Kabanata 35

1.2K 83 8
                                        


Clear Case



I couldn’t let go of the thought. Imbes na mag focus ako sa kwento nito tungkol kay Lando at sa mga posibilidad na baka may gawin ‘tong masama sa mga susunod na araw, ay ang tungkol kina Damon ang naiisip ko. It’s making me think even more. Think that she’s not with Damon. But with Damien who pretended to be Damon. Baka namali lang si Cresia at napagkamalan si Damien na si Damon. Because I remember Damon told me they switched roles. Kaya may posibilidad na si Damien nga ang nakasama nito. Pero isa rin sa naiisip ko ay kung bakit naman magpupunta pa si Damien sa bahay ng kaibigan ko? To get a place to stay? Naipilig ko na lamang ang ulo ko habang nakatingin sa hindi makapaniwalang reaksyon ng kaibigan ko.

“What? Damon was here too three days ago?” Pag uulit niya lang sa sinabi ko ngunit patanong. Tumango lamang ako. “Nalilito ako.”

“Damon came here as Damien three days ago. Siguro ay dahil sa rason na mahihirapan siyang pakisamahan ang parents ko kapag alam nilang siya si Damon. He also told me that Damien was the one managing the Benz doll company with the investors as Damon. Ayon nga lang at hindi niya sinabi sa akin ang dahilan.” I explained that almost makes her jaw dropped. “I understand the part where Damon needs to pretend as Damien so he can visit me here pero sa part na kailangan sa company, I don’t get it. I mean, they have the same face.”

“Wait.” She said. Ang tingin nito ay nadapo sa iba. Tila pinoproseso lahat ng mga sinasabi ko sa utak niya. “That Damien pretend as Damon!? Para lang ipamukha niyang takot ako sa kanya?”

“Well, are you afraid of Damon?”

“Oo!”

“Kay Damien, hindi?”

“Hindi! Why would I? Kung alam ko nga lang na si Damien ‘yon ay hindi ko siya papapqsukin!”

Napatango tango na lamang ako tila naintindihan na rin kung bakit kinailangan ni Damien magpanggap as Damon.

“That’s the answer. Damien think you will not say something and you will just let him in when he’s Damon. Dahil kapag hindi, hindi ka papayag. He took advantage of it para makitulog sa bahay mo.”

Natawa siya sa inis. Kinuha niya ang unan ko at hinampas ‘yon sa kama. She growls in annoyance as she keeps hitting on my bed with my pillow. Hinayaan ko siya sa ganon.

“Bakit sa bahay ko! Argh! Nakakainis!”

Hindi ko rin alam kung bakit sa bahay niya. I was not with them for the past weeks because I was with Damon. Hindi ko alam ang mga nangyayari sa kanila. Gusto ko na lamang matawa sa inaakto niya ngayon.

“Remember Uriel? Hindi ba’t sa lahat ng manika ko, siya ang pinaka gusto mo?” Tanong ko habang nakangisi.

“Yeah. So?”

“And you also think, he’s handsome.”

She nods.

“The original face of Uriel-“ Hindi ko natuloy ang dapat kong sasabihin tungkol sa original face ni Uriel ay si Damien — nang bahagya niyang itaas niya ang kamay niya para patigilin ako.

“Alam ko na yan.”

“Uriel, Damon, and Damien has one face na siyang gustong gusto mo.” Natatawang sambit ko. “Now you hate him na? May nangyari ba sa inyo noong mga panahong wala ako?”

Nanlaki ang mata siya. “Walang nangyari sa amin!” She threw the pillow back on my bed. Tinaasan ko siya ng kilay. I gave him a weird look because she almost shouted at me.

“Ano ka ba! Hindi ‘yon!” Sigaw ko pabalik.

“Ah, basta! Kapag nagpakita siya sa aking muli ay susuntukin ko talaga siya! Nakakainis!”

Benz Series 1: Uriel The DollMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon