Strip 30

271 7 1
                                    

A/N: i know it's been a while since I updated this story, ang dami kasing nangyari. Dahil mejo nakausad-usad na, here is chapter 30. Still dont have laptoo, so bear with me dahil sa phone ko lang ito inupdate. If there's any typo, pagpasensya na lang. Haha. Enjoy!

Chapter 30

Kendra's POV

"Wake up, sleepy head." I slowly open my eyes upon hearing his voice.
"Hmm."
"Come on. Anong oras na oh. Ang aga kong bumangon para lang gisingin ka." Gusto kong matawa sa sinabi niya. I miss this side of him. Gaano katagal na nga ba mula ng nag-usap kami ng ganito? I guess it was back when we were still at his place.

"Sino ba kasing nagsabing gisingin mo ako? And do you expect me to jump for joy? Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong gising." Kahit na hinihila pa rin ako ng kama, pinilit kong lumebel sa kaniya na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng kama ko.

"Pwede ba, magpretend ka na lang na-appreciate mo." Tch. Tingnan mo 'tong taong 'to. Ang bipolar lang. Inabot ko 'yung goma sa side table at saka ko itinali into a messy bun ang buhok ko. Nakita kong napatingin si Ethan sa bandang leeg ko matapos kong gawin iyon. Ang aga-aga naman. "Nga pala, simula mamayang gabi, you'll be sleeping in my room."

"Ano!?"

"Edi nagising ka rin."

"'Wag mo 'kong simulan, Ethan. Masama ba gising mo?"

"Bakit? Anong masama d'on? Magkakaanak na tayo. Nakatira tayo sa iisang bahay. And don't act as if hindi pa natin nagawa 'yun." Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Gusto ko siyang sapakin, kahit isa lang ngayon. "Hoy, nakita ko na lahat ng dapat makita. Pati 'yung nunal mo sa kaliwang balikat mo at saka 'yung---"

"SHUT UP!" I manage to shout at the top of my lungs. "O-Oo na. Oo na. Lilipat na!"

Nginitian niya lang ako na parang sinasabing 'hindi ka makakatanggi'. "Bilisan mong mag-ayos."

"Bakit na naman?" I gave him a bored look. Bago pa man din ako makapagreklamo ulit, napatahimik na niya agad ako.
"Bakit ba ang dami mong tanong ngayon? Is it still part of your pregnancy? Darn. Remind me to drop by at the bookstore later."

Did he just kissed me? Ghad. Hindi pa nga ako nakakapagtoothbrush.

"Wala ka na bang ibabagal pa?"
"Sorry naman ha. Sino ba kasing nagsabing gumising tayo ng maaga? Ha?"
"Ngayon ka pa ba magrereklamo? E gising ka na."

Wala na 'kong nagawa. We were walking side by side papunta sa kotse niya. He was about to open the door for me nang biglang dumating ang isang itim na kotse.

"Going somewhere?"
"Pumasok ka na sa loob." Utos sa'kin ni Ethan. Pero hindi ko siya nagawang sundin sa halip, nakipagtitigan din ako sa lalaking kaharap namin. Hindi na ako nasanay sa presensiya niya. 'Yung mga tingin niya, parang mapapatigil ka niya sa anumang ginagawa mo. Na parang isang wasiwas lang ng kamay niya, mapapasunod ka sa gusto niya. "I said get in!"

"Atleast allow me to properly greet her." Sabi niya habang nakangiting nakatingin sa akin. "How are you feeling ija? Balita ko hindi raw maganda ang pakiramdam mo kahapon, kaya naman alalang-alala ang anak kong ito."

"M-Mabuti naman po. S-Sorry po kung nakagawa ako ng gulo kahapon." I felt Ethan's hand grabbing mine, making me feel secured and safe. Mabuti na lang at nakaalalay siya sa akin, dahil pakiramdam ko, anumang oras, tutumba ako sa kaba. Tumango lang si Tito Geraldo saka nagtuloy sa paglalakad.

"Ayos ka lang?" Sinagot ko siya ng isang pilit na ngiti. Inalalayan niya ako papasok sa sasakyan pero naiwan pa rin ang isip ko sa tingin sa akin ng Papa ni Ethan. Nag-away ba sila kahapon? May nangyari bang hindi ko alam? Simula pa lang nung unang pagkikita namin sa opisina, I don't think I gave him a good impression. Baka hanggang ngayon, dala pa rin niya iyon. Siguro nga I can't please everybody but I should atleast try to understand him and show him who I am. "Don't tell me gutom ka na naman?" I woke up from my deep thoughts. "Saan mo ba gustong kumain?" Pasulyap-sulyap siya sa akin at sa kalsada habang hawak ang kaliwang kamay ko.

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon