Strip 20

708 16 3
                                    

Chapter 20

a/n: KAMUSTAAA!!! Haha. Ang tagalllllllll bago ako nakapagupdate. Sorry. Suer busy kasi e. Pero pinipilit ko naman. Sorry here it goes. Chapter 20. Hintayin ko ang inyong vote at comments ha? Ang next update ay baka private, kung bakit? Secret.... hehe...... salamat sa walang sawa niyong pagbabasa at matiyagang paghihintay.

At para sa aking sel-proclaimed #0 fan, happy 15th. Alam ko late na, pero happy pa rin. Inaru taka. 

Kendra’s POV

“I’m thinking of buying you some ripe mangoes. Yung mga normal na kinakain ng mga naglilihi, like you.” She’s pacing back and forth while holding a glass of fresh orange juice  na ginawa niya kanina. Nagpupumilit kasi siyang kumain daw ako ng mga healthy foods lalo na at mukhang maselan ang kondisyonk ko. I want to cry as I heard those words. How I wish I had a sister like her. “Melon. Mahilig ka ba dun? Ay sorry, wala kasi akong idea sa mga ganiyan e. Alam mo na, wala pa sa pamilya namin ang nabuntis.” Napatingin siya sa akin sa huling salitang iyon. Napakabata ko nga naman kasi para mabuntis. Samantalang siya nga na nasa early or mid twenties niya, ni hindi pa ikinakasal. Lalo naman ang mabuntis. E ako, hindi na nga kasal, nagpabuntis pa. “I mean—it’s not what you’re thinking, Kendra. Hindi lang talaga ako familiar sa—sa mga---”

“Naiintindihan kita Ate.” Nakangiti kong sabi na mukhang nakapagpakalma sa kaniya. I tried making our mood a bit lighter. Simula kasi ng mga nakararaang araw, lagi na  lang malungkot ang paligid. Matapos ng nangyari sa amin ni Ethan, nag-iba na ang lahat. Pareho kaming lumayo. Siguro dahil, unti-unti ng nagkakaron ng katuparan ang mga plano namin at…at…any moment, masisipa na ako sa bahay na ‘to. Hindi ko pwedeng panghawakan ang batang dinadala ko. I want to throw up at the thought of it. “Hanggang kelan ka magsestay dito, Ate?” Napahinto siya paglalakad at mabilis na tumabi sa akin na parang anumang oras, tutulo na ang luha. “May—may nasabi ba akong masama Ate? B-Bakit?”

“Ayaw mo na bang nandito ako?”

Mabilis kong iwinagayway sa harap ko ang dalawa kong kamay. “Naku ate, hindi. Hindi ganun. Masaya nga ako na nandito ka. Atleast, may kasama ako.”

“E bakit pakiramdam ko, ayaw mo na sa akin?”

Siya lang ang babaeng kilala kong kahit na umaktong bata, o kahit na pilitin niyang papangitin ang mukha niya, maganda at mala Diyosa pa rin ang itsura niya. Nakakainggit ang babaeng ‘to. Pinagpalang lubos. Ganito yata talaga ang lahing Collins.

 

“Masyado ka na bang nakukulitan sa akin, Kendra? Ayaw mo na bang nakikita ako? Hindi ba ako gustong marinig  ng pamangkin ko, ha?” Gusto kong matawa sa mga sinasabi niya pero hindi ko ginawa dahil mukhang seryoso talaga siya. “Sige, para sa ikatatahimik ng magiging pamangkin ko, aalis na muna ako at hindi magpapakita ng ilang araw,” maingat niyang ibinaba ang basong hawak sa lamesa at akmang aalis na. “Ayokong may mangyaring masama sa’yo o sa bata dahil sa akin kaya--” mabilis ko siyang niyakap. Pakiramdam ko kasi sa mga oras na iyon, isang kapatid ang kailangan ko. Isang babaeng makakaintindi sa sitawasyon ko.

“I’m sorry, Ate.”

“H-Hey, b-bakit ka nagsosorry? May masakit ba sa’yo? Baka kung ano na namang--”

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon