Strip 39

111 6 7
                                    

A/N: It's been awhile since I continued this book. Busy sa pag gawa ng sariling love story at happy ending ang author e. Yes, this girl just tied the knot. So busy talaga. At mas magiging busy ako by September since I'm going back to school. Hay, who said that living overseas is easy as 1-2-3? Well, enough of me. Lets get down to business. Some might find this chapter short, but hey, i tried my best. hahaha. It's short but sweet. I will, and i say I WILL because i dont want to promise anything, but will try to update this as often as I can. OK? Dont worry, hindi ko naman papatayin ang characters just to end it right away. So don't worry. Please leave your comments and feedbacks. Message me and follow me if you want. Thank you for still waiting patiently for every update. God Bless. 


-Ms. A now, Mrs. A, yes still A since A pa rin ang married surname ko hahaha. Kawawa ang soon-to-be Payton at Rapha ko. Haha. Laging una sa recitation at sa upuan kapag alphabetical order. Haha.


Chapter 39

True to his words, mabilis niya kaming nadala sa Manila. Ano pa nga bang aasahan mo sa taong kasing yaman niya, hindi ba ? Ganoon na lang ang panglalaki ng mata ng mga anak ko ng makita nilang sa isang helicopter kami sasakay. Walang pag-aatubiling sumakay si Rapha kasunod naman ang kapatid. Hindi rin kami nawalan ng nurse at mga doctor na kasama hanggang sa makalipad kami. Paminsan-minsa ay nakikita ko siyang sumusulyap sa gawi ko, na parang may sasabihin pero ako na mismo ang unang umiiwas. Walang ibang laman ang isip ko ngayon kundi ang kapakanan ng mga anak ko.

Sa itaas ng isang ospital kami lumapag. Hindi na ako nagtaka sa kung anong kayang gawin ng pera ng mga Collins nang makita ko kung gaano kadami ang siyang nakaabang sa aming paglapag. Isa-isa silang ipinakilala sa akin ng taong sa pagkakatanda ko ay ang Chief ng ospital. Inilagay nila si Payton sa strecther kahit na panay ang iling ng anak ko. Matinding pilitan muna ang nangyari bago namin ito napapayag. Hindi naman umaalis sa aking tabi si Rapha na tahimik lang sa buong byahe namin papunta sa aming kwarto. Naiwan kami sa loon ng suite habang si Ethan ang s'yang kumausap sa mga doktor.

"Mommy," marahan kong hinalikan ang pulso ng anak ko, "hanggang kelan po tayo dito? I don't want to miss school, mommy."

Parang piniga ang puso ko. Gusto kong sabihin sa kaniyang bukas na bukas din ay lalabas na kami, pero alam kong kasinungalingan lamang iyon. Sa ngayon, ayokong bigyan ng false hope ang unica ija ko. So I told her the truth. "Baby, kapag nakining ka sa mga doctor na nakita natin kanina, makakauwi tayo agad. You remember the doll that you wanted sa mall? I'm gonna buy that for you, pag labas na labas natin dito. How's that sound?" tumango lang siya bilang sagot. Lumapit sa akin si Rapha at sabay ko silang niyakap ng mahigpit.

"Mrs. Collins, we'll start the laboratory testing, and further diagnostic screening in a couple of hours. For now, makakabuting magpahinga muna kayo. Isasabay na rin naming sa tests ang inyong panganay na anak." Ani ni Dr. Linares.

"Thank you, Dr." Sagot naman ni Ethan. "Anong pagkain ang gusto niyo, Payton, Rapha?"

"I'm not hungry, Mommy." Pasupladong sagot ni Rapha kay Ethan.

"I want chicken soup mommy."

"Payton, hindi tayo sigurado kung may mga bawal ka pang kainin bago ag tests mo."

"The doctor told me it's fine." Nagsisimula na akong mainis sa kaniya. "I'll order soup and chicken for the both of you."

"Ethan, ako ang Mommy nila. Kung may bawal o restrictions sa kanila, dapat alam ko rin!"


"Don't lecture me now, Kendra. Ilang taon ang nawala sa akin sa pagtatago mo sa mga anak ko. So I suppose that 'little' information would be a problem, right?"

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon