Strip 1

1.9K 19 0
                                    

 Chapter 1

a/n: alam kong may ongoing story pa ako.. at hindi ko pa yun natatapos, pero bigla na lang kasi nagpop-out sa shrek mind ko ang story na ito.. sinubukan ko lang namang  isulat.. kaya ito.. PG-13 sya.. o dpat na 18+. Hehe.. nainspire lang ako sa aking binabasa kanina.. at ito ang naging product.. haha.. ganito ba talaga pag medyo laos ang love life?? Hehe… hit vote kung nagustuhan nyo.. Hintayin ko ang comment nyo ha.. maganda man o panget, iaaccept ko..

Kendra’sPOV

“Girls, alam nyo namang sobrang successful ng isang buong taon ng Chemistry diba? Kaya gusto ko sanang magprepare ng isang number para sa mga guests natin ngayong gabi.”

“Boss, kakanta kayo?”

“Sinong boss dito Lexie?” Mukhang nagalit yata si Boss.. Pasaway naman kasi tong si Lexie.. Hindi makagets.

“Kayo po..” Pinaglaruan na lang nya yung mga daliri nya.

“Good..” ganyan lang naman si Boss Matthew.. Mukhang galit, pero after ng isang kisap-mata, okay na ulit.. Hehe.. Kaya nga ang daming nagkakagustong waitress at bartender sakanya eh.. Siguro isang dahilan na rin yun kung bakit ang daming pumupuntang babae dito sa bar.. “As I was saying, gusto ko sanang maghandog ng number sa mga guests.. Natatandaan nyo naman yung pinerform nyo dati diba?”

“W-Wait.. Kami po boss?? O hindi ikaw ang sasayaw?” Kinurot ko nalang si Lexiekasi mukhang namumuro na sya kay boss.. “Peace Boss.”

“Okay lang naman sainyo diba??” Masyado kasing sexy yung sinayaw namin na yun eh.. Napagtripan lang ng mga co-workers ko kaya nabuo yung dance.. Teka lang ha. Baka iba kayo ng iniisip.. Hindi po ito isang club at hindi kami GRO. Nagtatrabaho kami sa chemistry. Isang high end bar kung saan mayayaman lang ang nakakapasok.. May entrance fee pa bago ka pa makainom.. O diba?? Buti nga dito ako napasok eh.. Malaki kasi ang sweldo.. At mabait pa si Boss. Hindi nya kasi ako pinipilit pumasok kapag exams week.. Kaya minsan, nagtatampo na yung mga katrabaho ko.. working student kasi ako.. Oo.. Legal management student.. kailangan kong kumayod dahil wala ng sinuman ang susuporta sakin..

“Eh, boss, ang dami pong tao eh.. nakakahiya.”

“Kelan ka pa nahiya Amanda?”

“Epal mo rin noh.”

“Hep, bago pa kayo mag-cat fight Erica, gusto ko lang sabihin na double pay kayo ngayong gabi na to’. Siguro naman okay na yun sainyo?”

“Aba, e ano pang ginagawa natin?”

“Ikaw kasi puro dada eh. Practice na.”

“Oh, pano, aasahan ko kayo ha.. Goodluck girls..” Naiiling nalang na umalis si Boss Matthew..

“Kendra, okay ka lang??”

“O-oo. Medyo nashock lang ako.. Alam nyo namang minsan ko lang ginawa yun eh..”

“ano ka ba, kayang-kaya mo yun noh. Ang hot mo kaya nun..” hay.. May magagawa pa ba ako? E utos ni boss, saka kailangan ko ng pera. Malapit na ang Pasukan, wala pa akong sapat na pangtuition.. Pinilit ko nalang tatagan ang loob ko.. There’s no turning back..

(play the video at the side..)

I’m in love with a stripper..

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon