Kabanata 2

2.1K 156 34
                                        

This is Uriel



Nagising ako sa matinding tunog ng aking alarm clock. Noon ko lang rin napansin ang pawisan kong leeg at sentido. Mabilis kong tinignan ang tabi ko kung saan nakaupo pa rin si Uriel katabi si Miranda.


Miranda is fine. Hindi siya sira tulad ng nasa panaginip ko. That was the most scary nightmare I ever had. Tinitigan ko ng maigi si Uriel at hinawakan ito. Pinatayo ko siya habang hawak ang kanyang mga braso.


"Is this what they are telling about you? Na nagkakaroon ng panaginip tungkol sa'yo ang mga last owners na bumili sa'yo?" Tanong ko dito na parang tunay na tao.


But I don't believe in such stories. Hindi ka galing sa pamilyang namatay, Uriel. You were made by a company. Inspired by someone. A character. Maybe? Kaya impossibleng may ispirito sa'yo.


"Please stop scaring me, Uriel." I said as I carry him towards the bathroom. Nagsipilyo ako habang nakaupo siya sa sink paharap sa akin. Pinusan ko rin ito gamit ang malinis na tela. Pagkatapos ay dinala ko siya sa living room.


"Nakikita mo yan?" Turo ko sa kanyang vintage rectangular box of him. May color white foam ito sa loob at may belt din ito na siyang maglolock ng kanyang mga braso at binti kapag ibabalik siya sa loob. Idisenyong ganon para hindi dumidikit ang mukha niya sa cover o magasgasan.


"Kapag nagpakita ka pa ulit sa panaginip ko, ilolock na kita diyan sa kabaong mo. I don't like it when you're scaring me. Hindi dapat." I said like a mom who's making him feel sorry about what he did. "Don't make me feel and believe that all of the accusations is true."


Baliw na kung baliw pero parang sa ganitong paraan ko siya makakausap. He'll appear in my dreams as alive doll and I will respond to him through reality. Hindi ko rin alam kung tama ba itong ginagawa ko. Parang normal lang na pigagalitan ko siya. Parang wala naman akong nakikitang masama.


I ate breakfast, of course with him, again. Hindi pa tuyo ang mga damit niya kaya nananatili siya sa damit na pantulog. Inayos ko ang buhok nitong nasa harap na tumatabing sa kanyang mga mata.


He has an extra eyes, an eyes with gold eye balls na  siyang suot niya ngayon and the other one is blue. Tanging pandikit na parang clay texture ang ginagamit dito. The whole head has a split crack on the back for you to open it in case the owner want to change the eyes.


Nakatanggap ako ng mensahe galing sa babaeng nakausap ko patungkol sa pagpurchased ko kay Uriel. It says in there that they have a new wig for Uriel pero iba na ang kulay nito. It's in color Ash White. But I'm not fond of any other colors kaya hindi ko iyon binigyan ng pansin. Okay na ang black sa akin.


I need to go to work. Iniwan ko siya sa upuan sa lagi nitong posisyon na nakaupo sa loob ng aking kwarto. Balak ko sana siyang ilagay sa box pero baka mapadaan na naman ako sa panaginip na pagbukas ko ay wala siya doon. Matatakot na talaga ako kapag ganon.


I believed that dolls are made to make people happy. For us to play with, at hindi para katakutan. Mabuti nalang ay nagc-conclude parin ako ng mga ganito despite of what I'd dream twice now since I owned Uriel.




"Birthday ni Kim ngayon." Said Judy pagka dating ko palang sa pwesto ko.


"Oo nga, pala. Muntik ko nang makalimutan."


"Nag-aaya ng inuman. Pupunta ka?"


I already promised Kim that I'll come when she want me to kaya tumango ako. Last month pa ito nag aaya.


"Sige, ako din pupunta. Iyon nga lang, mas mauuna kayong mago-out. Mid ang schedule ko, e. And that's 8 PM pa."


"Okay lang yan. Habol ka nalang. May iba ba sa closing staff ang pupunta rin?"


"Yup. Sasabay nalang ako sa kanila."


Sa araw na 'yon ay ipinag igihan namin ang pagt-trabaho. We don't talk that much dahil itinatago namin sa iba ang tungkol sa birthday ni Kim. Hindi niya daw kayang pakainin lahat ng kakilala kaya pili lang ang mga inimbita niya. Iyong mga talagang close niya.


Habang nagseserve, biglaang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. I am pretty sure I was awake the moment I saw my doll, Miranda. Ganon din ang pagwawala ng kung anong bagay sa loob matapos kong isara ang pinto ng aking kwarto.


Umiling ako. Sa panaginip ko ay sira sira na si Miranda pero nang magising naman ako ay maayos siya. So baka panaginip nga. Hindi kasi na maintindihan.


"Sino-sino ang mga bisita?" Tanong ng katrabaho namin na medyo chubby na si Michelle kay Kim habang sabay sabay kaming kumakain ng lunch namin. Bulong bulungan parin ako ng iba tungkol sa manika kong si Uriel na hindi ko nalang binigyan ng pansin.


"Kayo lang, parents tapos si kuya."


"Ayh, bet!"


"Wag ka, si Cresia ang gusto non!"


Napatingin ako kay Kim matapos sabihin 'yon. Tinaasan ko rin siya ng isang kilay. "Pinagsasabi mo diyan?"


"Pinakita ko kasi mga pictures natin sa kanya, ikaw ang nagustuhan."


I shook my head and just ignored what she said. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko ang makipag date. That's absurd. Sakit sa ulo. At bakit naman ako ang nagustuhan? Hindi kami nagp-picture pa mamili ang kuya niya. That’s for memories.


Mas okay pa na igastos ang pera ko sa mga manika kaysa gastusin sa lalaking iiwan at sasaktan ka lang naman. Wow! Am I too over acting now? Advance mag isip?


"Gwapo naman yung kuya ko, ah?" Panlalaban ni Kim sa reaction ko tila gusto niya na magustuhan ko din ang kapatid niya.


"Kung ako rin lang naman si Cresia at may manika akong Uriel, magpapakasal nalang ako sa manika!" Sabad ni Michelle. Tumawa si Judy, ganon din ako.


Kung alam lang nilang puro bangungot ang bigay sa akin ni Uriel, dalawang beses na, baka itapon niya ang manika.


"Ah, basta! Gusto kang makilala ng kapatid ko!"




That night, sabay sabay kaming nagtungo doon. Our manager doesn't have any idea about Kim's birthday. Sana nga lang ay hindi kami masyadong mapainom dahil baka makahalata sila bukas at may hang over pa. Opening pa naman kami at maaga ang pasok namin.


Pagdating sa bahay nila, maingay agad. May videoke sila sa labas ng kanilang bahay na siyang pinatutogtog ng kanyang kuya kasama ang mga lalaking barkada nito. Ang mga magulang ni Kim ay siyang naghahanda ng mga pagkain. May anak narin si Kim pero hiwalay sa asawa. Basagulero kasi.


"Hello po!" We greeted their parents. Kami lang ni Michelle ang naisama. Mamaya pa si Judy at ang iba.


"Hello! Upo kayo!" Kim's mother said. May kalakihan ito ng katawan. Bilugan ang mukha at mahahaba ang pilik mata. Maganda!


Pumasok ang kuya ni Kim na suot ang jersy short na blue at sando. Kumunot ang noo ko dahil mukhang tambay ito.


"Oh, Lando! Andyan na Cresia mo!" Sigaw ni Kim sa kapatid dahilan para tuksuin kami nila Michelle at ng iba nitong bisita. Hindi ko nagustuhan iyon dahil hindi ko naman siya gusto. Pero ayokong masama ang isipin nila sa akin kaya ngumiti na lang ako.


Natawa si Lando at naupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas na loob na makipag shake hands sa akin.


"Nameet din kita, Cresia." Aniya na payak kong nginitian.


Agad kong tinanong kung anong pinagkaka abalahan niya sa buhay. He's 29 years old. Nang malaman ko na tambay nga talaga ito ay naturn off na agad ako. Tinalo pa siya ni Kim. And the fact na college graduate siya, si Kim ay hindi ay parang mali na. Tinanong ko rin kung may balak ba ito na maghanap ng trabaho. Sa una ay hesitant pa ito magsabi ng totoo pero sinabi rin na wala daw. Nailing na lamang ako ng palihim.


Kumain kami ng mga handa ni Kim. Benta ang salad nito na siya ang nagtimpla ng rekados kagabi palang daw. Ang pancit ay ang tatay niya ang nagluto, masarap din 'yon. May cake din at ilang putahe pang ulam sa gustong mag rice tulad ko.


Kanina pa ako hindi tinatantanan ni Lando. Ayoko maging rude kaya nakikisama ako. Isa pa, nakaharap ang parents niya.


Hindi sa minamaliit ko kung ano lang ang buhay meron si Lando ngayon pero kung uunahin niya ang makipagkilala sa mga babae bago i-improved ang buhay niya at iset and buhay niya, financially, mas magiging okay pa ako, kahit ano pang trabaho 'yan basta marangal.


Alas gis nang makompleto kami. Dumating si Judy na nakisabay sa mga closing staff kasama sila Reynald, Ian at Lane.


Nag aya silang painumin ang mga ito samantalang kami ay kanina pa pinaiinom. Malapit naring sumakit ang ulo ko kaya konti ang nilalagay ko sa aking glass na siyang inirereklamo nila.


"Malayo pa ang uuwian ko. Baka mapano pa ako sa daan kapag nalasing ako ng tuluyan." Pagpapaliwanag ko sa kanila. May kauntung tawa.


"Dito ka nalang matulog." Suggest ni Lando. Nahihimigan ko ang kakaibang pakay niya kung bakit niya sinabi 'yon. Ngunit hindi ako pumayag.


Nagkantahan din kami. Wala namang kapit bahay ang nagreklamo dahil ganon daw talaga sa kanila. Kapag sila naman daw kasi ang nag iingay, wala daw pake alamanan.


Alauna nang magdesisyon kaming magsi-uwi. I know I'm drunk already but I can still walk on my own. Alam ko rin ang nangyayari sa paligid ko.


"Uuwi ka ba talaga?" Lando ask na siyang tinanguan ko. Kanina pa siya lapit ng lapit at hindi talaga ako nilulubayan.


"Kailangan. May naghihintay sa akin." Sambit ko na ipinagkunot ng kanyang noo.


"Sino?"


"Jowa niya, hinihintay siya! Tabe!" Sigaw ni Judy dahil kanina pa ako hawak ni Lando sa braso na tinabig ng kaibigan ko. Napangiti ako roon at tabi kami ng tayo habang naghihintay ng masasakyan na taxi.


"Boyfriend mo, Cresia?"


Hindi na ako sumagot pa nang may taxing napara si Judy. Sumakay kami pareho at sinabi kung saan kami dapat ihatid. Si Judy ang mauunang bababa kaya ako ang nasa kabilang dulo.


Sa byahe ay mas naramdaman ko ang pagkahilo dahil sa paggalaw ng sasakyan. Remember that I did this because I don't want to disappoint Kim and the others.


"Manong, pakihatid nalang siya, hah? Ito bayad manong. Keep the change."


Hindi ko alam kung magkano ang ibinayad pero wala namang sinabi o reklamo ang driver na siyang naghatid sa akin pauwi. Siguro ay malaking halaga ang ibinayad ni Judy.


"Ma'am, gising na po. Andito na kayo."


Gising ang diwa ko, sadyang nakapikit lang talaga ako para pakalmahin ang nagwawala kong sikmura at utak.


Nagpasalamat ako kay manong na siyang umalis agad habang ako ay hirap na hirap buksan ang gate. Ganon din ang pintuan.


Rinig ko ang ingay ng mga susi kong kumakalampas sa iba pang susi na kasama nito.


"I'm home." Hindi ganon kalakas na anunsyo ko sa pagpasok ng bahay. Ang isang kamay ko ay naghahanap ng suporta sa dingding para alalayan ang sarili.


Pagdating ng living room ay natigilan ako matapos makita si Uriel na nakaupo roon. Sa pagkakataong ito ay parang nawala ang lasing ko. Kung panaginip man ito o totoo o sadyang dala ng alak na ininom ko, hindi na ako natutuwa.


Agad kong nilapitan si Uriel at pinasok sa kanyang vintage box. Ikinabit ko rin ang black belt sa pareho niyang mga braso at binti.


Ang bilis ng tibok ng puso ko matapos kong madaanan ang kwarto na bukas ang pinto. How did this doll do that? Napahilot ako sa aking sentido at umiling.


Sinubukan kong tumawag sa manager ng company na siyang nagprovide ng information ni Uriel pero hindi ito sumasagot. I also tried calling Anika pero patuloy lang ang pagring ng phone nito. Anong oras na, malamang ay tulog na 'yon ngunit hindi ako mapakali. Mas lalo lang sumasakit ang aking ulo.


Tinakbo ko ang distansya papasok ng aking room. Nilock ko rin ang pinto ko at agad binalot ang aking sarili sa kumot yakap yakap si Miranda.


Lasing lang ba ako? O buhay talaga si Uriel? Sana nga... Sana nga ay lasing lang ako dahil baka matulad ako sa ibang tao na kinatatakutan ang pagkakaroon ng manika na hindi ko kinalakihan ng ganon.


Ilang oras ata akong nakatitig sa pinto, takot na baka magbukas ito pero nakatulugan ko ang pag tingin doon at pag iisip.


Sa umaga'y napasugod ako sa CR para sumuka. Parang napakasama ng aking pakiramdam at parang hindi ko kayang pumasok ngayon sa trabaho. But the moment I remember about Uriel, lumabas ako ng kwarto para icheck ito.


The vintage box is still in there. Nilapitan ko 'yon at dahan-dahang tianggal ang pagkakalock nito. Nang iaangat ko ang cover, I knew I'm not dreaming anymore. Uriel is not in the box.


Agad akong tumayo at iginala ang aking paningin para hagilapin siya. Namasa ang mga mata ko sa tinding takot. Ayokong paniwalaan ang mga nagsasabing may hindi maganda sa kanya pero onti-onti na yong pumapasok sa sistema ko.


When I get into the kitchen, roon ay nakita ko siyang nakaupo sa ibabaw ng oven at sa tabi ng oven ang lagi kong kinakain sa umaga. Fried rice with egg.


"Jesus Christ." I whispered to myself. Masama na ang pakiramdam ko dahil sa hang over at mas lalo itong sumasama dulot ng takot. Ang tiyan ko ay sumasakit sa pagpipigil ng hininga. Ang mga tuhod at kamay ko ay nanginginig. Napaupo ako sa isa sa mga upuan at napaluha. Tinitigan ko si Uriel at inisip kung paano siya nakalabas sa box nito at napunta doon.


Nagulat nalang ako nang mag ring ang phone ko na naroon sa loob ng kwarto. Tinakbo ko agad iyon, inaakalang sa manager ng kompanyang iyon. Ngunit isang hindi rehistradong caller ang tumatawag sa akin. Agad ko itong sinagot but there's no speaking on the other line.


"H-hello?" I trembled.


"Cresia..."


"W-who is this?"


Until the line ended. Napatitig ako sa screen nito ngunit ito muli ang tumawag. I answered it again habang naglalakad pabalik sa kitchen kung nasaan ang manika.


As I saw Uriel na muntik nang mahulog, tinakbo ko siya at mabuti nalang ay nasalo ko bago pa siya tuluyang mahulog at masira.


"I won't hurt you, Cresia..." Said from the other line dahilan ng pagtitig ko kay Uriel. Boses nagpapalambing ang nasa kabilang linya. It's a boy!


Kusang lumabas ang luha sa aking mata at ako na mismo ang nag end ng call. Napapikit ako at balak tawagan ang general number ng company para ibalik si Uriel nang makita ko ang nakalabas na papel sa bulsa ng pantalon nito.


I took it out and read the message in there.


"If you're good to me and so I am to you."


The message was written in a very neat way.


"Is this your handwriting, Uriel?" I asked like a crazy woman. Nang tignan ko ang likod ng sulat, nakita ko ang isa pang mensahe.


'This is Uriel.'

Benz Series 1: Uriel The DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon