“Hindi na po kayo galit sa kanya?”
“Galit. Galit na galit pa rin kami ng Daddy mo sa kanya.” Agaran nitong sagot na ikinatungo ko ng ulo.
I don’t have to ask why. Malamang ay dahil sa rason na inilayo ako nito sa kanila. Naging galit rin ako dito pero hindi ko na ‘yon maramdaman ngayon. He surrendered me back to my family. Kahit na may usapan kami noon na kapag nagawa ko ang gusto nito ay pakakawalan niya na ako ay pinakawalan niya pa rin ako. I have to be happy, right? Dahil nakalaya na ako ngayon nang walang nangyayari. Hindi ko na kailangan gumawa ng hakbang. Ano man ang mga pinaplano ko para sa kanya ngayon ay wala nang saysay dahil ito ako ngayon at kusa niya nang pinakawalan.
But what seems to be the problem? Bakit ko pa siya hinahanap? Bakit hindi ako masaya? Hindi ba’t simula una pa lang naman, wala na akong ibang hinangad kung hindi ang matapos lahat ng ito nang sa ganon ay makalaya na ako sa mga kamay ni Damon at mamuhay ng normal? Nandito na ako ngayon, pero bakit mas gusto ko nang magpahuli ulit ngayon?
Now, you’re the one crazy, Cresia.
“Kumain na tayo.” Pag aya ni Mama na siyang tinanguan ko.
I’ve been in the same condition for a week. Every morning, Mama will came in my room just to tell me breakfast is ready. Ganon din sa tanghali at gabi. Nakakalimutan ko ang oras. My mind is not working. Hindi ko alam madalas na kakain na pala sa ganitong oras dahil naglalayag ang isip ko patungo sa isang lalaki na hindi ko alam kung nasaan ngayon.
Anika visited me after a week. Naging busy din ito sa trabaho niya. She’s an owner by the way of a coffee shop. Pamana iyon ng kanyang lola. I’m already expecting what will be her reactions once she saw me. But I was wrong.
Pagpasok niya sa may pinto ay nakatitig lang ito sa akin. The emotions were there in her eyes. A liquid were also visible in there. Agad itong naglakad palapit sa akin. Her both hands flew up towards me and gave me a very warm and tight hug. Pagkatapos ay humagulgol ito sa aking balikat.
“Akala ko kung ano nang nangyari! Your parents told me a lot of times you’re in a safe hands but I’m not trusting any of the Silver brothers! Palagi kitang iniisip!”
I start rubbing her back. Isang lapad ng ngiti ang iginawad kong hindi niya nakita. I know she missed me. Ganon din ako sa kanya.
Nang humiwalay ito sa akin ay kitang kita ko ang mugto nitong mata. Inayos ko ang buhok niya saka ko siya nginitian.
“Totoo ang sinabi nila, I’m in a safe hands.”
Nagpatuloy ito sa pag-iyak. “Are you okay though? Bakit parang ang tamlay mo naman ata?”
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko pa nakakalimutan na isa rin noon si Anika na nag-aalala sa akin habang nagsasagawa ng investigation for Damon. Kapag sinabi ko sa kanya ang totoo kong naradamdaman, panigurado ay magagalit siya. Hindi rin ako handa sa kung ano man ang sasabihin nito. Hindi rin ako sa handa sa galit niyang magiging reaksyon. I can’t even handle my own emotions right now.
“I’m just too overwhelmed. Sa dami nang nangyari sa akin...” Ang tangi na lamang nasabi ko. Mas lalong lumungkot ang mukha nito. Bigla niya ring hinawakan ang kamay ko at nilapit sa lap nito.
“Be brave. Mapaparusahan din yang si Damon Silver! He just took your freedom!”
Marahan akong bumuntong hininga. Naiintindihan ko siya. Totoo. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko magawang matuwa sa mga ipinapakita nito.
“Thank you for your concern, Anika.”
“Anytime.”
Inaya ko siya sa may kusina para makapag hain ako ng miryenda sa aming dalawa. She sited in one chair in a jolly way. Habang naghihiwa ng mansanas ay nagsalita ulit ‘to.
“Napanpod namin iyong interview niyo.”
I stop. Isang interview lang ang alam kong ginawa namin ni Damon. That’s when he told me I am his fiancée.
“Is that true? O, baka pinilit ka niya lang naman?”
I bite my lower lip. Kumuha ako ng chocolate syrup at pinaligo iyon sa mga apple na nakalagay sa bowl pagkatapos ay pinatungan ko ng whip cream.
I took the bowl and also sit in front of her. “Totoong fiancée niya ako. Iyon na ang alam ng lahat. “
“At, pumayag ka?”
Ipinagkibit balilat ko ito. Noon ay takot ako. Na wala rin akong ibang maisip kundi ang sumunod na lamang para matapos na. Dahil alam ko ang mangyayari kapag hindi ako pumayag. Those time, I remember. Hindi ko maikakaila na humanga ako sa taglay na lakas loob nito na humarap sa ganoong karaming tao.
That was also the time Jenna Claveria, the mother of Hailey called so she can just yell at Damon why he’d do that. Pero ako ang nakarinig noon. Now that I’m looking back into those memories, I remember I also get mad. Nagalit ako kay Damon dahil may ibang babae na nabanggit. Na kung ang plano ko lang noon ay bigyan siya ng anak, dapat ay iyon lang at wala na dapat akong pake alam sa iba nitong gagawin at papasuking problema, pero hinangad ko na ako lang dapat ang pwedeng magbigay ng kahilingan niyang iyon.
“I was scared that time. Hindi ako pwedeng tumanggi.” Sagot ko sa kanya. Tinusok niya ng tinidor ang apple at tinikman iyon. Nakalukot ang mukha nito dahil sa sinabi nito.
“Ang sama niya talaga.”
Hindi na ako sumagot pa. Ayoko rin makipag talo. Naiintindihan ko siya pero kung sasagot lang ako ay baka hindi niya rin magustuhan. Ilang araw kaming hindi nagkita, I’m sure she’s just really worried.
Ang sabi ko noon ay alam ko na itong nararamdaman ko. I just need something na siyang makakapag depina nitong nararamdaman ko. Pero hindi ko pa ‘yon sadyang maamin ngayon. Tila ang hirap. Tila napaka unfair. Dahil kahit ako ay nagtataka. Gusto kong hanapan ng sagot ang lahat. Gusto kong imbestigahan ang sarili kong nararamdaman. Na sa kabila ng ginawa nito sa akin ay ganito pa? Na mas gusto kong nasa maayos pa rin siya. Na gusto ko siyang makita.
“I hope he will never steal you again.” Anito.
Ganyan din ang gusto kong mangyari noon. Ang hinihiling ko noon. Na sana ay hayaan niya na lang ako. But that’s not what I want anymore. Gusto kong magpakita si Damon ngayon at marinig sa kanya na kailangan niya akong muli.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng miryenda ay pumasok ang bagong dating na si Daddy. He walks towards me and gave a me a kiss a on the head. Anika greeted him.
“I’m here with Dr. Alice. I want you to be check.”
“Para saan po?”
“I’m afraid, you might experience trauma in the future. Kaya mas mabuti kung maagapan ng maaga.”
Nagkatininan kami ni Anika. She gave me that understanding look. Ayoko rin tumanggi ngayon kay Daddy. He also experienced worst trying to protect me. Baka siya pa ang may kailangan ng treatment, same with Mama.
“Okay po. “
Sinamahan nila akong dalawa sa may living room. Dr. Alice waved her hand at me. Ako rin ay gumanti.
“Maghahanda ako ng miryenda niyo.” Paalam ni Daddy sa amin.
“Ako rin po uuwi na muna.” Anika also said. Saka niya tinapik ang aking balikat. “Just update me.”
I nod at her. Muli itong nagpa alam kay Daddy at Dr. Alice sa huling pagkakataon bago umalis ng tuluyan.
“I’ll be in the kitchen.”
Tumango kami ni Dr. Alice kay Dad at hinayaan ito. Nang maiwan kami ni Dr. Alice ay hindi ko maiwasang mailang. Naalala ko ang syndrome na sinasabi nito sa akin.
“How are you?” Ang una niyang tanong.
I let out a smile. Tumango rin ako dito. “Medyo okay po.”
I decided to gave her right answers. I will never tell her my willingness to see my capture. O, ang kahit na anong sagot na kontra sa paniniwala nilang doktor. Dahil kapag binanggit ko lang naman na ayos lang ako na makita si Damon ulit, baka bigyan na nila ako ng diagnosis na may sira na talaga ako sa pag iisip.
“I’m really sorry for all the things that happened.”
“Ayos lang po ‘yon. Hindi niyo naman po kasalanan.”
Umiling ito. “I should have believed you the moment you told me your capture is also experiencing extreme mental disorder.”
Natutop ang aking bibig sa sinabi niyang ‘yon. She already knew?
Napa angat ako ng tingin dito. “N-naniniwala na po kayo?”
She nod. “Yes. Hindi rin kasi alam noong parents mo noon na may ganon palang pag iisip si Mr. Damon. The first time you were captured, everyone believed Damon is in his right mind. Dahil wala namang kahit anong record amg lumabas na may history itong ganon.”
“Paano niyo po nalaman?”
“When he decided to send your parents here para maka iwas sa kahit anong issue. Nakisaup ito sa parents mo ng harapan na kakailanganin ka niya ng ilang linggo. Naroon din ako noong mga oras na ‘yon. And, I can already tell, he really got a problem with his mental health. Kahit hindi ko na ito lapitan. “.”
Napapikit ako ng ilang segundo. The thought of him standing in front of my parents popped on my head. I can hear his voice, pleading, apologizing, saying all the things he wanted them to know on why, he needed to be in my arms. In my care. On why, I needed to be in his side.
Para sa akin masakit ito. Noong makita ko nga lang siya noon sa interview namin, wala pa man siyang sinasabi ay ramdam ko na ang pagpipigil niya sa sarili, ang kahinaan, at takot niya. How much more in front of my parents explaining things about himself? And, I admired him for doing that.
Damon hates it when someone are telling him he’s sick. Kahit ako ay ayaw niyang naririnig na sinasabi ko ‘yon. Malamang ay noong nagpaliwanag na ito sa magulang ko ay kakailanganin niyang sabihin din ang mga nararamdaman kung bakit siya ganon.
Did he really do that?
Dumating si Daddy na may dalang pagkain. Inilapag niya ito sa may center table. Nagpasalamat kami rito bago ito muling umalis at nag tungo sa kanyang kwarto.
“Anyways, I believe you now. That you just want to help Mr. Damon. That you understand his side too. Ang syndrome na sinabi ko sa’yo noon ay hwag mo na sanang alalahanin pa.”
She took the glass filled with orange juice. Uminom ito at muling nagsalita.
“Ang mga kailangan ko lang alamin ngayon ay ang mga nararamdaman mo. Kung talaga bang maayos ka na. At kung ano rin ang mga bagay na pwede kong maitulong para maagapan ang kung ano mang nararamdaman mo sa tingin natin ay mali.”
Napa isip ako. Ano nga ba ang mali sa akin? Hindi ko rin mawari kung ano. Even after all those things I’ve experienced with Damon, I don’t find it disturbing. In fact, I’m still worried. Hindi ko pa rin alam kung asan siya ngayon. Kung kamusta na ba siya? Kung magaling na ba siya ng tuluyan.
“I will tell you po agad kapag may naramdaman ako. For now, gusto ko lang po lagi ang mapag isa.”
She nodded with that. Ang huling abiso nito ay kapag hindi raw maganda ang pakiramdam ko at parang sasabog na ako sa sobra-sobrang emosyong nararamdaman, kailangan ko raw itong ilabas sa pamamagitan ng pag iyak. I can listen to a music that will help me burst out. Dahil kapag naipon itong mga nararamdaman ko ay baka makasama pa sa akin. So I did.
Sa hapon na iyon ay nakinig nga ako ng ilang piraso ng mga kanta. Halos ikulong ko ang sarili sa kwarto. My speakers are in full volume. Naroon lang din ako sa aking kama. Hindi nila pinansin ang ganoong gawain ko. Pero kahit na nakailang kinig na ako ng kanta ay hindi ko mailabas ang luhang gustong kumawala. Ayaw magpa pigil.
I wonder how Damon came to be this way. He’s better now. Natulungan ko ba talaga siya?
Ilang araw muli ang nagdaan na ganoon ang routine ko. Dad never speaks about what they went through when Damon kidnapped me. Hindi siya tulad noon na halos laging galit dahil sa ginawa ni Damon. Na gagawin ang lahat maipakulong lang ito.
I wonder what happened to their conversation. Gusto kong malaman ang mga sinabi ni Damon sa kanila. Pero hindi iyon binabanggit ng parents ko. Sa dami ko ring iniisip at nararamdaman ay ayoko na rin munang magtanong pa. Ayoko na munang punuin ng bagong impormasyon ang puso’t utak ko. Masyado na kasing mabigat.
Hindi rin nawawala sa isip ko ang gabing ‘yon. Na dapat ikakasal kami ni Damon. He said it happened kung kailan may pirmahan na magaganap. I was staying there for weeks already pero walang nangyayari.
Is there a possibility…. Is it the Claveria family? Napapikit ako sa naisip.
They want their daughter Hailey for Damon. Hindi kaya gumana ang naging plano ni Damien na pang seduce dito? O, nalaman kaya nilang may inutusan si Damon na mag spy kay Hailey noong tinulak ako nito kaya ganoon ang nangyari?
But one thing is sure. They don’t want me to marry Damon. At may posibilidad na sa kanila galing ang spy. I have no news about what happened to Mr. Velasquez too. The spy must have taken Mr. Velasquez away or did something terrible. Dahil may dugo kaming nakita noon sa hall na ‘yon.
Napahawak ako sa aking sentido. Sila lang ang naiisip kong pwedeng gumawa non. And, where is Damien too? Hindi ko na rin siya ma contact. Where are they?
Sana ay nasa ayos lang silang kalagayan.
BINABASA MO ANG
Benz Series 1: Uriel The Doll
Mystery / Thriller[COMPLETED] Cresia is drawn to a beautiful, lifelike doll named Uriel. But the closer she gets, the more disturbing her world becomes. As Uriel's obsession deepens, she's forced to face a terrifying truth. The doll isn't just watching her... it wa...
