Kabanata 38

1.2K 72 11
                                        

Arrest


You can only feel safe when you think everything is fine, especially when you are with your most trusted and loved ones. Kaya naman ngayong kasama ko ang pamilya ko pakiramdam ko ay ligtas na ako. Mas lalo na ngayong kasama ko si Damon at ang pamilya nito.

I never expected myself eating with them. Tila isang kumpletong pamilya kami. There’s Mom, Dad, Manager Brina, Anika, Damon and Damien. Parang hindi rin namin inda ang nangyari kagabi sa amin para humantong sa ganito. Sa paligid namin ang mga serbidora ng kanilang bahay. Kita ko rin ang tuwa sa mukha ng kanilang mayordama. Ang sabi nito’y maaga daw silang nagising kumpara sa mga nakaraang araw para ipagluto kami ng mga masasarap na pagkain. Hindi ko man alam ang buong pagkatao ng mayordama at ng mga serbidora, nararamdaman ko naman na mababait sila. Parang ang sigla-sigla nila sa tuwing nakikitang magkasama ang kambal.


Noong inihiwalay si Damon sa pamilyang ito, siguro’y mabigat din ang loob nila. I also want to see Damon smiling to his twin. Gusto kong malaman kung gaano sila magkasundo noon at malamang ay gusto rin ‘yon makita ng nakararami ngayon.


Ngunit sa oras na ‘to, wala akong ibang gusto kundi ang malaman muna lahat ng pangyayari. Anong alam ng magkambal? My parents and I we’re not expecting that. Hindi ko aakalain na hahantong sa puntong may mamamatay at papatay. Are we really safe now? Makukulong ba talaga si Jenna? How about her daughter? Who will in charge of her funeral? I’m sure, the culprit needs to be in jail too, the ex one.


“My parents are coming.” Sambit ni Anika. Narito na kami ngayon sa aming kwarto habang siya ay nagc-compose ng mensahe para sa mga magulang niya. “Nalaman nila ang nangyari.”


“Who told them?” Tanong ko. Gusto ko pa rin naman na makita ng parents ni Anika ang anak nila. I know she needs them. Nabigla rin siya sa pangyayari at sa oras na ito, hindi ko siya pwedeng pabayaan mag isa. Kapag dumating na ang mga magulang niya, doon lang ako maluluwagan ng loob kahit na sumama pa siya sa kanila. Ayoko siyang umuwi ngayon sa bahay niya. Specially the last time she told me Lando went there.


“I don’t know. Maybe the police officers updated some news about what happened to us last night lalo na’t sangkot ang magkapatid na Silver’s.”


“I know you don’t want them to be here.” Sambit ko na may gusto pang ipahiwatig sa kanya. But I know she won’t just understand it.


“Ayokong mag alala sila.”


“It’s normal.” Nasabi ko rin agad. Noon pa man, alam ko na ang relasyon niya sa kanyang pamilya. Her family feels so distant towards her. They only care about her kapag may mga nagagawang successful na bagay si Anika. And I know she’s afraid that once they got here, they’ll only make her feel bad. Pagagalitan siya malamang dahil sangkot siya sa nangyari kahit hindi naman talaga. Iniligtas lang siya ni Damien.


Naalala ko tuloy ang sinabi nito. He saved her because he thinks I’ll worry to death? Given naman na ‘yon pero umaasa talaga ako na kaya niya niligtas ang kaibigan ko ay hindi dahil sa ganong rason. Iniligtas niya siya dahil kailangan, o hindi kaya dahil gusto niya. Pero hindi.


“It will never be normal.” Bumuntong hininga siya ng malakas. “Pupunta lang sila dito para pagalitan ako.”


Hindi na ako nagsalita pa. Lumapit na lang ako sa kanya at dinaluhan siya sa kalungkutan at pag aalala niya. Namimiss ko agad yung Anika na palaging baliw at masayahin. Seeing her in this condition makes me sad in some way. She never want any piece of advice anyways. Hindi raw nakakatulong. Naririnig niya man, hindi naman kayang matanggap ng sistema niya. She only accept advices when she’s in a good mood. She only need silence right now.





“Mukhang maayos na nga talaga ang lagay niya.”


Napalingon ako kay Daddy sa sinabi niyang ‘yon. Napalingon rin sa kanya si Mama. Hapon na at kaming apat lang nila Anika ang naiwan dito sa bahay. The Silver brothers went somewhere kasama si Manager Brina. Aasikasuhin daw nila ang naging kaso ni Mrs. Jenna Claveria and they need to tell everything to the police department.


Anika is not with us though. Nakakulong lang ito sa kanyang kwarto kaya kaming tatlo lang ang naguusap ngayon dito sa may living room. Mababait naman ang mga kasambahay nila. Everytime na makikita kami ay ngumingiti ang mga ‘to at nagtatanong kung gusto ba namin ng kahit na anong pagkain.


“I wonder who is his doctor and how everything went well.”


“Wala pa rin akong tiwala.” Kontra ni Mama sa tinutukoy ni Daddy na si Damon.


Bumuntong hininga ako at nilingon siya. “Bakit naman po wala kayong tiwala? Niligtas niya po tayo, ma.”


“Si Damien ang nagligtas sa atin. Sa tingin mo ba, kung hindi darating si Damien doon ay buhay pa tayo? Hindi na, Cresia. Please stop trusting that man too much!” Pasigaw na bulong nito.


Chineck ko ang paligid. Wala namang mga serbidora ang nakapaligid pero nag aalala ako sa mga sinasabi ni Mama. Hindi ko rin ‘yon nagugustuhan. Dad just massage his forehead in frustration. Tila ayaw niya rin ng inaasta ni Mama ngayon.


“We have to trust him now, Ma. Kung ang kapatid niya at iyong mga serbidora dito tiwala na sa kanya, tayo rin dapat.”


“I trust Damien. But not Damon.”


Napangisi ako dahil sa inis. Napatitig sa akin si Mama, gulat sa nakitang reaction ko. Nakabawi rin naman ako at agad umiwas ng tingin.


“I know you’re in love with him. But always think of what he did to us. To you.”


“Ma.” Suway ko. “Bakit ba laging si Damon ang kailangan suwayin at hindi dapat pagkatiwalaan?”


“Dahil sa ginawa niya.”


Napa iling ako. “Sa sobrang pagtitiwala niyo rin po kay Damien, hindi niyo namalayan na si Damon yung dumating noon sa bahay at hindi si Damien.”


Natigilan siya. “What?”


“See? You like them both, ma. I know. Kaya niyo lang naman sinasabi ito dahil mas gusto niyo ako kay Damien. You want the both of us to get married.”


Umalis ako agad pagkasabi non. Narinig ko pang tinawag nila ang pangalan ko. Shocked siguro sila na alam ko ang bagay na ‘yon. Naisip na siguro nilang narinig ko ang pinag usapan nila noong gabing ‘yon.


Bumalik ako sa aking kwarto at nag stay doon. Ayoko nang lumabas pa. Ayoko na muna silang makita. Ilang oras din ang lumipas nang may kumatok sa kwarto ko. Isang serbidora na may hawak na food trey. Pinasok niya ito sa loob at sinabing para daw sa akin ‘yon.


“Pinahahatid po ni Sir Damien.”


Napatayo ako agad. “Andiyan na sila?”


“Ah. Si Sir Damien lang po. Wala pa po si Sir Damon.”


Hindi ako nakapagsalita. The maid bowed before she leaves. Umupo ako pabalik sa talim ng kama at napatitig sa pagkain. The door opened again ngunit nanatiling nakabukas lang ‘yon. Nang iangat ko ang paningin ay nakita ko si Damien at nakasandal doon. He’s still wearing his dark suit.


“Hindi mo ba gusto ang pagkain? Magpapahatid ako ng bago.”


I smiled at him. Kumuha ako ng cute na biscuit at kinain ‘yon para maipakita ko sa kanya na gusto ko ang pagkain. He smiled at that.


“Pwede ba akong pumasok?”


Tumango ako. He left the door opened. Nang makalapit ito ay umupo siya doon sa single sofa na bahagyang nakaharap sa aking kama.


“Bakit hindi kayo magkasama ni Damon?” Tanong ko.


“May mga hinahabol lang siyang aasikasuhin sa Benz. I have updated some things that I did when we switched roles, and he has to be aware of all of those things.”


Tumango tango ako sa kanya. Doon ko naalala ang katanungan ko kung bakit kailangan nilang magpanggap. Magtatanong na sana ako ay nagsalita na naman siya.


“Damon will undergo investigation.”


“W-what? For what?”


Kinabahan ako. Bakit kailangan ng investigation?


“I guess, they took the flash drive na naglalaman ng mga old videos ni Damon.”


Naalala ko ang flash drive na ‘yon. Noong dapat na ikakasal kami ni Damon, there was a spy. Hindi lang iisang spy ang nakapasok kung ganon?


“Iyong spy na napatay ni Damon sa dati niyong tinitirhan, it’s just a distraction. Another spy was inside the house, nakapaghanap sila ng ilalaban sa kapatid ko. Also the papers, those are the results that Damon is suffering from multiple mental health issues.”


Nadapo ang tingin ko sa iba. My eyes gets wet. Nag alala ako bigla. Naalala ko pa ang laman ng mga flash drive na ‘yon. Alam ko ang mga ginawa niya doon. Nakasakit siya ng ibang bata. And for those papers, maaari siyang mawalan ng position bilang CEO ng Benz.


“May mga CCTV sa loob ng bahay na ‘yon! We can sue the spy for trespassing!” Halos habulin ko ang hininga sa inis. Damien nodded with so much acknowledgement on his face. Tila naiintindihan niya ang gusto kong iparating.


“I know. We already did. But we and the public can’t just turn blind with those things. Lalo pa’t ang laman ng flash drive ay mga video ay pananakit niya-“


“He was just a kid in all of those videos, Damien.”


“Yes, I know. But that will be use as a strong basis that if Damon grew up with such behavior, people will still assume he’s still the same.”


Umiling ako sa kanya. Damien lean closer at hinawakan ako sa magkaparehong balikat para pakalmahin ako. “Alam mong iba na siya ngayon. The Benz employees knew he never hurt someone before!”


“Calm down, Cresia. I will do everything to protect him. Sinasabi ko lang ‘to ngayon sayo dahil alam kong mag aalala ka.”


Mas lalong namasa ang mata ko. “Magpapanggap ka ba ulit na Damon?” Tanong ka sa pag aalala. Alam kong nag aalala ako para kay Damon pero kung ang way niya para iligtas ang kapatid ay ang mag panggap, I will stop him.


Natawa siya at umiling. Kalaunan ay sumeryoso muli ang mukha nito. “Just trust us, okay?”


I nod with him. His phone rang. Kinailangan niyang lumabas dahil mukhang mahalagang impormasyon ang sasabihin sa kanya.


Nang maiwan akong mag isa ay pumasok ang maraming katanungan sa isip ko. Ano kayang mangyayari sa kanya? Paano ilalaban ni Damien si Damon? Mawawala ba sa position ni Damon ang pagiging CEO? I’m sure noong naging CEO ito, may mga code of conduct pa siyang sinabi and being a good leader with honestly is one of it. Kapag napatunayan nilang may sakit nga si Damon noon, paano na? Pinaghirap niya ‘yon.


After 5 minutes, someone came again. Agad akong napatayo nang makita si Damon sa may pinto. He looks tired and disappointed at something kaya naman lumapit ako dito.


He’s not looking at me. He’s staring at the floor. Kinailangan ko pang silipin ang mukha nito para lang makita niya ako.


Seconds later, I found his head resting on top of my right shoulder.


“Will you just run away with me?” He asked in a low voice. Isa lang ang pumasok sa isip ko. Ang magpunta sa malayong lugar kung saan kaming dalawa lang. Pero hindi pa tapos ang problema ngayon. Escaping from it will never solve anything. “I’m afraid. And, it was my first time feeling it. I never had the time to prepare for it.”


“Dahil hindi mo naman aasahan na mararamdaman mo ‘to ngayon.”


“What should I do?”


Yumakap ako rito at tinapik tapik ang kanyang likod. Ito lang ang kaya kong gawin ngayon. Ang suportahan siya at hindi siya iwan. Wala na akong ibang alam para maresolba ano man ang problemang kinahaharap niya. But I know someone can.


“Damien found out everything about why I became like this in the first place.”


Ramdam ko ang galit niya sa salita. Gusto kong tanungin ang bagay na ‘yon but it feels like I need the whole time for him to say what he wants to say first.


“Kilala pala talaga ako ng Claveria family simula’t sapul. Kaya sila rin ang tumulong ang magluklok sa akin sa position ko knowing what I am hiding for all these years na kaya nilang ilaban sa akin ngayon.”


Humiwalay ako ng yakap sa kanya. Hindi ko maintindihan. Anong sinasabi niya?


“What do you mean?”


Ilang segundo siyang pumikit. Ilang segundo lamang ‘yon pero parang hinang hina at pagod na pagod na siya dahilan ng bahagya niyang pagkawala ng balanse. Mabuti na lamang ay mabilisan ko siyang naalalayan.


Mabilis ko siyang inilapit sa kama at pinaupo doon. Seconds later, Damien came back with a maid on his back. May dala itong small tea cup at agad na ibinigay kay Damon. Napatitig ako rito. Nang mapunta ang tingin ko kay Damien ay nakatitig na siya sa kanyang kapatid.


Ito nga talaga ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito kahina.


“You need to rest.” Damien said. “You’ve met a lot of people today, answering their questions, solving the investors trust’s issues, and everything. Alam kong pagod ka.”


Damon lift his head up. Tinitigan niya ang kambal saka ngumisi ng bahagya. “Would I end up being like this if they haven’t done such thing?” Bumagsak rin ang titig niya sa sahig at malakas na bumuntong hininga. Hindi ko maintindihan ang punto nila. Anong ginawa ba nila sa kanya? “They were after all of us. Both of us.”


Hindi ko maintindihan pero nanahimik na lamang ako. Damien left us after. Ako ay nanatili sa tabi ni Damon. Nakahiga na siya habang ako ay nasa tabi niya, tinatapik ang braso nito. He’s already sleeping. Pagod na pagod talaga siya. Ang dami niya siguro talagang ginawa ngayong araw.


Nang lumalim ang tulog nito ay umalis din ako ng dahan dahan. Nagdesisyon akong matutulog na rin sana but I saw Damien outside our room. Naroon din si Anika. Mukhang nag uusap sila.


“At saan ka naman tutuloy?” Si Damien. “Your name and face were shown in public because of what Jenna did. Pagkakaguluhan ka ng reporters sa labas lalo na’t wala pa kaming nilalabas na statement sa mga katanungan nila kay Damon.”


Katanungan? Do the public needs confirmation about Jenna Claveria? Tungkol saan? Sa nangyaring panghihimasok ni Jenna sa bahay ni Damon at halos mapatay kami? Porket ba kilala sila at mayaman ay hindi sila naniniwala? What else is there to ask? Or, is it about Damon’s mental issue? Kumalat na ba?


“Alam ko. Pero hindi na ako pwedeng mag stay dito. My parents are coming, Damien! Once they got here… “ Natigil si Anika na parang nahihiya sa sasabihin. “Baka kung ano lang ang gawin nila.”


“Naipaalam mo na ba ito kay Cresia?”


Anika shook her head in silence.


“Mag aalala siya.”


There he goes again. Tumingala sa kanya si Anika. “I know. Pero desisyon ko ‘to. Ayokong makita niyo akong mapagagalitan ng parents ko sa harap niyo.”


“No.”


“What?”


“I will not allow that. I will think of a way and help you. Kailan sila pupunta?”


“B-bukas na.”


Damien nod. “Ako na ang bahala.”


Aalis na sana ako pero nahuli ang galaw ko. Damien saw me after he watched Anika went inside the room.


“Cresia?”Lumapit siya. “I thought you will be sleeping in Damon’s room.”


“Mukhang kailangan niyang mapag isa.” May pag aalinlangan na sinabi ko.


He nodded. “Thank you. For staying.”


I know what he’s talking about. Iniisip ko pa lang ang simula ng lahat ng ito, alam kong naroon pa rin ang naging takot at pighati ko pero habang tumatagal ay parang wala na rin sa akin. Isa pa, I came to understand Damon’s real side and self. I know I have been trying to understand him even from the start that he only needs care, love, attention. Minsan, nawawala na ako sa paniniwala kong iyong mga na ‘yon ang makakatulong sa kanya para gumaling dahil sa mga ginawa niya sa akin na hindi ko nagustuhan. Pero bandang huli, narito ako ngayon at pinipili pa rin siya.


“Salamat din. I know you’re also protecting him without him knowing that kahit noon pa man.”


Ngumiti siya at bahagyang napa iling. “It’s my pleasure to protect him. Ayokong isipin niyang nasa akin palagi pabor ang tao. Pero hindi ko aasahan na pupunta talaga siya sa akin para humingi ng tulong.”


Napatitig ako ng ilang segundo sa kanya. I saw her eyes became red. Namasa rin ito kaya agad niyang iniwas ang tingin.


“He did that?” Natutuwang tanong ko.


“Hm.” He nod with a smile. He’s a very proud brother. “Matagal na akong nagseserbisyo dahil sa tawag ng trabaho ko. Nakakatulong nga ako sa mga tao pero dahil responsibildad ko lang ‘yon at kailangan kong gawin. But when he called me, see me, and told me he needed me, my help, pakiramdam ko iyon lang ang kauna unahang pagkakataon na kailangan talaga ako.”


I smiled out of relief. Damon is really doing good and changing for the better. And as for Damien, I’m also thankful he never resented his twin. Alam kong nasasaktan din kasi siya.


“When we we’re still kid, I’m always prepared to give everything of what I have. Masaya siya sa ganon. Ganon din ako. At handa pa rin akong ibigay ang kahit na ano sa kanya ngayon.” Saka siya tumitig sa mga mata ko.


Mas lalong lumawak ang ngiti ko. A thought of both of them playing popped on my head. Damon being chased by Damien, running, giggling.


Bago kami maghiwalay ni Damien para makapag pahinga ay tumitig din ito sa aking mukha. ‘Yong huling sinabi niya, parang may iba pa siyang gustong iparating.


Tulog na si Anika nang maabutan ko sa loob ng kwarto. Narinig ko ang usapan nila Damien kanina. Gusto ko rin tumulong pero hindi ko alam kung paano. Iniisip ko rin kung paano siya tutulungan ni Damien bukas.


When morning came, naalarma kami sa mga dumating na bisita. A group of police officers. May dala silang warrant arrest. And they’re here for Damon. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita si Lando na kasama nila, nakangisi at parang nang aasar.


“Sir Damien, pasensya na.” Sambit ng isa nilang kasama. Damien brows shut up towards them. Ganon din kay Lando. Napatingin ito sa akin. Kahit wala pang sinasabi ay alam ko na.


“May maitutulong ba ako?”


“Narito kami para I lift and naunang kaso sa pagkawala ni Ms. Cresia Smith nitong nakaraang buwan for kidnapping. At itong lalaking ‘to ay itinuturo ang kambal mong si Sir Damon na main suspect.”


Lahat kami napalingon sa bagong dating na Damon. He’s wearing his cute mickey mouse pair of pajama and long sleeve shirt. Magulo ang buhok nito at mukhang alam na ang nangyayari. He’s not even smiling. I recall the face of him when I first saw him. Ngayong magkatabi sila ng kambal nila, wala akong makitang pagbanago. Specially now that Damien also dyed his hair into black.


“Kailangan muna ng matibay na pruweba para maituro ang kambal ko bilang suspect.”


“Sinabi sa amin ng witness na siya ring victim noong gabing makidnapped si Ms. Cresia na naalala nito ang damit ng capture bago tuluyang maka aalis. Mr. Cabrera finally remembered that the capture’s clothes the time before he loose consciousness. May mga nakakabit din kasing chains rito. Tugma ito sa idinescribe na damit at naalala kong may nakita nga akong ganon na damit sa walk in closet ni Mr. Damon na siyang nakumpirma ko rin nang magsagawa ng investigation sa old house nitong nasa forest. Nakita ko na rin kasi si Sir Damon na suot ang terno na ‘yon nang minsan kasama nong mga chains and accessories.”


What? No!


“So, since he was the victim back then of that capture na siyang nanghampas, ipinaparating niya na rin na siya rin ang main suspect para sa near rape ng best friend ko!” Anika said. Mas nagpaharap ito. “Yang kasama niyo ang muntik mang rape sa kaibigan ko! Bagay lang sa kanya ang mahampas!”


What? He likes Damon now too?


“We already have an idea about it pero dahil sa kakulangan sa proof, at dahil na rin sa biglaang pagkawala ni Ms. Cresia noong gabing ‘yon ay hindi matuloy ang kaso niya-“


“Ipunta niyo na lang ako sa presinto.”


Lahat kami napatitig kay Damon.


“Damon!” Sita ni Damien. Humawak rin ako sa kamay nito. Ano bang sinasabi niya! Ano man ang kaso ni Damon sa akin, handa akong iurong ‘yon!


“Ayos lang ako.”


“Pero hindi pwede-“


“Damien will continue the legal process on Jenna’s case with you. Okay?”


Kusang lumabas ang isang luha sa kaliwang mata ko. He hugged me right away and kissed my forehead. Halos marinig namin lahat ang malakas na pag gasp ni Mama ng air dahil sa nakita. Dahil roon ay napatingin sa kanya si Damon. Damon just bowed a little bit bago tuluyang sumama sa mga police.


“Kung ganon dapat kasama ako. Ako ang main victim dito!” Saad ko sa mga police dahilan para tumigil sila sa paglalakad palayo.


“We need a one on one discussion for now Ms. Cresia dahil sa nakikita namin, you’re having a good time sa itinuturo nitong si Lando kaya naman nagkokontra ang process and logic. Once he’s done, we’ll call you at ikaw naman po ang tatanungin namin.”

Napapikit na lamang ako sa inis.


“Sasama na ako.” Damien followed. But Damon grab his hand para hindi na ito matuloy sa paglakad.


“You will stay here with them.”


“There’s also not enough proof to just put you in jai-“


“They need at least one Silver here. Kaya ko na ‘to.”


“Ako na lamang ang sasama sa kanya.” Dad forwarded himself. Nagkatitigan sila ni Damon at nagtunguan. Mukhang nagtiwala naman si Damien kay Daddy kaya nagpa ubaya na ito.


“Hindi siya pwedeng makulong. Hindi ako magkakaso.” Natatakot na sabi ko.


“They will not. Hindi lang dahil tugma ang na describe ni Lando na damit ni Damon ay siya na agad ang matuturong suspect. They will question him. And I’m sure he’ll answer wisely.”


“And, I’m sure Lando will be be the one in Jail. Not Damon.” Anika said. “Siya mismo ang nagbigay ng lead sa mga police na siya rin ang suspect sa near rape na ‘yon. Specially na siya naman talaga ang main suspect noon pa man at sa’yo mangagaling mismo. They just lack proof kaya hindi natuloy-“


“No. It’s not only about the proof.” Putol ko. Lahat sila napatitig sa akin. “Damon pays him off with money para hindi niya maituro na si Damon ang capture ko.”


Agad pumitik si Anika. “Right! I almost forgot noong pumunta siya sa bahay para lang guluhin ako at tanungin kung nasaan si Damon dahil wala na siyang pera!”


“Lando did what?” Damien asked.


“Pumunta siya sa bahay niyo?” Tanong rin ni Mama.


“Opo. Natakot nga po ako, e. Lalo na naalala ko yung nangyari kay Cresia noon.”


“Now I remember why we can’t just put him in jail that easily. Siya ang natagpuang lalaki noong umaga na nawala ka. Wala nang ibang maituturong suspect sa near rape mo kung hindi siya lang dahil kung hindi, bakit siya naroon sa kwarto mo. For cases like that, as long as my confirmation sa victim, pwedeng ikulong. Pero may biglang dumating na attorney si Lando. Hindi rin siya aware noon at inilaban ang kaso na kesyo kulang sa proof. And I think that’s what Damon did. Kapalit ng freedom niya ay ang pagiging tahimik niya sa inyo.”


Napalunok na lamang kami sa matinding frustration.


“Don’t worry. He will be fine. “ Damien said in resurrecting tone. Tumango ako. Nang tignan ko si Anika ay nakatitig na ito kay Damien at pasekretong inirapan ito. Gusto kong matawa sa ala alang si Damien ang kasama niya noon at hindi si Damon.


“Sir Damien.” Isang serbidora ang dumating. “May bisita po kayo. Nandito raw po sila para sunduin si Ms. Anika.”


Nagkatitigan kami ni Anika. Ano ba naman ito! Hindi pa nga tapos ang mga pala isipan ko sa nangyari kina Jenna at sa pagitan ng pamilya Silvers, ganon din sa ginawa nilang paghuli kay Damon, ngayon naman ay iisipin ko na rin kung paano magpapaliwanag sa parents niya. Nasangkot siya dahil sa akin!


“Asan sila?”


“Nasa labas po ng gate.”


“Let them in-“


“Hindi.” Pag putol ni Anika. Bakas ang takot sa kanyang mukha.


“Ako ang bahala.”


“Susunduin ko sila sa harap ng pinto para hindi sila masyadong mag alala.” Sambit ni mama. Mukhang okay nga ‘yon para mas maisip din nilang ligtas talaga si Anika. Sumunod si Damien at ang kaibigan ko. Susunod na rin sana ako nang makatanggap ako ng text.


It’s from Damon.


“If my answers will be different from yours, always think that it’ll be okay. Don’t hesitate on keeping what you want to say to them.”


Napasabunot na lang ako sa aking ulo! Ngayon pa talaga siya nagdrama! Damn it! I need to know what will be his answers to them para hindi siya makulong! Hindi niya ba sasabihin ‘yon sa akin!


Bakit ngayon pa kung kailan….


Trinaynkong tawagan ang phone niya pero naka shut dow na ata. Mukhang kinuha na sa kanya ang mga gamit niya.


Paano na?

A/N: I'm really sorry. Alam kong matagal akong walang paramdam. Nagkasakit ako ng ilang araw. Tapos biglang nagka mental break down ako for unknown reason. So as for my therapy, ginugul ko yung sarili kong manood ng mga movies para mag liwaliw. Unti unti naman bumabalik yung loob ko sa pagsusulat. My writing style feels like I lack something on it. Hindi ko alam kung ano dahil kagagaling ko lang din sa matinding pressure. Pero sana maenjoy niyo parin. Everyday, I've been wanting to write a chapter pero every time inoopen ko ajg draft ko, para akong naputulan ng kamay at hindi na alam kung paano magsulat kaya ngayon lang. I hope you understand. Salamat rin sa suporta at sa paghihintay.

Benz Series 1: Uriel The DollMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon