Strip 26.2

624 15 8
                                    

Chapter 26.2

 a/n: sorry for waiting too long. Super busy sa work e. Holy week, sa most of you will be on vacation. But not me. Kaya subukan kong mag-update ulit before Easter Sunday. Try lang ha. Fingers Crossed. hindi ko na to naproof read kaya pasensya sa madaming typos. Hehe. Miss u guys. Ill be waiting for you votes and comments. yung gusto pa lang magpadedicate ng chapter message nyo lang ako o icomment nyo dito. Thanks.

Twitter: iAmIbyang1101

FB: facebook.com/IbyangWP

(^____^)

Kendra's POV

"Why a long face?"

"Wag ka na lang magtanong. May kasalanan ka pa sa akin."

Nanlaki naman ang mga mata nitong lalaking katapat ko. Kanina pa ako naiinis dahil sa kutong-lupang iyon. Sukat ba namang ipahiya ako sa harap ng mga empleyado niya. Yeah, as much as I hate to admit, mukhang sa kaniya nga iyong resort. Pero paano? Ang bata pa niiya para magkaro ng ganung klaseng business ah.

"Teka nga," nangalumbaba ako sa ngayo'y busing-busy na si Matthew. "Bakit mo ba ako dinala dito?"

Ni hindi man lang niya ako nilingon at nagtuloy lang sa pagtatype sa laptop. I must say, he is really serious with his bar. Dugo't pawis ang ipinundar niya para lang maitayo ang business niya na iyon. At saksi ako sa hirap na pinagdaanan niya. Sa totoo lang, hindi na naman niya kailangan maghirap to begin with. Kayang-kaya siyang tulungan ng mga magulang niya sa pinansyal na bagay, pero gusto niya raw na s'ya mismo ang gumastos at magtayo nito. Kaya naman nagpursigi siya sa lahat ng bagay nang hindi humihingi kahit na isang centimo sa mga magulang nito. Ganun na lang ka-proud si Matthew nung magbukas ang Chemistry at isa na ito sa mga pinakadinarayong bar sa siyudad. "Ikaw ang may sabing gusto mong lumayo. Tinulungan lang kita." See? Walang kwentang sumagot kapag laptop na ang kaharap.

"Alam ko na 'yun. Ang ibig kong sabihin, bakit dito?"

 

Nag-angat siya ng tingin saglit at saka ako kinunutan ng noo. Para bang isang malaking kalokohan ang tanong ko. "Nag-uulyanin ka na ba, Kendra? Nasa Manila nga 'yung pupuntahin natin diba? Kaya tayo nakarating dito." Ipinagpatuloy  niya lang ang ginagawa.

 

"Argh! Mauuna ka pang mag-ulyanin, Garner." Sabay sara ko ng laptop niya. Para siyang batang inagawan ng candy, kaya naman hindi ko naiwasan ang ngumiti.

"Kendra! Ano bang nangyayari sa'yo? Epekto ba 'yan ng init sa labas o ng--"

 

"First rule, walang trabaho for 3 days, okay?" Aalma pa sana siya pero pinigil ko na agad. "Second, walang magmemention na kahit na ano tungkol sa kung ano o sino ang dahilan ng paglayo natin. And lastly, gusto kong ipaliwanag mo sakin kung bakit nandito ang isang Joacquin Sanchez."

"Sanchez?" Humalukipkip ako sa harap niya. Kapag naaalala ko 'yung nangyari kanina, hindi ko maiwasang hindi mainis. May araw ka rin sakin. "Ahh, 'yung mga Sanchez ba? Sa kanila namin binili 'tong villa. Actually, sa kanila ang buong kahabaan ng beach na ito. Pero dahil mapilit si Mom, ipinabili niya kay Dad 'tong villa nung minsang magbakasyon sila dito." Napanganga ako sa kwento niya. So, totoo ngang mayaman 'yung Wacky na 'yun. E bakit kailangan pang magtrabaho sa ibang kumpaniya ni Quenie? "Ayaw pa ngang ibenta nung matandang Sanchez pero wala namang hindi nakukuha si Dad lalo na kung para kay Mom. Kaya heto." He motioned his hands showing their villa. "Paano mo nga pala  nakilala ang mga 'yun?"

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon