Strip 35

183 8 14
                                    

a/n: 3rd, and probably the last update for tonight. Enjoy.



Chapter 35

Ethan's POV

Hindi. Imposible. Hindi siya buntis. Paano siya duduguin? No! that can't be true.

"Mom, hindi ako makakauwi ngayon. Babalitaan ko kayo kapag nakalabas na ang doktor." Napataas ako ng tingin kay Matthew. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng suntok niya sa akin. Pero sa mga nakita ko kanina, namanhid ang buo kong katawan. His blood stained shirt says it all. She bled. She was. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig habang tanaw ko siyang buhat ang walang-malay na si Kendra.

"Ano pang ginagawa mo dito, Ethan? Hindi ka kailangan dito."

"Sabihin mo sa akin ang totoo. B-Buntis ba talaga--"

"Hindi pa ba malinaw na ebidensya na dinugo si Kendra? Ha? Ilang beses ka ng sinabihang delikado ang pagbubuntis niya, pero hindi ka nakinig!" Pigil ang gigil sa tono ng boses niya. "Kung ako sa'yo, aalis na ako, bago pa magising si Kendra."

"N-no. Kailangan kong makausap si Kendra. Kailangan kong malaman ang totoo mula sa kaniya." Sapo ng dalawang kamay ko ang ulo ko. "M-Matthew--"

"G@go ka! Binuntis mo na't lahat, pagdududahan mo pa? Bakit? Anong dahilan at naisip mong hindi siya buntis?" Galit na galit siya.

"Si-sinabi sa akin ni Louise. Kendra, herself, even admitted that she lied to me."

"Fuck, pero alam mong ikaw lang ang lalake sa buhay niya!!" I'm such an idiot. "Hindi niya ginusto ang magsinungaling n'ong una, pero hindi niya pa alam na buntis na talaga siya noon. Kasalanan ba niya'ng naipit siya sa sitwasyong 'yon habang hindi niya alam ang totoong, buntis na siya sa'yo."

"D@mn it."

"Kendra Lopez." Sabay kaming napatingin sa doktor. "Sino ang asa--"

"Kaibigan po ako ng pasyente." Singit ni Matthew. Gustong-gusto kong sabihing ako ang asawa, kahit hindi naman talaga. Pero ako ang ama ng pinagbubuntis niya. "Kamusta na po si Kendra, dok?"

"Hindi maganda ang kapit ng bata sa sinapupunan ni Kendra. Ito ba ang unang beses na dinugo siya? She almost had a miscarriage." Nailing na wika ng doktor.

"H-Hindi po, dok." Napaangat ako ng tingin kay Matthew. Kalian siya dinugo? Bakit hindi ko alam? Ano bang nangyayari? Ang dami kong gustong itanong kay Garner, pero mas pinili kong makinig sa sasabihin ng doktor.

"I see. Well, kung mangyari ulit ito, hindi na tayong makakasiguradong makakaligtas ang bata." Napapikit ako ng mariin roon. I cant afford to lose my child. "She needs a complete bed rest. She's still unstable and her body is weak. We also found out she's dehydrated so we'll keep her on IV fluids for now. Most importantly, anuman ang pinagmumulan ng stress ng pasyente, makabubuting ialis niyo sa kaniya. It's the best. For her and the baby." Hindi nagtagal ay umalis na rin ang doktor. Naiwan akong tulala sa pasilyo ng ospital. Anong ginawa ko sa mag-ina ko? Muntik ko na silang mapatay dahil sa kagaguhan ko.

"Ano pang ginagawa mo rito?"

"Babantayan ko ang mag-ina ko." Puno ng pag-aalinlangan ang boses ko. Ako mismo, hindi sigurado kung gusto ko nga bang maiwan dito hanggang sa magising si Kendra. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako.

"Hindi mo ba narinig ang doktor? Alisin ang pinagmumulan ng stress. Hindi ka kailangan dito. kung hindi dahil sa'yo wala sana si Kendra sa loob ng kwarto na 'yan."

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon