Strip 40

270 10 8
                                    

A/N: Dahil masyado akong natuwas sa strawberry picking, at sa Canada Day celebration, plus work at pagiging addict ko sa K-Drama, (yes K-drama cause Ji Chang Wook is heart heart hahaha) and I was so into wattpad reading again, plus my wife duties (wow haha), i know reasons, reasons, so yeah, i wasnt able to comply to my Thursday update. But hey, here it is now. It's better late than never right? Haha. Short update again because my friends are already bugging me here at the SB. Pag sinipag ulit. I might try updating "MISERY LOVES COMPANY" later this week. No promises tho. Thanks. I love reading your comments and messages. So please, keep it coming. Thanks!!!! 


xoxo

Mrs. A


Chapter 40

Ethan's POV

Yesterday was the best day of my life from the past 5 years. I didn't even know my heart was capable of containing this much happiness and excitement. I stayed the night at the hospital kasama ng mag-iina ko, pero maagang-maaga akong umalis para asikasuhin ang bagay na matagal ko ng ginawa.

"Manang," she was preparing breakfast when I called her attention.

"Ijo magandang umaga. Ilang araw kang hindi umuwi ah. Nag-aalala na sa'yo ang Mama mo." Mahigpit kong niyakap ang matandang parang tumayong pangalawang Ina ko na rin. "Ijo, ako'y kinakabahan sa inaakto mo. May problema ka ba?"

"Manang, nahanap ko na ang mag-iina ko."

Ramdam ko ang pagkagulat niya sa mahigpit niyang pagsagot sa aking yakap. Higit kaninuman, si Manang Adel ang siyang nakakaalam ng pinagdaanan ko sa loob ng limang taon. Sa unang mga araw at linggo, halos hindi ako kumakain sa pag-aala kay Kendra. Dumating din sa punto na gusto na akong ipa-ospital nila Mama at Ate Elise dahil sa dehydration. Maging sa trabaho, pati mga empleyado ko, apektado sa nagiging ugali ko. Isang araw, sumugod sa opisina ko si Matthew. Bago pa ako makapagsalita, isang malakas na suntok na ang sumalubong sa akin. Hindi ko siya masisi. Kagaya niya, puno rin ng pag-aalala ang utak ko. Inaawat na siya ng mga security pero hinayaan ko lang siyang suntukin ako. I deserve this. I know I deserve that for letting the most precious thing that happened in my life , slip out of my grasp.

"Totoo ba iyan, ijo? Naku, Mabuti naman. Nasan? Bakit hindi sila kasama?" Mabilis niyang pinahiran ang mga tumakas na luha sa kaniyang mga mata.

"Nasa ospital sila Manang."

"A-Ano? Jusko! Anong nangyari?"

"Mahabang kwento, Manang. Pero ang mahalaga, nakita ko na sila, at hinding-hindi ko na hahayaang may sinuman ang maglayo sa kanila mula sa akin." Tumango siya kahit na medyo naguguluhan sa aking mga sinabi. "Manang, si Papa?"

"Nasa study room."

"Huwag kayong magpapasok kahit na sino hanggat hindi ako bumababa, Manang." Tanaw ko mula rito ang hagdan paakyat, at unti-unti, nagngalit ang pagkamuhi ko sa taong dahilan ng trahedyang ito.

Bago pa makapagsalita si Manang, nagsimula na akong lumakad.

Hindi ko na kinakailangang kumatok dahil maluwang ang pagkakabukas ng pinto. Mula sa mga papeles na kaniyang tinitingnan, itinaas niya ang kaniyang tingin sa akin at saka muling bumalik sa mga papeles.

"Good timing. I was just about to call you." I closed the door behind me. "Hindi na makakapaghintay ang mga Henderson. We need to have the merger done as soon as possible. Clear up your schedule for this afternoon. Pati ang kapatid mo ay pinatawag ko na rin para ma-finalize ito."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon