Strip 7

1K 19 3
                                    

Chapter 7

a/n: Ito na po ang chapter 7.. Minimum of 10 votes para po sa chapter na to at ipopost ko aggad ang chapter 8. Okay?? Deal? Hehe. And please do leave some comments para naman alam ko ang thoughts and feedbacks nyo.. Okay? Salamat po sa mga nagbabasa ng IM INLOVE WITH A STRIPPER. Merry christmas and Happy New Year. Enjoy..

Kendra’s POV

“Nasan na ba yun?” Pinilit ko pa namang sarapan yung niluto ko para sakanya, tapos late naman pala uuwi.. Nakatatlong init na ako nito ah..

“Ah! Itetext ko na lang sya.” Kinuha ko yung phone ko.

Nasan ka na? Masyadong demanding. Delete.

Anong oras ka uuwi? Nanay lang?? Delete.

Nagluto ako ng nilaga for dinner. Pwede na siguro ‘to. Send to……. AY engot. Wala nga pala akong number nung mokong na yun. San ko ‘to sesend? Sa outerspce? Hmp.

“Bahala ka na nga. Kung ayaw mo, di wag. Ako na lang kakain.” 9pm na kasi at hindi pa ako kumakain. Hay.. Sa sobrang gutom ko, wala pang 15 minutes, naubos ko na yung pangalawang plato ko. Hehe. Hindi naman ako masyadong gutom diba? Konti lang. Hehe. ^___^.. Ginawa ko na yung mga evening rituals ko saka ako humiga.. Pero ilang minuto na yata akong nakapikit, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ang takaw ko kasi..

Dahil ba talaga yan sa pagkain o baka naman iniisip mo lang yung boypren mong hilaw? Sabi ni konsensya ko.

Masyado lang akong busog kaya hindi pa ako makatulog—Sagot naman ng utak ko.. Naka isang herd na ako ng sheep pero hindi pa rin ako makatulog kaya naman binuksan ko na yung ilaw. Bababa na sana ko ng kusina ng may marinig akong kaluskos sa labas. Holoo. Baka may mumu. Ang agang shift naman nung mumu na yun?

*boogssh*

“Baka magnanakaw!?” Kinuha ko agad yung pinakamalapit na bagay sakin. Sa kamalas-malasan, hanger lang ang nakuha ko. Yung plastic pa. Pano kaya ‘to makakapatay? Baka pagtawanan pa ako ng magnanakaw nito eh.. “Bahala na.” Dahan-dahan akong lumakad papunta sa sala.. Nakapatay pa rin yung mga ilaw kaya nilakihan ko lang yung mata ko. Baka sakaling may makita akong malinaw-linaw.. Kaso wa epek.

“Lord, kayo na pong bahala sakin..”

*bogsssh*

Nung medyo naaninag ko na yung bulto ng katawan na nakatayo sa pinto niready ko na yung hanger ko.. Bahala na si batman.

1……2…….3

“Kyahhh!!!” With all of my might, pinaghahampas ko sya ng hanger. “Bad ka! Umalis ka dito. BAD! Magnanakaw. Rapist. Kidnaper, holdaper, loserrr!!!”

“ArAY!!OUCH!!” Parang kilala ko yun ha. Mabilis kong binuksan yung ilaw. Pati ba boses nagagaya na rin ngayon ng mga kawatan?

“What the hell do you think you’re doing?”

“Pati ba mukha nagagaya nyo na ding mga magnanakaw?? Infairness, ang galing ha. Gayang-gaya.” Hinawakan ko yung mukha nya at pinaling pakaliwa at pakanan. “Pero mas gwapo pa din yung orig. Mas hot pa. Kaya di mo ko maloloko.” Sabay fighting pose ko pa with matching hanger na nakataas.

“Kung ayaw mong matulog sa labas ng condo KO, umayos ka at umalis sa harapan KO!!”

“E-Ethan??” patay kang batang ka. Nakakastrike 3 ka na ngayong araw. Kape, pagtulog sa trabaho, at ngayon ito. Buti na lang pala hindi ko pinuruhan yung mukha nya.. Hehe. “S-Sor--- Ahhh!!” Bigla na lang syang natumba. Buti na lang sa sofa sya nakatapat kung hindi mahihirapan pa akong buhatin sya mula sa sahig.

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon