My First Week
I guess, this is my fate already. Ang makulong at gawin ang mga bagay na hindi ko gusto para kay Damon. I guess, I cannot do anything about it. Nasaan na ba si Damien? I need him right now. I need him to get me out of Damon's house.
Kahit na nauuna ang lakad ko kay Damon ay naabutan niya ako. I felt him reach my elbow pero agad ko rin naman nabawi yon. He did that again for the second time na wala ring nangyari kaya naman humarang na siya sa harapan ko. Doon na ako natigil at hindi siya tinitigan. Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagpipigil. Parang may kung anong mabigat sa puso ko. Gusto kong sumigaw at magalit. Sabihan lahat ng mga hinanakit ko sa kanya. Na wala siyang karapatan na itrato ako ng ganito.
"Where are you going?" He asked. "Nakapagluto na ako." Tila parang walang nangyari kung sabihin niya 'yon. Galit ako! Hindi niya ba napapansin 'yon?! Sa bagay, sarili at ang nararamdaman niya lang naman kasi ang iniisip niya.
"Wala akong gana." Agaran kong sagot. Ilang segundo siyang walang imik kaya naman dahan-dahan kong inangat ang paningin sa kanya. Nang makita ang walang emosyon niyang mga mata ay umiwas din ako agad. I heard him sigh in a frustrated way. Siya pa talaga ang may ganang gawin 'yon?
"If that's what you feel, itatapon ko nalang 'yon."
Sa tono ng pagkasabi niya non ay mas lalo lang akong nainis. Parang kasalanan ko pa at ako ang mawawalan kapag hindi ko kinain ang luto niya. Marahas akong bumuntong hininga at dinako ang paningin sa iba. Walang sali-salita ay iniwan ko siya at nagtungo ng dining room para tikman ang luto niya. I don't want to leave bad impressions towards his maids. Baka isipin nila ay masyado akong mapagmataas.
Pagdating doon ay nakapila ang mga katulong sa kanang dako ng mahabang mesa. Hawak ang mga sariling kamay, hinihintay na may gumalaw ng mga nakahandang pagkain sa ibabaw ng mesa na may magarbong sapin.
Tinitigan ko ang pagkain isa-isa. I told Damon that I don't have the appetite anymore but seeing these foods makes me want to eat all of them. Mukha kasi silang masasarap and I believed it'll really taste good. Dati nang nagluluto si Damon at alam kong masarap talaga siyang magluto.
Naupo ako sa isa sa mga upuan na nasa unahan. The maids were about to get closer para pagsilbihan ako when Damon walks in at agad na sinenyasan sila na nagpatigil lumapit sa akin.
Damon started to do all the things. Ang paglagay ng paper towel sa aking lap at ang paghintay ng sagot ko kung anong pagkain ang gusto kong ilagay niya sa aking plato.
"Ako na." Sambit ko. Iyong Caldereta sana ang kukunin ko nang maunahan niya na ako. Siya ang kumuha non at siya ring ang naglagay sa aking plato.
"Is that fine?" Tanong niya matapos matantya ang nilagay na ulam sa aking plate.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Naglagay din ito ng kanin sa aking plato. Alam niya kung gaano karami ang ilalagay doon. Maybe he's used to it simula nang ipagluto niya ako noon sa isa niyang bahay.
He sat just beside me. Akala ko ay kakain siya ngunit ang bote ng wine ang kanyang binuksan at ang laman non ang nilagay sa kanyang wine glass. Gusto kong pagalitan siya. He needs breakfast but I don't want to sound like I still care matapos ng lahat ng mga ginawa niya sa akin.
"I bet she already told you everything. My manager." Mahinang sambit ni Damon.
Naging mabagal ang pagnguya ko sa malambot na karne para mas marinig pa siya. Inilipat ko rin ang paningin sa kanya ngunit ang panga lang nito ang unang nadapuan ng aking paningin. The shape of his jaw is really inviting. Kung hindi ko lang siya kilala o hindi nakaranas ng mga nakakatakot na pangyayari noon kasama siya, I would fall easily by just looking at that part of him. Iba pa kapag tumitig ka sa kanyang mata at buong mukha.
BINABASA MO ANG
Benz Series 1: Uriel The Doll
Mystery / Thriller[COMPLETED] Cresia is drawn to a beautiful, lifelike doll named Uriel. But the closer she gets, the more disturbing her world becomes. As Uriel's obsession deepens, she's forced to face a terrifying truth. The doll isn't just watching her... it wa...
