Strip 36

153 6 1
                                    

A/N: the long wait is over. Finally. Nakapagupdate rin. Been very busy with work and planning. So, I hope you guys enjoy this chapter. i know half the time, you guys dont even read my author's note. Oh, well, im like that too, sometimes, when reading. haha so i understand. but i would like to thank those who still find the time to read this. Feel free to vote, comment and share. Message me if you want to say 'hi'! hindi po ako nangangagat. nangungurot lang. :p kidding. Enjoy!

Chapter 36

"Kendra, kamusta ang trabaho?"

"Ayos naman ho Manang. Salamat ho sa pagbabantay." Maingat kong inilapag ang mga gamit ko, sa takot na baka magising sila.

"Hindi mga nagsitulog. Kanino ba nagmana ang mga iyan at parang walang kapaguran." Nailing na tanong ni Manang. "Pero mababait na mga bata naman. Napalaki mo ng mabuti ang mga anak mo, ija. Hindi biro ang magtaguyod ng mga anak ng mag-isa." Tuwing hapon, si Manang Lourdes ang puntahan ng mga bata. Wala namang kaso sa matanda dahil lahat ng mga anak nito ay may mga sariling pamilya na rin at ang iba ay nasa ibang bansa. Sabik ito sa mga apo kaya noong makiusap akong sa kaniya ko muna iiwan ang mga bata hanggang sa makabalik ako galing trabaho, ay hindi na ako nagdalawang salita.

"Mommy!!" Isang matinis na boses ang tumawag sa akin mula sa hagdan. "Si kuya, ayaw makipaglaro ng doll sa akin. Hindi raw pang boys ang dolls, Mommy." Kamukhang-kamukha niya ang ama niya, lalo na kapag nakanguso kagaya ngayon.

"Cars at trucks ang pangboys, Payton. Kahit tanungin mo pa si Mommy." Kasing sungit naman ng ama niya si Rapha. Oo, kambal ang naging anak ko. Mahirap, pero kinaya kong ipagpatuloy ang pagbubuntis ko. Sa edad nila ngayon apat na taon, madalas na nilang itanong sa akin kung bakit wala silang Daddy. Palagi raw kasi silang tinutukso sa school nila. Uuwing umiiyak si Payton, samantalang madumi naman ang uniporme ni Rapha. Kahit madalas na magkulitan ang mga anak ko, mahal na mahal nila ang isa't-isa. At hindi pumapayag si Rapha na may aapi sa kapatid niya. Hindi magtatagal at malalaman nila ang totoo tungkol sa ama nila. At hindi pa ako handa sa panahong iyon. Apat na taon ko silang tinago. Apat na taon kaming nanahimik, at sa ngayon, hindi pa niya kami nahahanap. O baka hindi talaga niya kami sinubukang hanapin.

Tandang-tanda ko pa rin ang lahat ng nangyari kahit na apat na taon na ang nakalipas. Determinado akong tumakas na walang sinuman, kahit si Matthew o si Rain, ang nakakaalam. Alam kong makapangyarihan ang mga Collins, at kung gugustuhin ni Ethan, saan mang sulok ng mundo ako magpunta, mahahanap at mahahanap niya ako. Pero kakampi ko pa rin yata ang langit, o ang impyerno nang ang demonyo na mismo ang lumapit sa akin.

'Limang milyon.' Gagap ko ang kumot na nakabalot sa mga hita ko. 'Layuan mo si Ethan, at huwag na huwag ka ng magpakita pa sa pamilya namin.'

'P-Pero--' paano ang mga anak ko? Hinding hindi na ba nila kalian man makikilala man lang ang ama nila?

'Kung anak ngang talaga ni Ethan ang dinadala mo, hindi pa rin ako makakapayag na isunod sila sa pangalan namin. Hindi ikaw ang gugustuhin kong ikasal sa anak ko. Nakaplano ng ikasal si Ethan sa mga Henderson sa ayaw o sa gusto niya.'

Mas lalong humigpit ang kapit ko sa kumot na ito. Pigil ko ang pagtulo ng mga nagbabadyang luha sa aking mga mata. 'Paano kung siya mismo ang humanap at lumapit sa amin?' Nagtaas ako ng tingin sa kaniya, at doon ko nakita ang pagngisi niya.

'Makakasigurado kang hiding hindi ka niya mahahanap.'

Walang kahirap-hirap akong nakalabas ng ospital. Kasama ang dalawang lalaking nakasuot ng itim na suit, at isang itim na sasakyan, inihatid nila ako sa lugar na hiniling kong pagbabaan nila sa akin, dala ang perang ibinayad niya sa akin. Isang beses ko pang nilingon ang kabuan ng lugar bago ako sumakay ng bus papuntang Pangasinan.

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon