Strip 17

702 13 4
                                    

Chapter 17

a/n: Hayyyy finally after almost 2 months, nakapagupdate rin. Sorry kung natagalan. Nag-aadjust pa kasi ako sa bagong environment dito sa "wattpad country." Haha. Anyway, salamat sa mga matiyagang naghintay. At sa mga gustong magpadedicate ng chaps dito o sa ibang stories ko, message nyo lang po ako. Hindi ako nangangagat. Nangungurot lang. Ahaha. Anyway, hintayin ko ang votes, comments at reactions niyo ha. Godbless ANGELS.

Kendra's POV

"Now speak!" She said in a bossy yet sweet manner. Kanina pa siya ganito. Hindi nga ako sanay ng may ganito kagandang babaeng kasama sa bahay e. All my life, I've been living alone, all by myself. Mga sira-sirang pader, matatanda at mga babae lang sa Chemistry ang datingan ng mga kaibigan ko. At ngayon, ang nasa harapan ko ay ang isang Diyosa. "Hey, Kendra! Snap out of it. Argh!"

"S-Sorry. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na kapatid ka nga ni Ethan."

"Na-ah-ah. I'm your soon to be sister-in-law kaya Ate Elise na ang itawag mo sakin. Undertand?" Hindi pa rin ako nakasagot sa kanya. How can this girl manage to be in command while having that sweet pretty face? "Tell me. Ilang months na ang neice or nephew ko?"

Patay kang bata ka.

"I think weeks pa lang yan. Hindi pa kasi halata e. Lokong 'yun talaga. Hindi man lang nagsabing magkakaanak na pala. Kaya pala ayaw akong papuntahin dito sa condo niya dahil nandito ang mag-ina niya." Tuloy-tuloy na sabi niya. Paano ka na ngayon Kendra? Pano ka lulusot dito? "Matawagan nga ang lalaking 'yan ng---"

"A-Ate!!" Nagkatinginan kami ng mapansing pareho naming hawak ang cellphone niya. Pakiramdam ko lalabas sa dibdib ko ang puso ko sa lakas ng kabog nito ng marinig kong balak niyang tawagan si Ethan. Aish. "H-Hindi pa po kasi—ano---"

Napabilog ng maliit ang pulang-pula niyang mga labi at napatango pa na parang naiintindihan ang mga nangyayari.

"Oh! Sorry. I almost popped the bubble." Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag ng unti-unti niyang ibaba ang cellphone niya at saka ito itinabi sa side table. "So when are you planning to tell him?"

"A-ano—kasi ate---"

"Hmm?" Mas lalo niyang inilapit ang kaninang malapit na niyang mukha sa akin. Ano ba namang kalokohan 'tong pinasok mo? Sinabi na kasing layuan mo na ang Ethan na 'yun noon pa lang e. See? Anong naidulot niya sa'yo? Argh!

"I know Ethan will be thrilled."

"P-Pero ate--"

My heart almost stopped when I heard the voice from behind. "I think someone's talking behind my back." Gosh. Paano ka na ngayon? "Didn't I tell you to stay at the hotel ate?" Hindi maalis sa sahig ang tingin ko habang siya ay unti-unting lumalapit sa kinaroonan namin. Ramdam na ramdam ko ang pamumuo ng butil ng pawis sa noo ko. I never felt this nervous in my life. How will I be able to get out of this pit?

"Well, mamaya mo na lang akong sermonan, baka sakaling mas malamig na ang ulo mo." She said after grabbing her purse and heading towards the kitchen. "And I bet you'll even ask me to stay ang look after her." Pertaining to me.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Ethan ng makaupo siya sa katapat kong sofa. "Diba sinabi ko magpahinga ka lang."

"Sobra-sobra na ang pahinga ko." Ni hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob kong masabi ang mga salitang iyon. I cleared my throat once again, hoping that I'll find the courage to tell him. "B-Bakit napaaga ka yata ng uwi?"

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon