Strip 25

806 14 19
                                    

Chapter 25

Kendra’s POV

“Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit sa akin ka pa naglihim? Ganyan na ba talaga kaseryoso ang relasyon niyo ni Ethan? Ha? T@ngina. All this time. Fck. Ethan!! I.. I thought you two were just---”

“I’m sorry.” Nakayuko kong sabi.

“Sorry? God, Kendra. Alam mo ba ‘yang pinasok mo? Ha?” Napahilamos siya ng mukha saka nagbuga ng hangin. “Gagong ‘yun. Sa lahat ng babae, ikaw pa.” Nilingon niya ako, pero hindi ko pa rin siya matingnan. “Paano ba kayo naging close nun? Ha? Alam kong marami kang parttime jobs, pero I didn’t know na pati ang pagiging parausan ng lalaking ‘yun, pinatos mo na rin at---” nanginginig na nilingon ko siya matapos ang malakas na pagsampal ko sa kaniya.

“Mahirap ako, oo. Hindi ko naman ipinagkakaila ‘yun, pero hindi naman ganun kababa ang pagkatao ko para kumagat sa patalim kagaya ng ibinibintang mo.” Akmang lalabas na ako ng kotse niya ng mabilis niyang nahila ang kaliwang braso ko. Lintek na seatbelt kasi ‘to. Hindi makisama.

“I-Im sorry.”

“Akala ko rin kaibigan kita, Matthew. Akala ko lang pala.” This time, nakalabas na talaga ako ng kotse.

Shit. Wala nga pala akong dalang pera dahil kasama ko si Ate Elise kanina. Ngayon, pano ako uuwi? Hindi ko na naman dala ‘yung phone ko. Great.

“Kendra! Wait!”

Huwag kang lilingon, Kendra. Diretso lang. Pero talaga yatang hindi ako naambunan ng swerte ngayong araw na ‘to kaya hindi pa man din ako nakakalabas ng parking lot, naabutan na niya ako.

“I said wait! I didn’t mean to say that.” Hindi ko siya matingnan. The mere fact na alam niya na ngayon ang mga kagagahang ginagawa ko, at ngayon tungkol sa gulong pinasok ko, wala na akong mukhang maihaharap pa sa kaniya. “I.. I’m sorry. Hindi ko dapat sinabi ‘yun.”

 

“It’s done.” Malamig kong sabi.

“Let’s—let’s eat first. Mukhang hindi ka pa kumakain. Baka makasama ‘yan sa bata.” Napapikit ako nang mariin sa sinabi niya. “Saan mo gusto? Tutal sa akin ka naman inihabilin ni Ate Elise. Ako na rin ang maghahatid sa’yo sa--- saan nga ba kita ihahatid? Sa condo ni…” Parang ayaw halos lumabas ng mga salita sa bibig niya. Lalo na ang pangalan niya. Hindi na ako magtataka kung magalit man siya sa lalaking iyon. Parang kapatid na ang turing niya sa akin. At bilang kapatid, normal lang na magalit ka kung malaman mong nabuntis ng kaibigan mo ang kapatid mo. Pero hindi. Hindi siya dapat magalit. Wala siyang dapat ikagalit.

“Sa mansion nila ako tumutuloy.” Hindi man ako nakatingin sa kaniya, pero kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. Nakabuka ang bibig niya pero walang anuman ang lumabas na salita mula roon. “Nalaman na ng pamilya niya, hindi sila pumayag na sa---sa condo niya ako tumira kaya simula kahapon, doon na ako tumutuloy.”

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon