Kabanata 7

2.1K 141 22
                                        

Attention Seeker




"All this time, you've been watching me?" I asked while trying to cook something for him. For us. Nakaligo na ako at nakabihis sa ipinahiram niyang damit. A white blouse and new dark boxers. Hindi ko sanay ang ganitong suotan. Hindi ko sanay ang magsuot ng damit ng iba. Lalo na ng damit ng isang lalaki na hindi ko halos kilala.


Naroon siya sa aking likuran, nakaupo habang pinapanood ako sa ginagawa. Nac-conscious ako sa mga titig niya. Parang sanay na sanay na siyang tumingin sa ginagawa ng iba. Hindi man ako tumingin para makumpirma ang naiisip ko, alam ko na.


"Yes. Palagi lang akong nasa loob ng bahay mo. You can't see me because I'm good at hiding."


I gritted my teeth in anger. He invades my privacy. Not just as a person. But as a woman as well. Kung ganoon, tuwing naliligo ba ako, alam niya? Those days that I'm changing my clothes, nakikita niya? Those times na maglalagay ako ng lotion sa hita ay nakatingin siya? Mas malala pala ang pagiging manyak niya kaysa kay Lando, e!


"Why did you used a doll?" I asked again. Inilipat ko ang nalutong ham sa plato at ipinatong sa mesang nasa harap niya. "Bakit hindi ka na lang nagpakilala? Bakit kailangan mong magtago? At, bakit ako?"


"Hindi ko gusto ang mga tanong mo." Sagot niya sa seryosong mukha saka ngumiti. Inabot niya ang kamay kong nakapatong sa mesa na agad nanlamig dahil lang sa hawak niya. Nakakapangilabot. "You're my favorite."


Peke akong ngumiti at marahan na hinila ang kamay ko palayo sa kanya. Naupo ako sa kaharap niyang upuan at ipinagsalin siya sa plato ng pagkain niya.


"I want to know more. Kilalang kilala mo na ako dahil lagi ka palang nakatingin sa akin. I think it's my time now."


"I'm odd." Agad niyang sagot. Nang ilipat ko sa kanya ang kanyang plato, itinupi niya ang sleeve sa magkabilaang braso niya. Tumambad ang malagatas nitong balat at ang berdeng berdeng mga ugat sa braso at kamay. "People don't like me. They always reject me. So I used a doll."


"They rejected the doll too, 3 times already."


Ngumisi siya. "Twice only."


Umiling ako. "Ang naunang bumili ay ibinigay pabalik yung manika. Wala nga lang siyang record sa COE ni Uriel-"


"I am the very first owner of Uriel."


Nawalan ako ng sasabihin. Naguguluhan pa rin ako. This human Uriel in front of me looks calm and kind. He looks like someone who's very smart and innocent pero kung magsalita ito, parang gusto niyang kausapin mo siya sa paraan lang na gusto niya dahil kung hindi, pwede kang mapahamak.


"My parents returned the doll back because they want me to play with the other kids. Not with a doll."


Iyon ang sinabi ni Manager Brina. Huminga ako ng malalim. I tried to connect things. Siya ang pinakanaunang nag may ari ng manikang si Uriel. Ibig sabihin ba, kung sino ang mga bumibili nito ay sinusundan niya? And then what? He will used that doll and he’ll make it look like a possessed doll. Iyon pala, siya lang ang nagtatago at ang kumokontrol nito.


Nang bilhin ko si Uriel, sumunod din siya?


Pero kamukhang kamukha niya talaga ang manikang Uriel. Sa kung paano ito manamit, ang nakangising labi, ang kulay ng balat, ang buhok at ang kulay ng mata. Kung ganon, siya ang ginamit na copy para sa manikang Uriel?


Hindi ko maintindihan.


This place is huge. Para akong naka palace-prison. Hindi ko gusto ang napakatahimik na kapaligiran. Bawat kilos, salita o yapak, rinig na rinig dahil sa nakukulong na tunog. It's not that dark but it's not that bright. Tila walang nakatira. Kaming dalawa lang. Ang mga statue na nakikita sa bawat gilid ng wall ay nakakatakot. Mga naglalakihang statue ng hayop iyon na gumagawa ng anino sa lapag kaya mas nagiging malaki kapag nadedepina.


Asan ba ang mga magulang niya? Is there no other maids in here? Chefs? Mga hardinero? Dahil kahit nakakatakot ang lugar, paanong napapanatili ang kalinisan dito. Impossibleng siya ang naglilinis kung simula't sapul, naroon siya sa bahay, nagtatago para lang panoorin at bantayan ako?


Pagkatapos naming kumain, nag aya si Uriel na manood ng movie sa loob ng kanyang kwarto. Nananatiling maraming laman ang isip ko. Naroon din ang plano kung paano ko siya matatakasan sa madaling panahon.


He sit in the rag on the floor. Ganon din ako na naupo sa kanyang tabi. Nakasandal kami sa kama. He played the movie and I saw that he's really attentive on watching it.


Iniisip ko pa rin ang mga ginawa niya. Ang panonood sa akin. At ang pananakot sa akin. Nilingon ko ang manikang Uriel na naroon sa kama. Nakasandal ito sa head board ng kama at nakalingon lang sa harap. Palagi kong binibihisan noon si Uriel at natanggal ko na rin ang mga eye balls nito. Wala akong nakitang kakaiba doon katulad ng recorder. Ibig sabihin, talagang nakatago lang talaga si Uriel sa mga sulok sa bahay ko at siya mismo ang manonood sa akin nang walang ginagamit na devices.


"Paano yung mga nightmares ko-"


"Shhh." He cut my words. Pinause niya ang movie at matalim akong tinignan. Binalot na naman ako ng takot dahil sa expresyon niyang iyon. "I'm watching, Cresia." Tila bata ang tono niya nang sabihin iyon.


Tumango ako at ngumiti. "I-im sorry."


Muli siyang humarap sa pinapanood. Napasinghap pa ako ng hangin nang ipahinga niya ang ulo sa aking balikat. Hindi ko alam kung sinadya niya ba 'yon. Pero parang ganon na nga.


He is not the doll. Hindi dapat siya umakto na parang siya iyong manika. Hindi dapat siya umakto na kailangan niya pang magpa aruga. He's old enough! H'wag niyang sabihin na bata pa ang isip niya?


The movie is about a man who's obsessed with a girl. Pinatay nito ng palahim ang asawa ng babae. At ang babaeng 'yon ay nakakaramdam ng pagkabalisa tuwing uuwi ng gabi dahil pakiramdam niya ay may nakasunod sa kanya. Until one night, sa kakatakbo niya palayo sa stalker niya which is the man who killed her husband, na aksidente siya.


She got an amnesia and the person she saw the first time she wakes up claimed that he is her husband.


Mas lalo akong natakot dahil madaling naitago ng lalaki ang mga pinatay niya. Malinis din ang pangalan niya. He's a murderer and he's obsessed with this girl.


Unti-unting nakaka alala ang babae until he finds out that the man she's with is not her real husband. Kriminal ito at nakita niya na may pinatay ito noong araw na akala ng lalaki ay natutulog ang babae. She made a move on how to escape but since she's still having a hard time walking dahil sa aksidenteng natamo, the guy hurts her when he saw her trying to escape. He said that if she'll be good to him, he will be to her.


Parang pareho sa linyang sinabi ni Uriel.


Nagulat ako sa biglaang pagpatong ni Uriel ng kanyang kamay sa aking hita. Napatingin ako doon at napapikit ng mariin. He's a pervert! And he will always be.


After the movie, he asked me to play a piano. Hindi ko alam tumugtog non kaya siya ang naupo sa pahabang upuan. Nang hindi ako sumunod sa kanya ay matalim niya na naman akong tinignan.


"Cresia..." He uses that innocent voice again. Tinignan niya ang space sa kanyang tabi saka muling ibinalik ang tingin sa akin.


I immediately do what he wants. Nang makaupo ako sa kanyang tabi ay nagsimula na siyang tumugtog.


"Anong totoong pangalan mo?"  Ang tanong ko sa kalagitnaan ng malumanay niyang pagtugtog.


"You can just call me 'Uriel' too."


"Pero hindi ikaw si Uriel-"


Natahimik ako nang hampasin niya ang keys ng piano at nakagawa 'yon ng malakas na ingay. He's really crazy! Madali siyang magalit.


"You love Uriel so much." Aniya.


Umiling ako. "Pero hindi ikaw ang manika. Alam ko may pangalan ka-"


"Call me Uriel. I'm him. You should call me 'Uriel'. Treat me like him. Do all the things you used to do with him." Parang sabik niyang sabi.


Hindi ako makapaniwala. He really likes the attention given to others. Gusto niya ay kung paano ko itrato ang manika ay ganon din sa kanya. But he's a human. A man specifically! Hindi pwede ang gusto niya.


Natandaan ko ang sinabi niya kanina.


"People don't like me. They always reject me. So I used a doll."


Nagtatago na siya ngayon sa likod ng isang manika. Kung ganon, gumamit siya ng manika para magustuhan ng tao. But sad to say, wala ring tumanggap sa manika dahil sa mga pananakot na ginagawa niya kahit gusto niya lang ang mapagpapansin. Paano kung ibinalik ko pala siya?


He continued playing the piano. Pinanood ko ang mga daliri nito. Parang hindi siya naarawan dahil puting puti talaga ang balat niya.


"Ang sabi mo, gagawin natin lahat ng gusto kong gawin." Aniya habang tumutugtog. "Pero hindi pwede dahil hindi ako gumagalaw." Ngumisi ito. "I'm the real Uriel, Cresia. Pwede na natin gawin lahat ng gusto mong gawin nang hindi mo na kailangan alalahanin ang galaw ko."


Bumilis ang tibok ng puso ko. Noong sinabi kong gagawin namin ang gusto niyang gawin, that was when I know he's a real doll. Alam kong gusto niyang maglaro at makagawa ng bagay na parang bata. Pero nang sabihin niya ito ngayon, parang iba ang mga bagay na gusto niyang gawin.


"W-we can p-play." Ang sabi ko na parang kumakausap sa isang bata.


"I don't like that." He said and stop playing the piano. Lumapit ito sa kanyang old radio disk. Nang maidikit nito ang player non ay pinuno ng musika ang aking tenga at ang buong kwarto.


He immediately took off his dark coat at pinatong sa kama. Lumapit ito sa akin at imwinestra ang kanyang kamay sa harap ko.


May pagkakataon ba akong tumanggi?


Tiim panga kong inabot ang kanyang kamay. Nagpahila ako sa kanya at nagpasaliw sa musika. He lead the dance. He knew it. Ang kanang kamay niya ay humahawak sa kaliwang kamay ko habang ang isa ay nakasuporta sa aking likod. Samantalang ako ay ganon din sa kanya.


"I-i really don't know h-how to dance."

"Cause you never dance a man before."


Guess niya lang ba 'yon o alam niya talaga?


Hindi ko magawang titigan ang kahit anong parte ng mukha niya. It scares me. Pakiramdam ko, sumasayaw ako kasama ang isang manika. Ganon kasi talaga ang itsura niya. The gold eyes and the hair. Kaya naman, tanging sa kwelyo ng kanyang blouse ako nakatingin.


"Why do you always wear this kind of clothes? Ayaw mong nagsusuot ng pambahay?" Tanong ko. Iniikot niya ako at muling humarap sa kanya.


"I told you, I'm odd."


Isa sa napansin ko, he always closed a conversation. Magtatanong ako at sasagutin niya iyon nang wala ka nang maiisip na kasunod. Tumango na lang ako.


Matapos ng pagsayaw, ibinalik niya ako sa upuan. Ang dami ko pang gustong itanong ngunit pinapangunahan ako ng takot. And I really want to know his name.


Humarap ako sa Uriel na manika na nasa kama. Nilapitan ko ito at pinagmasdan. Narealized ko na naroon pa rin ang pagkasabik ko sa mga manika sa kabila ng mga nalaman ko.


I felt sorry towards this doll. Siya ang sinisisi ko sa mga bagay na hindi niya talaga ginawa. Ang taong Uriel pala talaga ang may kagagawan ng lahat.


"I'm sorry, Uriel." I said as I tap its head. Naramdaman ko ang paglapit ng taong Uriel at tinitigan ako sa ginagawa.


"He didn't do anything wrong." Aniya.


Ano na naman ba 'to? Bakit ganito siya kung makareact? Parang hindi tanggap ang ginagawa ko.


"Kaya nga nags-sorry ako-"


"But I'm him." He cut my words again. "Sa akin ka dapat humihingi ng dispensa."


Gusto kong matawa. Sa kanya? Hihingi ako ng dispensa? He scared the shit out me! Para sa kanya wala' yon? What the hell?


"You're not him-"


"How many times do I have to tell you I'm him!"


Napasigaw ako nang magsimula itong magwala. Napatakip ako sa bibig ko matapos niyang ipagtatapon ang mga libro. Sa isang slide lang ng braso niya sa study table niya ay nagsibagsakan na ang mga gamit doon.


"Uriel, stop!"


I tried to stand up pero sa tuwing may itatapon ito ay napapasigaw at napapa atras lang ako.


"Uriel! I said stop it!"


"I'm him! I'm Uriel!"


He's crazy!


Nang makalapit ako'y nakuha niya naman ang gunting na nakasplit ang magkaparehong parte. Dahil sa pagpipigil sa kanya ay dumulas iyon sa balat ko sa braso dahilan para mapahiyaw ako sa sakit.


He stopped at what he's doing. Nang makita niya ako ay lumayo na ako sa kanya.


"You're crazy..." I whispered. Naghanap ako agad kung saan nakalagay ang first aid kit niya but he pulled my other arm at dinala sa kanyang malawak na bath room. Doon ay hinugasan niya ang nagdurugo kong sugat.


"Kaya mo sinira lahat ng dolls na meron ako. You want attention." Mahinang banggit ko.


He get his first aid kit at ginamot din iyon.


"I want everything." Aniya. "H'wag mong hintayin na sirain ko din ang manikang Uriel bago mo ko bigyan ng halaga."


"I'm always doing that-"

"To others! Sa ibang manika. You're doing it to all."

"Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi, you're him. Then why are you acting this way?"


"Iba ang katawan niya sa katawan ko." His jaw tightened. " Would you touch me too? Wash me and change my clothes like the way you do it with that doll?"

"But I'm just-"


"I'm throwing that doll tonight." Bumuntong hininga siya. Iniwan niya ako dito at umalis.



Sa tingin ko ay malala ang sakit niya sa pag iisip. He's an attention seeker. An obsessed with other's care. Kulang ba siya sa aruga?

Benz Series 1: Uriel The DollMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon