A New Information
Life is meant for us even if it’s… what? Too dramatic with heavy and unexpected responsibilities and so on… And we’re too smart to get rid of those. I guess, destiny is too envious because we always gets over to any challenges. Alam naman nating lahat na hindi madali ang process. Hindi madali ang mag tiis, at masaktan para masalba ang kung anong dapat isalba. Dahil kung hindi tayo kikilos, mas lalo tayong kawawa. That’s what make us stronger. Those are the things that make us be our self, and the way to know our self. Na kaya ko pala ‘yon. Na ‘yon pala ang basehan ng tao sa akin kaya nila nasasabing malakas ako.
I am now in front of Lando, staring him with so much disgust. Naka posas ang kanyang mga kamay na nakapatong sa mesa. Nakangisi siya sa akin at parang wala siyang pake alam sa paligid. They already decided to put him in jail. Kung noong una ay hindi siya nakulong dahil nagpadala si Damon ng lalaban sa very possible na kaso nito, hindi na ngayon. He gets a positive result on drug test. Malamang ay iyon ang pinag kaabalahan niya sa mga ibinigay ni Damon na pera. Isa na rin sa katotohanan na siya ang muntik gumahasa sa akin.
Alam kong deserve ng tao mabuhay. We deserve to live pero may ibang tao na ginagamit sa maling paraan ang mabuhay. They abuse the power of life and they hurt people purposely. At iyon ang hindi katanggap-tangap.
“Sa tingin mo pa lang, nandidiri ka na sa akin. Pero andito ka para bisitahin lang ako?” Pang aasar niya. Naikuyom ko ang kamao at tinitigan pa siya ng maayos. Habang patagal ng patagal ay naalala ko ang ginawa niya sa akin. Ang mga nakakadiring hawak, haplos at halik niya. His eyes were like projectors, flashing me the night I was near raped by him. Kaya napaiwas din ako agad. Hindi ko rin pinansin ang sinabi niya.
“Bakit bigla kang umamin sa mga police? Damon gave you a lot of money to save your ass.” Nanggigigil na sabi ko. Is there any reason kung bakit bigla na lang siyang umamin knowing he might also get in jail?
“Ayon na nga. Hindi niya na ako binigyan pang ulit kaya sinabi ko na. Naiinip na ako, e. Hindi ko naman aakalain na mas bibigyan ako ng malaking halaga ni Mrs. Claveria.” Bulong niya na pigil ang pagpapakawala ng matagumpay na tawa.
“Ano?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
“Kinuhanan nila ako ng impormasyon tungkol sa’yo, matagal na matapos ka niyang kunin. They offered me a big amount. Hindi naman sila nahirapan na hanapin ako dahil sa mga on going cases natin.”
Walang hiya talaga siya. Para lang sa pera. Maybe Damon got tired of him kaya tumigil na siya sa pagbibigay sa kanya. Kahit ako ay maiinis lang sa kanya. He think he can always win dahil isa rin siyang witness. Sa bagay, oo nga’t witness siya sa pagkawala ko pero suspect din siya at ako rin ang biktima niya. Doon siya nagkamali.
“Bakit ba kasi, hindi na lang pumayag ang lalaki na ‘yon na pakasalan ang anak nilang si Hailey. Nag announced pa na mag fiancé kayo.” Tumawa siya ng ilang saglit. “Nagalit tuloy si Mrs. Jenna at ‘yon, lahat ng mga nakuha niya sa aking information, pwede niyang magamit sa inyo.”
Kung ganon, kahit na binayaran pa siya ni Damon, nagt-trabaho pa rin siya sa mga Claveria. Napaka sama niya. But I just laugh at that, not because I mean and want to. Kundi dahil mababaliw na lang ako kakaiisip sa lahat ng ‘to. Tumingin siya sa akin na may konting pagtataka. Mukhang siya ang hindi makapaniwala ngayon na nakukuha ko pa rin tumawa.
“Sinabi ko sa kanila na, siya ang kumuha sa’yo noong gabing ‘yon.” Pagpapatuloy nito. “Alam din nila na binayaran ako ni Damon para pagtakpan ang katotohanan.”
Malakas kong kinalampag ang mesa na nasa gitna namin. Nagbalik ang ngisi sa kanyang labi saka siya sumandal roon sa kinauupuan niya. Para niya akong hinahamon.
“Anong katotohanan ang sinasabi mo…”
“Na siya naman talaga ang kumuha sa’yo-“
“At kagustuhan ko ‘yon.” Halos magsalubong ang dalawang kilay ko habang nakangisi rin. “Anoman ang sabihin nila sa kaso na ‘yon, hinding hindi ako magsasampa ng kaso dahil sa akin na mismo mangagaling ang katotohanan. At sisiguraduhin kong ikaw ang mabubulok dito sa kulungan. Paano ka na?” Pang aasar ko rin.
Pinakita niya sa akin ang pagkawala ng interest sa sinabi ko. Tumitig lamang ako sa kanya hanggang sa maibalik niya rin ang atensyon sa akin. Ano bang meron at masyado atang malakas ang loob niya kahit narito na siya sa loob ng kulungan? Epekto ba yan ng drugs o may iba pa siyang iniisip?
“Iisipin ng mga police ang rason kung bakit pa ako kailangan bayaran ni Damon para pagtakpan ‘yon-“
“Then tell them.” Malakas na loob na sinabi ko. Gustong gusto ko na siyang makitang naghihirap ngayon sa kahit anong sakit.
Hindi ko mapigilan ang isip ko na pinapatay siya roon sa isang sulok. Ramdam ko rin ang pamamasa ng aking mata dahil sa galit. “Ako pa rin ang maglilinaw ng lahat na isa lamang hindi pagkakaintindhan ‘yon. And who knows? Maybe may ginawa kang masama? Baka naman nang blackmail ka kaya pinagbayad mo si Damon?”
Nawala ang ngiti niya sa labi. Hindi ako sigurado sa sinabi ko pero mukhang epektibo ‘yon.
“Huwag mong baliktarin ang sitwasyon. Siya ang nang blackmail sa akin. Binayaran niya ako para hindi ako magsumbong.”
“At ano naman ang pinang black mail niya sa’yo? At ano bang sinasabi mong hindi ka masumbong?” Natawa pang kunwari na tanong ko. “Ang katotohanan na makukulong ka rin dahil pinasok mo ang bahay ko at muntik mo nang ma rape? Sa tingin mo pangb-black mail ‘yon?” Ako ang ngumisi ngayon. “Makukulong ka naman talaga kahit wala ‘yong pera.”
Hindi siya nakapagsalita.
“At ngayong isiniwalat mo ang lahat, oo nga’t maaari ring makulong si Damon pero gagawin ko ang lahat para mailabas siya dito. Pero ikaw… ikaw ang mabubulok dito.”
Agad akong tumayo at kinuha ko ang bag ko. Ramdam ko ang panginginig ng labi ko dahil sa pinaghalong kaba at galit. Ayoko nang makipag usap sa kanya dahil baka ako naman ang makulong. Baka magawa ko ang nasa isip ko, lalo na’t naka posas na lang siya.
Aalis na sana ako nang magsalita siya.
“Hindi siya basta-basta makaka alis dito. Lalo na sa mga lumabas na mental behavior niya noong bata siya-“
Hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya. Lumapit ang dalawang police pero hindi naman nila ako pinalayo. Nanood lang ang mga ito. Lando’s face turned to me. Halata ang galit nito sa mukha at mata pero wala akong pake alam.
Ginawaran ko siya ng nang hindi makapaniwalang tingin at ngisi.
“Sinasabi mo yan sa kanya na may moralidad pa rin naman hanggang ngayon. Mental behavior?” Natawa ako pero mabilis ding nakabawi at sumeryoso. “Tignan mo muna yang sarili mo at maghanap ng itatawag sa ginawa mo sa akin. You will remain as rapist at sisiguraduhin kong ikakalat ko sa lahat na isa kang manyakis, mukhang pera, at rapist. Nang sa ganon, pandirian ka ng lahat. Makalabas ka man sa kulungan na ‘to, sisiguraduhin ko rin na wala kang maabot. Walang kukuha sa’yo na trabaho dahil sa ginawa mo. Panonorin kitang naghihirap.”
I saw him gets mad with all of my words. Agad siyang tumayo at susugurin na sana ako nang hawakan na siya ng dalawang police. Dumating din si Damien na marahan akong inatras at pinalayo sa kanya.
“Let’s go.” Ani Damien. Nang makatalikod kay Lando ay saka lamang tumulo ang luha ko.
We exited that area at roon sa may likod lumabas para makalanghap ng sariwang hangin. Kung hindi niya pa siguro ako nilabas doon ay nakita na ng Lando na ‘yon ang weak side ko.
“He said, the Claveria took him and paid him a bigger amount of money.”
“I know. We know.” Ani Damien. Binigyan niya ako ng bottled water na bukas na. Agad ko rin ‘yon ininom para kumalma. “Nalaman namin yan ni Damon noong matagal kaming hindi nagpakita sa’yo. We investigate everything.”
Katahimikan ang namutawi sa amin. Mukhang mas marami silang nalalaman na hindi pa nasasabi sa akin. Pero ayos lang. Ayoko na rin malaman.
“Bakit parang wala ata siyang pake alam na nakakulong na siya ngayon? Ano bang pinanghahawakan niya?”
“He doesn’t want everyone to see the weak side of him. At tulad sa sinabi mo, Jenna paid him a bigger amount. Baka may usapan din sila na sabihin ang lahat dahil kaya pa rin siyang ilabas ni Jenna dito.”
“But Jenna’s also in jail now.” Naguguluhan na banggit ko.
“Hm. That is why, I’m still investigating. Lalo na sa mga ibang nakakakilala sa kanya na pwede siyang ilabas. And that makes Lando think Jenna will also take care of his case.”
Umiling ako. “Gusto ko nang makita si Damon.” Wala na akong ibang nasabi. He just nod.
“Pauuwiin siya ngayon kasama ang Daddy mo. Since hindi ka na magkakaso patungkol sa inyong kidnapping case, ang naiiwan na lang na hindi pa klaro ay ang mga pruweba patungkol sa behavior niya. At hindi na ‘yon ganon kabigat. I made sure to the officers that I will be there to standby and watch my twin brother.”
Tumango ako. Salamat naman at naklaro na ang kaso sa pagitan naming dalawa.
“Some fees were included of course pero nabayaran ko na ang lahat ng ‘yon.”
Sumakay kaming dalawa sa kotse nito. Hindi na ako makapag hintay na makita si Damon. Kahapon lang naman siya kinuha ng mga police for interrogation. Nang ako naman ang inembestigahan ng police kanina ay hindi ko siya nakita.
Naalala ko tuloy kung gaano akong katakot at kabadong sumagot sa mga tanong nila.
“Hindi ka ba niya sinaktan?” Iyan ang unang tanong. Sinaktan niya ako, oo. Pero hindi ko na maalala kung gaano kasakit ang mga ‘yon. Pero sinabi ko pa rin ang totoo. That he tried to inject me with some anesthesia. Iyon lang naman. Meron kasi sa loob-loob kong sinabi na talaga ni Damon ang lahat. Ayokong magsinungaling.
Pagkatapos ay kwinento ko na kung paano niya akong niligtas at inalagaan. Oo nga’t kinuha niya ako sa pangalawang pagkakataon but we made a deal that time about having a baby. Ibig sabihin, okay ang relasyon naming dalawa.
They said that even if I don’t sue him, makakasuhan pa rin siya sa ginawa niya but it will be minor case only since negative namang wala siyang ginawa sa akin at wala rin akong mga pasa, sugat or injuries. Ang mga maids and servants niya rin ang nagpatunay. I’m glad there were CCTV’s in there na mas sumuporta sa katotohanang maayos talaga ang samahan naming dalawa. Ang kapalit nong minor case niya na ‘yon ay kayang mabayaran ng pera.
“We’re here.” Anunsyo ni Damien. Narito na kami sa bahay nila. Hanggang ngayon ay andito pa rin kami naninirahan. Except for Anika. Umuuwi na siya sa parents niya na nagbalak mag stay dito nang mas matagal.
“Paano kung napatunayan nga ang tungkol sa behavior niya? Sa tingin mo, makukulong ba siya?” Walang kaide-ideyang tanong ko. Diretso akong naka titig sa harapan.
Damien just took off of his seatbelt. Ako rin ay nag tanggal na ngunit nanatili lang kami sa loob ng kotse.
“Pwede nilang pagbasehan ang behavior niya kung bakit ka niya nakidnap. Pero maliban doon, wala na. Sa mga videos na nakita noon, 9 years old pa lang siya doon. At wala naman siyang napatay. Minor injuries, pwede pa. He can’t be sued back then-“
“Pero pwede na siyang kasuhan ngayon. Hinintay na lang na humantong siya sa tamang edad… ‘d-di ba?” Naiiyak muli na tanong ko. Lahat ng posibilidad na mangyari ay itatanong ko na at wala akong ibang gustong marinig na sagot kundi ang ‘hindi siya makukulong.’
“He will not get sued. Those videos na nasa flash drive, nagiging aggressive lang si Damon kapag inaapi ng iba. Kung wala naman nang aapi sa kanya, ang mga gamit ang pinagbubuntungan niya. All of the mental expertise will explain how much care and understanding should be applied. It was just a defense mechanism for him na may mental issue. At wala silang magagawa doon kung ganoon na siya.”
Nakatitig lang ako sa kanya at nakikinig sa bawat sinasabi niya.
“Buti sana kung bigla na lang siyang nananakit nang walang dahilan. Nagagalit lang siya kapag ginagawan siya ng masama. And we all understand that.” Eksplanasyon nito na ikinatango ko ng ilang beses. Nakita ko siyang napalunok at tinitigan ako ng maiigi. “I have been also studying his case. Wala rin naman siyang pinatay ngayon.”
“H-how sure a-are you?”
Madalas ay may tinatagong baril si Damon. Saan niya naman ginagamit ang mga ‘yon? Hindi ko na alam ang iisipin ko. Doon sa video sa flash drive, noong pinag hahampas ni Damon ang piano, umiyak siya at sinabi kay Brina nay may sumira sa piano niya. P-paano kung may ginawa siyang mabigat at hindi maalala?
“I just know. He was already a bit better when he owned the company. It runs successfully. Matalino siya at legal na lahat ng ginagawa niya. Iyong mga nambastos sa’yo doon sa gubat, he can surely kill them all but he called us. So I’m sure of it.”
I nod at him. Pinawi ko ang mga luha at siya nama’y hinawakan ako sa balikat at marahang tinapik ‘yon.
“Isa pa. May iba pa kaming nalakap na impormasyon patungkol sa naging mental issue ni Damon, pwede namin iyon ilaban.”
BINABASA MO ANG
Benz Series 1: Uriel The Doll
Mystery / Thriller[COMPLETED] Cresia is drawn to a beautiful, lifelike doll named Uriel. But the closer she gets, the more disturbing her world becomes. As Uriel's obsession deepens, she's forced to face a terrifying truth. The doll isn't just watching her... it wa...
