Strip 9

1K 18 0
                                    

Chapter 9

 a/n: sa mga gustong magpadedicate sakin ng chaps, comment nyo lang po dito. Okay? or message me. Thanks

Kendra’s POV

“Baka gusto mong bilisan dyan.”

“Eto nga po eh.” Kainis. “Kung tinutulungan mo kasi akong magdala ng mga ito, edi sana kanina pa tayo nakaalis.”

“May sinasabi ka?”

“W-Wala. Hehe.” Kung pwede ko lang tirisin ang lalakeng ‘to, ginawa ko na. Ang kaso, sya kasi ang nagpapasweldo sakin e. Pasalamat ka lang talaga. Gwapo ka.

Ibinalibag ko na lang yung mga gamit namin sa compartment ng kotse ni Ethan. Ang dami-dami kasing dala. Isama mo pa pati yung sakin. Tapos ako lang lahat ang nagbuhat. O, diba? Ang gentleman lang ni Sir. Mabilis akong umikot papunta sa passenger seat. Hay sa wakas.

“Ethan.” Deadma lang sya. “Uy, Ethan.” Binuksan nya yung radio.

Di mo alam dahil sayo, ako’t di makakain, dir in makatulog buhat ng iyon—

“What the—ano bang problema mo?”

“Yung totoo? Mas pipiliin mo pang pakinggan yang kantang ‘yan kesa sakin? Ha?”

“Kahit itodo ko pa ang volume n’yan, wala pa ring tatalo sa lakas ng boses mo.” Akmang bubuksan na n’ya ulit yung radio nung takpan ko yung button. “Can’t you see Kendra? I’m driving.”

“Nakastop oh.” Turo ko sa stoplight.

“Tss.” Makaganti man lang ako sa kanya. Bubwisitin ko sya. HAHA.

“San ba kasi tayo pupunta?” Ngiting-ngiti akong nakatingin sa kanya pero hindi naman sya sumasagot. Diretso lang ang tingin nya sa kalsada. “Mayaman ka naman. Siguro nakakapaglinis ka naman ng tenga diba?” Tahimik pa rin sya. “Ethan, saan ba kasi tayo---AHHHH!!”

“Tss.” Mabilis nyang pinaharurot ang kotse kaya naman halos humiwalay ang katawan ko sa upuan ko. Bwisit na lalake ‘to. Hindi man lang magdahan-dahan. Alam namang may sakay syang babae eh. Argh. Hawak-hawak ko ang dibdib ko sa kaba. Lupet kasing magpatakbo e. “Zambales.”

“A-Ano?”

“We’re having a vacation.”

Vacation? Kami? Zambales? Bumilang muna ng ilang minuto bago tuluyang nag-sink in sakin yung sinabi  nya. At nung narealize ko—

“Ahh!! Totoo? Ethan? Pupunta talaga tayong beach? Sigurado ka ba? Ha!?”

“H-Hey. Hey. Baka sa morgue ang tuloy natin kung hindi mo ko titigilan ng kakayugyog dyan. Do I have to remind you that I AM DRIVING?”

Mabuti na lang at nakahawak sya sa manibela. Dahil kung hindi, malamang nasapok na nya ko. Isinisiksik ko ng mabuti ang sarili ko sa gilid ng upuan. Sobrang siksik na pakiramdam ko, magkakasya  na ko sa siwang ng upuan. “Ehehe. Sorry po.”

Yehey! Zambales. Beach. Buhangin. Hintayin nyo lang ako. HERE I COME!!

---

Ethan’s POV

May 15 minutes na kaming nakarating dito sa beach. At 15 minutes ko na ring sinusubukang gisingin tong babaeng ‘to. Ang tindi lang, dahil kahit na pinatunog ko na ng malakas yung radio, binaba-taas ang upuan, hindi pa rin nagigising. Tulog mantika!

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon